Chapter 18. [My turn]

303K 5.6K 735
                                    

Hi. Ayan, update. Sorry ang tagal. Di kasi ako makapag-upload dun sa old un ko ewan ko kung bakit nag-error. Kaya nagpalit ako. Sana mabalik mmc ko. Oo nga pala, salamat sa mga nagchicheer-up sakin. Alam niyong down na down ako this week pero di niyo ko iniwan. Inintindi niyo ko. Hindi ko na lang sila papansinin dahil alam ko naman kung ano yung totoo talagang nangyari. I'll just write for myself and dedicate all to God.

Thanks rin kay Ate Denny, Ate Aly, Ate Dom, Ate Claire, Ate Trins, Eydee, Bonny, Mira, Rayne, Kat, Ate Roma, Ate Miq, Adee, Gabrielle, Kim, Jane, Ate Caryl, Ate Mara, Kuya Soju, Kuya Alek, Grei, Renatz at madami pang iba na nagcheer-up sakin nung alam niyong down na down ako. I love you all sagad.

--------------------------

HANNAH'S POV

THE NEXT DAY

Ang gulo gulo talaga niya! Ang sarap niyang itapon sa ilog! Kaso kadiri yun kaya wag na lang. Kawawa naman siya. :(

Pero eh kasi naman! Diba? Kahapon di siya mamamansin. Tapos ngayong umaga, bigla niya akong iniwan? Nauna na kaya siyang pumasok sa university! Akala ko ba isasabay na niya ako?

Hindi ko man aminin pero...

Nakakapagtampo talaga!

Kaya eto, back to lakad mode ako. I can't contact Mac too. I don't know. Mukhang busy siya eh. Saan ba siyang university ulit? Wala lang. Kapag na-bored ako puntahan ko na lang siya. Or sa treehouse para mas sure na nandun siya.

Kaso si Dylan. Baka magalit. Wag na nga!

Sige lang Hannah. Lakad lakad lakad!

Habang tinitignan ko yung surroundings ko. Bigla na lang may sumulpot na mga motor sa kaliwa at kanan ko. Bigla akong kinabahan nung tumigil sila at bumaba. At pumunta sakin. 4 silang lalaki.

Mga gangster!

Uh-oh.

Hinawakan ko yung book bag ko sa may dibdib ko. I swear, makakatikim sila ng hampas sa book bag ko kung may gagawin silang masama sakin!

Pinalibutan nila ako. Natatakot na ako...

"Anong ginagawa niyo ha?" bigla kasing kinuha yung book bag ko nung isang gangster. Nagulat ako nung itinapon niya ito sa kalsada.

My Gangster HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon