Chapter 1. [Where it all started]

271K 3.4K 497

Dedicated to her for the wonderful book cover she made. Thank you sis! Love you! <3

And thank you pala, grabe, nasa TOP10 na kaagad siya ng Teen Fiction simula kahapon? Grabe! Hehehe thank you!

----------------------------------


HANNAH'S POV


In another life...
I would make you stay...
So I don't have to say...
You were the one that got away...
The one that got away...

Nakakaawa talaga si Katy Perry sa kanta niyang 'to. Nagsisisi siya dahil hindi niya man lang napigilan ang boyfriend niya na umalis. Tapos, malalaman niya, nagkaroon ng car accident ang boyfriend niya at patay na pala ito. Ni hindi man lang siya nakapagsorry. Syempre, masakit yun. Grabe pala talaga ang Love.

Ano kayang feeling na mainlove? Ay ewan! Bakit ba yan ang pinag-iisip ko ngayon. Mag-aaral muna ako ng mabuti. Yun ang sabi ng mom ko bago siya mamatay.

Pero grabe, true love talaga ni mom si dad. Kaya siguro nagpakasal sila ng maaga at napanganak ako. Pero, sabi ng mom ko sakin, bawal muna mainlove habang di ka pa tapos at wala ka pang trabaho. Tama naman yun! Siguro ayaw niya akong magaya sa kanila ni dad. Kasi bata pa sila nung nagpakasal. 18 si mom nun at 19 si dad.

Napatingin ako sa kaliwa ko nung naramdaman kong tinatapik ako ni dad. Tinanggal ko yung earphones ko sa tenga. "Yes dad?"

"Malapit na tayo sa new school mo Hannah. Mag-ingat ka dun ha? Be a good girl." nangiti ako sa sinabi niya.

"Of course, dad. I will. Susundin ko po ang mga bilin ninyo."

"Wag kang makikipagkaibigan sa mga bad influence na estudyante ha? Alam mo na dyan rin kami nag-aral ng mom mo kaya alam ko--" pinutol ko na yung sasabihin niya. Alam ko na kasi ibibilin niya. No boyfriend! Studies first!

"Opo dad. Alam ko na yun. Hehehe. Hindi na po ako high school student. College na po! Wag kayong mag-alala! Wala po akong gagawin na ikakapahamak ko."

"Good." Napaka-overprotective talaga ni dad.

Pinarada niya yung kotse sa may harap ng gate. Humalik ako sa pisngi niya. "Sige dad. Bye!"

"Teka lang! Hannah Lee. Tandaan mo, ikaw ang anghel namin. Ikaw na lang natitira sakin. Kaya mag-iingat ka. Nako, yung nanay mo kasi... iniwan tayo kaagad." nalungkot bigla yung mukha ni dad.

"Dad. Alam ko naman na babantayan ako ni mom lagi. Pati ikaw. Kaya wag ka ng malungkot okay? Sige ka, malulungkot rin si mom sa itaas. Gusto mo ba yun?"