Si Miss Clumsy: Chapter 26 - She Returned

3.9K 46 5
                                    

Luke’s POV

“Sino ka?”

Tanong ko sa babae. Napagkamalan kong anghel yung babae eh hindi naman siya naka-white? Antanga ko lang talaga minsan.

Narinig ko siyang nag “Oh my gosh”. Arte eh.

Tinignan ko ng mabuti yung babae. Bigla na lang may kumirot sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit.

Napatingin ako dun sa lalake. Hindi ko rin kilala.

“Luke, hindi magandang biro toh.” Sinabi nung babae tapos tumulo na naman luha niya.

“Miss, I’m not joking. Hindi ko kayo kilala and can you tell me why am I here?”

Bumukas yung pintuan. Bumulaga sa paningin ko si Herbert at si Cassie.

Lumapit sa akin si Cassie at hinalikan ako sa noo. “Musta ka na? Hindi ka mukhang big boy ah.”

Napansin kong umiiyak yung babae kay Herbert. Hello, GF here, kausap ko?

“Luke… may tanong ako.” Sinabi ni Herbert. Medyo nagaalala na yung itsura niya.

“Ano yun pre?”

“Si Rin toh.” Sinabi niya sabay turo sa babae. “Si Cezarine Isabel Millo, wala ka bang natatandaan tungkol sa kanya?”

“Ni hindi ko nga alam kung paano ako napunta dito, siya pa kaya?” Sagot ko.

Parang naalarma si Herbert. Bigla siyang umalis ng kwarto, sumunod si Cassie.

Bakit umalis si Cassie? Wala na tuloy ako kausap. Itong dalawang ito lang eh hindi ko naman sila kilala. Tsk.

Awkward silence for five minutes…  -_-

Maya maya ay dumating na din si Herbert at may kasama siyang doctor.

Rin’s POV

Si Miss Clumsy: Tripping All Over His Heart [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon