Chapter 3. [Accept it or not?]

371K 7.5K 1.2K
                                    

Yehey! Update! Hehehe! Grabe lungs. Comment ulit ha? Loveyou! Dedicated to her. Hi Amiga! Labyu! Hahaha. <3

-----------------------

HANNAH'S POV

"Wait..." huminga ako ng malalim at tinignan si dad. "Ikakasal ako... sa kanya?!" tinuro ko si Dylan na ngayon, expressionless.

"Mas mabuti sigurong maupo tayong lahat sa living room at doon natin pag-usapan."

"Okay dad." pumunta na kaming living room at naupo ako sa sofa. Si dad at Tito Dionisio sa magkabilang dulo at ako sa gitna.

Saan uupo si Dylan?

"Iho, maupo ka na sa tabi ni Hannah." parang walang pakielam si Dylan na umupo sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya pero nakapikit siya. Hmm... bakit siya nakapikit? Inaantok ba siya?

"Dylan. Inaantok ka ba? Matulog ka pagkatapos ng sasabihin nila ha?" bigla siyang dumilat at nagsmirk sakin.

"Hindi pa tayo mag-asawa nangingielam ka na. Tss." hala... grabe naman siya! Nagsusuggest lang naman ako ah! Ang laki kaya ng eyebags niya!

"Makinig na muna kayong dalawa samin ni Ramon. Sasabihin na namin ang plano namin para sainyo." sabi ni Tito Dionisio.

Inayos ko yung upo ko at hindi ko na lang pinansin si Dylan. Baka mamaya, magsungit na naman siya.

"Ano yun tanda? Sabihin mo na. May pupuntahan pa ako."

"Wag ka ngang bastos Dylan Dela Cruz! Para sa ikabubuti niyong dalawang 'to." hala... nag-aaway ba sila?!

"Wag po kayo mag-away please..." nag-please sign pa ako. Wag naman sana silang mag-away! TT_TT

Biglang tumingin sakin yung dad ni Dylan at... ngumiti?!

"Iha, napakabait mo. Para kang anghel katulad ng mama mo. I like you for my son." uhh...

"Teka lang po, bakit po ba kami ikakasal? 17 pa lang ako. 18 po legal age ng pagpapakasal diba?"

My Gangster HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon