Chapter 28. [Explanation]

252K 5K 1.1K
  • Dedicated to Dy and Hannabee <3
                                    

FACT: I really have a friend named Dylan Dela Cruz. Pero di siya gangster ah. =)) May girlfriend talaga siyang Hannah (hindi lang Lee) kaya sa kanila ko binase names ng chars. ko dito. Nasa med school na sila parehas at grabe kahit busy sila, nakakatuwa kasi parehas pa rin nilang binabasa 'to. Kaya dedicated sainyo 'to Dy and Hannabee~! I love you both. Stay strong.

Stay safe guys! Next update 'pag di na busy xx

--------------------------------------------

HANNAH'S POV

Anong sabi niya?

M-m-mahal ko ba si...

"Hannah, sagutin mo ang tanong ko. Mahal mo ba ang asawa mo?"

Ang seryoso ng boses niya. Ang seryoso ng tanong niya. Ang seryoso niya.

At tinawag niya akong Hannah...

Hindi Nana.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot.

Takot kay Mac, takot para kay Dylan, at takot dahil baka iba ang lumabas sa bibig ko sa tunay na nararamdaman ng puso ko.

Mahal ko ba si Dylan?

"Hannah--"

"Wait Mac."

Tinignan ko ang hallway na 'to. Wala naman, walang tao. Walang makakarinig ng mga sasabihin ko kay Mac. Nasa loob naman ng hidden garden si Dara. At baka busy siya sa pagtetext.

Agad akong pumasok sa isang classroom na wala namang tao. Ila-lock ko na sana kaso sira pala ang doorknob. Hays. Hinayaan ko na lang siyang nakabukas kahit onti. Pero mas mabuti na dito. Hihinaan ko na lang ang boses ko.

Medyo lumayo ako sa may pintuan at huminga ng malalim saka tinignan ng seryoso ang cellphone ko. Ewan ko, naguguluhan ako. Pero kailangan kong iexplain lahat kay Mac.

Dahil bestfriend ko siya. And I can't bear lying to him.

I sighed deeply before I started talking to him on the phone.

My Gangster HusbandWhere stories live. Discover now