Chapter 20.2 [Friendly date]

165K 2.1K 554

Lovelies, ayie may update ako. Enjoy! Tuloy-tuloy na ang update. Siguro every other day or more. Kinikilig na ako dito eh. Haha. Read before vommenting! \o/

Anyways, place your bets again guys! Anong team niyo? Team HanDy, Team MacNah, Team NahThan o baka naman gusto niyo ang team DylThan? HAHAHA! Lol at the latter part.

--------------------------

CHAPTER 20. 2

DYLAN'S POV

Hahaha! Ang cute ng reaksyon ni Hannah kanina! Para siyang batang naagawan ng lollipop! Grabe.

At sobrang ganda niya ngayon.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko bakit ko siya hinalikan na naman. Eh kasi naman, alam ko aasarin ko lang siya. Ginaya ko yung nakita kong ginawa ni Trick sa babae niya. Nakita lang daw niya yun sa Secret Garden ba yun? Tangna. Ano bang pinapanuod ng gagong yun.

Pero bakit ganun? Nakaramdam ako ng... saya?

At magaling pala siyang sumayaw. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit kay Nathan niya sinabi? Ako asawa niya diba?

Ano ba 'tong pinag-iisip ko. Kailangan ko ngang iwasan si Hannah dahil baka mapahamak siya dahil sakin. Pero bakit ganun? Parang di ko kaya? Aish.

Napatingin ako sa kakapasok pa lang sa CR. Etong hinayupak na lalaking 'to. Ang lakas ng loob yayain si Hannah makipag-date. Tss!

"Pare, dapat di mo ginawa yun. Nakakabastos naman yun."

"Yung alin?"

"Yung paghalik mo kay Hannah."

Nginisian ko siya. "Bakit? Asawa ko naman siya."

"Date namin 'to Dylan. Labas ka dito."

Tinignan ko siya ng seryoso. "Di kita pinapatulan dahil kapatid ka ni Drake. Pero kahit member siya ng Dark Knights, di kita uurungan. Umayos ka. Baka di na kita matantsa dyan."

"Hindi rin kita uurungan. Napakaswerte mo kay Hannah. Kaya sana pahalagahan mo siya. Sinabi niya sakin kahapon na naiinis siya sayo kasi iniiwasan mo siya ng wala sa lugar. Tapos ngayon ikaw 'tong lumalapit sa kanya? Para ano? Para iwasan na naman siya?"