Si Miss Clumsy: Chapter 40 - Three Days

3.7K 42 18
                                    

 I want to dedicate my remaining chapters sa mga writers here in Wattpad na nag-inspire sa akin. The Other Side is one of the best stories na nabasa ko dito sa Wattpad kahit underrated siya. i prefer it kaysa BTCHO pero pareho silang super ganda. ^_^

 ____________________________________________________________________________

Day 136

 

 

Rin’s POV

Sinundo ako ni Lester sa bahay mga alas tres ng umaga. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayong nandito na ako sa kotse niya. Basta malayo daw.

Hindi pa kami nag-uusap. Basta drive na lang siya ng drive. Kinakabahan ako kasi three hours na yata kami dito sa kotse.

“Lester…”

 

 

“Mm?”

 

 

“Saan tayo pupunta?”

 

 

“Ha? Umm. Sa Pagudpud.”

O_O

Natahimik ako. Ang layo…. Tapos beach pa siya? Wala naman ako dinalang panligo sa beach eh.

10 hours na yung drive. Sa wakas nakarating na din kami. Parang napanis laway ko sa mahabang byahe! Kung si Luke siguro kasama ko, baka walang isang minuto na hindi niya ako napatawa.

Arghhhh… kainis ka Luke! Bakit lagi na lang lumilipad sa iyo isip ko!

Andito kami ngayon sa Fine Sands Beach Resort. Fine nga yung sand at white. Inalis ko yung sandal ko.

“Waaa! Ang init ng sand!” Napatalun-talon ako. Narinig ko ang tawa ni Lester. Binuhat niya ako.

“Sino ba kasi nagsabing alisin mo yang sandals mo ha?” Idinala niya ako sa may cabin. Bumalik siya sa kotse para kunin yung mga gamit namin.

“Wala akong panligo, short mga ganun. Di mo kasi sinabi na dito tayo, di tuloy ako nakapagprepare.”

 

 

“Okay lang yan. May binili naman ako eh. Ewan ko lang kung kasya mo.”

Si Miss Clumsy: Tripping All Over His Heart [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon