Chapter 10. [Trending]

328K 6.2K 1.5K
                                    

HANNAH'S POV

Failed ako sa presentation ng plate namin.

Dahil nung sinigaw ni Dylan yung 'Dela Cruz ka na ah!', kinuha ko kaagad yung plate ko na miniature house with garden, lumapit kay Dylan at...

Binato sa mukha niya yung gawa ko.

Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun. Eh kasi naman! Akala ko ba walang pakielamanan? Bakit niya pinapangalandakan sa buong school na mag-asawa kami?!

Kaya ayun, nandito kami sa office ni Dean. Pinadala kami ni Prof Vergara.

Huwaaaaaaaaaaaaa! T^T

Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina ko pa napatay 'tong si Dylan!

Dahil lang naman sa ginawa niya, nagkaroon ng chaos at pinadala kami sa Dean's office.

Hindi pa kasi alam ng university na 'to na kasal na kami. Kahit anak si Dylan ng may-ari which is si Tito Dionisio, tinatago pa rin namin para walang gulo.

Eh kaso! Wala! Gusto siguro ng taong 'to na mabaliw ako!

Kinausap kami ni Dean at nag-explain naman kami. Sinabi na namin yung totoo.

Na mag-asawa na kami.

Hindi ko ineexpect na ang dean namin, matutuwa sa nalaman niya.

"Good for you Mr. Dela Cruz! Mukhang aalagaan ka naman ni Mrs. Dela Cruz mo." sabay wink saming dalawa.

Huhuhu. Hindi ako natutuwa! T^T

Lumabas na kami kaagad pagkatapos nun. Lunch break na rin kasi. Nakasunod lang ako kay Dylan na nakalagay ang kamay sa bulsa ng pantalon niya. Hindi kasi siya naka-uniform.

Nakakainis! Bakit ganun? Alam ko siya may kasalanan sakin pero mali pa rin na binato ko siya ng plate ko. Hannah Lee, este Hannah Dela Cruz, mag-sorry ka!

"Dylan! Wait!" sigaw ko sa kanya. Tumigil naman siya at tumingin sakin.

My Gangster HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon