Dedicated to Jordan. Why? 'Cause I love all her works! :"> You guys go check it out. She's so awesome. One of my idols here on wattpad.
ENJOY THE UPDATE!
----------------------
HANNAH'S POV
SECOND DAY
MORNING
Hmm...
Ang sarap namang yakapin ng unan na 'to. Ang lambot-lambot eh...
Ang bango-bango pa.
Hmm...
Ang komportable ng pagkakahiga ko, ang sarap talagang yakapin ng unan ko.
"Tss."
Huh?
Bakit ganun? Yung unan ko, humihinga?
At parang nag-tss?
May buhay na unan? *O*
"Laway mo na naman Hannah."
MAY BUHAY NA UNAN NA KABOSES NI DYLAN?!
Dumilat kaagad ako at napanganga dahil hindi naman pala unan ang niyayakap ko kanina pa.
Si Dylan mismo.
"Alam mo bang di ako nakatulog ng dahil sayo?"
"A-ah D-dylan!" napaupo ako agad sa kama at iniwas yung tingin sa kanya. "W-wala akong alam promise!"
"Bakit? May sinabi ba kong alam mo na ang higpit ng yakap mo sakin kagabi habang tulog na tulog ka?"
Oh my god, nakakahiya. TT_TT
Tumayo na lang ako at nginitian si Dylan.
"Umaga na Dylan! Makakauwi na tayo. Sige, mauna na ko sa loob ah." sabay turo dun sa CR.
Pumikit lang siya at nag-cross arms. "Sige, bilisan mo. Baka babagal-bagal ka na naman."
Inignore ko na lang yung huling sinabi niya at pumasok na sa CR. Napasandal pa ko sa may pintuan dahil parang naewan ako bigla.
Parang nahiya ako bigla sa kanya.
Hmp. Ganun na naman siya. Back to old Dylan. Laging naninigaw, laging gusto na siya masunod. At lagi pang nang-aasar. Hays.
Hindi kaya...
Pinanganak talaga siyang bipolar?
Bad yan Hannah. Bad yan.
Napabuntong-hininga na lang ako at naligo.
Grabe, ang lamig naman ng tubig! Wala man lang hot water. Grabe naman dito sa CH Motel na 'to.
Mag-inarte pa ko eh buti nga binigyan pa ng discount si Dylan eh.
Pero paano kaya kami makakauwi nito? Paano yung kotse niya na naiwan? Baka mamaya pagkauwi namin, ipakuha na lang niya sa caretaker ng beach house?
Sa pag-iisip ko, hindi ko namalayan na kumakatok na pala si Dylan.
"Bilisan mo nga! Bumaba na ko kanina sa lobby at nakitawag. Susunduin na daw tayo ni Drake."
"A-ah! Sige! Pero paano yung kotse mo?"
"Aish. Oo nga pala. Sige, bababa lang ako ulit. Basta bilisan mo dyan!"
Narinig kong bumagsak yung pintuan sa labas. Talaga 'tong si Dylan, di man lang marunong magsarado ng pintuan!
Buti na lang pala nilabhan ko yung underwear namin at natuyo naman siya. Okay lang, asawa naman niya ako eh. Kahit old clothes pa 'tong susuotin namin, okay lang. Mamaya naman pwedeng maligo na lang ulit at magpalit eh.
Inuna ko munang suotin yung underwear at pants ko kasi medyo di tuyo pa yung t-shirt ko. Maya-maya nung okay na, susuotin ko na sana kaso parang may kulang.
Hala, nasaan yung bra ko?!
Naiwan ko nga pala sa ilalim ng kama! Dun ko kasi tinago kasi hello, nakakahiya naman kung makita ni Dylan diba?
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists
| Lee Min Ho | as Dylan Dela Cruz |
| Park Min Young | as Hannah Lee |