Chapter 35. [The Truth]

275K 6.1K 1.9K
                                    

Sensya sa cussing parts... Enjoy...

---------------------------------

DYLAN'S POV

"Tangna pare, kalma nga! Ano bang problema mo ha?"

"Manahimik ka Sky wala akong ganang makipag-usap ngayon."

"E gago ka pala e. Pinapunta mo ko dito sa bahay niyo dahil gusto mo ng ipasikaso sa tito ko yung annulment papers niyo tapos sisinghalan mo ko? Ano ba Dela Cruz?!"

"Punyemas sabi ko ng manahimik ka!"

Di na siya nagsalita. Huminga ako ng malalim at tinignan siya ng seryoso.

"Pasensya na pare. Di kasi sinasagot ni Hannah tawag ko. Ilang oras na wala pa rin."

"Kaya pala kanina ka pa nakatutok sa cellphone mo. Nasaan ba siya?"

"Nagpunta raw sa cemetery. Sa nanay niya. Mahigit isang oras na di pa rin siya tumatawag para magpasundo. Aish!!!"

Tinignan ko ulit ang screen ng cellphone ko. Langya Hannah. Ano ba?! Bakit di mo sagutin ang tawag ko ha?!

Lagot ka talaga sakin mamaya!

"Alam mo, ang labo mo pare."

Tinignan ko si Sky.

"Anong malabo ha?"

"Gusto mong magkahiwalay kayo pero ikaw 'tong parang aso kung makapag-alala sa kanya. Ano ba talaga?"

Napatigil ako.

"Nag-aalala lang ako kay Hannah. Asawa ko pa rin siya. Nasa poder ko pa rin siya kaya sagot ko kung may mangyaring masama sa kanya."

"Yun lang ba talaga?"

My Gangster HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon