Si Miss Clumsy: Chapter 44 - TLC - The Last Chapter

3.8K 57 36
                                    

A/N: You may hate me for this guys! T_T

Add me on Insta:
@zari_writes

Luke's POV

"Ha? And since when do I ever listen to you?"

"Alam mo Lester..." Papalapit ako ng papalapit sa kanya. "Ikaw na ang lahat lahat. Ikaw na. Sayo na ang yaman, ang talino, ang mukha... pero isa ang hindi mo makukuha sa akin. Ipaglalaban ko siya kahit anong mangyari."

"Ako din naman ah. Akala mo ba ikaw lang ang marunong lumaban?"

Sabay naming hinawakan ang kwelyo ng isa't isa.

Hindi ko din matandaan kung sino ang unang nanuntok. Siya ba o ako?

Isa lang ang alam ko ngayon.

Wala na akong pakialam kung anong mangyayari sa kanya pero ayoko nang nanguguglo siya sa amin. Ayoko nang nasasaktan niya ang babaeng mahal ko.

"Tama na! Tama na!"

Lalapit sana siya pero nakita kong hinila siya ni Macky sa tabi. Nagpumilit siyang makawala habang sumisigaw.

Lumilipad na ang dugo. Alam kong pumutok na labi ko pero tuloy pa rin kami. Gusto kong burahin ang pagmumukha niya nang wala na siyang maipagmalaki.

"Stop! Ahhh!!!"

Napatigil kami ni Lester. Hindi ko alam kung sino ang nakatama kay Rin pero nakita ko na lang siyang napadapa sa semento. Dumudugo yung labi. Hinawakan ni Rin yung labi niya at mukhang nasurpresa.

"Rin." Sabay naming nasabi ni Lester. Gusto ko siyang lapitan. Nanginginig yung kamay niya at ang tanging nasa isip ko lang ay alagaan siya.

"Please wag kayo lalapit."

Umatras si Rin. May takot sa mga mata niya.

"Rin." Lumapit si Lester.

"Leave her alone!" Napasigaw ako at parang nabigla si Rin.

Nagunahan kaming makalapit sa kanya pero tumakbo si Rin.

Tumakbo na din ako. Papunta siya sa highway at walang pakundangan ang mabilis na pagpapatakbo ng mga drivers. Shit!

Binilisan ko ang takbo.

Parang sasabog ang puso ko sa kaba. Malapit na siya sa daan... nasa gitna na siya...

Dali Luke. Dali.

May parating na pulang sportscar.

Dali Luke. Dali!

BEEP! BEEEP! BEEEEEEP!!!!

Sumasabog ang tunog ng bawat tibok ng puso ko sa mga tenga ko. Lahat bumabagal sa paningin ko. Kailangan ko siayng maabutan. Kailangan ko siyang iligtas...

"RIIIIIIIIIIIIIINNN!!!!!!!!!!"

Nakita ko kung paano tumilapon ang katawan niya. Rin...

Hindi...

Tumakbo ako. Baka sakaling kapag tumakbo, mangyari ulit at ako na lang yung mabunggo.

Hindi ko kayang lumapit kay Rin. Hindi ko kaya. Napaluhod ako habang tinitignan ang paparating na mga tao, pagtigil ng kotseng nakabangga, pagdating ng ambulansya. Nakaluhod lang ako habang nakatingin sa kanya. Hindi ko siya nakayang iligtas. Hindi ko nakayang sagipin ang babaeng pinakamamahal ko at wala akong magawa. Wala akong kwenta...

Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa posisyon ko pero napansin kong basang basa na mukha ko. Hindi naman umuulan ah? Shit. Sa mata ko galing.

Napapikit ako. Wala na si Rin...

Si Miss Clumsy: Tripping All Over His Heart [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon