Si Miss Clumsy: Chapter 23 - The Truth

4K 48 5
  • Dedicated kay Alyanah Torres Remocal
                                    

Rin’s POV

Bukas na ang pang-apat na araw simula nang magsimula ang pagbabanta ng mga 8Force. Habang lumalapit sa deadline, mas lalo akong kinakabahan para kay Luke. Sana okay lang siya ngayon. Sana walang mangyaring masama sa kanya.

Pero hindi lang siya ang damay ngayon, lahat kami.

Tinignan ko ang hawak kong letrato. Binigay ng isang babae na schoolmate ko. Picture namin ni Luke na magkayakap sa rooftop. May nakalagay sa likod, “Alam namin ang totoo. Hintaying mo ang susunod na mensahe namin. -8FORCE”

Kanina pa ako umiiyak. Buti na lang hindi pumapasok sila Kuya Kyle at Kuya Vincent ngayon sa kwarto. Baka makita nila ako.

Paano kapag nakita ito ni Lester? Nakita na ba niya? Sa tingin ko naman hindi pa pero gagawin nila itong sandata.

Hinintay kong tumigil ang pagdaloy ng luha ko. Dinial ko ang number ni Lester.

“Hey. Bakit gising ka pa?” Tanong niya.

“Hindi ako makatulog eh.” Sagot ko.

“May gusto ka bang sabihin?”

 

 

“I just wanted to let you know na mahal na mahal kita.” Sinabi ko. Wala akong nararamdamang hiya sa sandaling ito.

“I love you too. So much.” Sinabi din niya.

“Good night Les.”

 

 

“Good night Rin.”

Pagkatapos nun ay tinawagan ko si Luke. Hindi ko alam kung anong sasabihin pero kailangan ko siyang kausapin.

“Rin.” Sinabi ni Luke nung nasagot niya tawag ko. “May sasabihin ako sa iyo.”

 

 

“I think I know kung ano yun. May natanggap ka ring pic?”

“May natanggap ka din?!” Gulat niyang sagot. Parang may narinig akong ‘shit.’

Si Miss Clumsy: Tripping All Over His Heart [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon