(Pic on the right is Rin with her Kuya Kyle!) :D
_____________________________________________________________________________
Luke’s POV
Ano ba yan? Lagi na lang kami nahuhuli. Nung una yung security guard, ngayon yung kuya niya naman. Kaasar! Sarap magwala!
Nakaupo kami sa kitchen table nila at nakaupong magkatabi. Sa harap namin ay Si Kuya Kyle at si Kuya Vincent. Nakakatense yung atmosphere. Paano naman kasi, may ilaw pa sa tuktok namin kaya feeling ko interrogation toh.
Kuya Kyle: “Alam mo bang bata pa kapatid ko?”
Ako: “Ummm….”
Rin: “17 na ako kuya.”
Kuya Vincent: “Nakailang halik ka na sa kapatid ko?”
Rin: “Kuya naman eh!”
Ako: “Ah, eh…”
Kuya Vincent: At bakit nagtatago tago pa kayo sa likod? Baka kung ano ano na ginagawa mo sa kapatid namin.
Ako: Wah? H-hindi po. W-wala po.
Rin: Haaaayss… Kuya, isa pa.
Kuya Kyle: Pag nabuntis ang kapatid ko, pananagutan mo ba?
PAK! Wah?! Ang brutal ng gf ko, pati kapatid sinasapak!
“Hoy kuya! Wala kaming ginagawang ganun gaya ng mga iniisip niyo! Bata pa kami at wala pa kaming balak na gawin yun!”
“Bwahahahahahahaha.” Ha? Napatingin kami ni Rin dun sa dalawang kuya niya na humahagalpak.
“Nakita mo ba mukha nilang dalawa Vince?! Bwahahahaha. Ang epic!”
“Kung nakita mo lang mukha mo Luke! Bwahahahahahaha. Kabadong kabado! Ah, eh, ummm…”
BINABASA MO ANG
Si Miss Clumsy: Tripping All Over His Heart [Complete]
Teen FictionMahirap mag-isa, sabi ng marami. Pero para kay Rin, ito ang pinakamahalagang parte ng araw nya, ang oras kung kailan pwede na uli siyang maging mag-isa. Ngunit sa kasamaang palad, hindi ganun kabait sa kanya si God dahil bigla na lang bubulabugin an...