Prologue.

1.1M 13.5K 1.8K
                                    

MY GANGSTER HUSBAND.

... 'cause no matter what you do, my heart belongs to you.

Written by: Ella L./modernongmariaclara. All Rights Reserved. 2012.

---------------------------------------

PROLOGUE



"If an angel and devil were to fall in love with each other, can their love transcend the law of heaven and hell? Can the angel set her wings on fire? Can the devil soar at day light? This is faith's decree. Love can't change what isn't meant to be." 

Kapag narinig mo ang salitang 'gangster'. Ano ang unang pumapasok sa isip mo?

1. Lalaking mahilig makipag-away at gumawa ng gulo. CHECK!

2. Lalaking mukhang pupunta lagi sa burol dahil laging nakaitim. CHECK!

3. Lalaking pala-mura at kung umasta, akala mo siya ang hari ng mundo. CHECK!

4. Lalaking laging umiinom, naninigarilyo, at nanloloko ng babae. CHECK!

5. Lalaking walang pakielam sa nararamdaman ng iba. CHECK NA CHECK!

Pero, nagbago lahat yun, nang makilala ko siya.

"What the hell Hannah? Tutunganga ka na lang ba dyan sa harap ng computer? Ano bang tinatype mo ha? Sirain ko kaya yan! Magluto ka na nga!" 

Oops! Mukhang tinatawag na nga ako ng asawa ko. Asawa kong kahit kelan, super sungit!

Paano ba yan? I'll just take care first of...

MY GANGSTER HUSBAND.

My Gangster HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon