Chapter 20.4 [Dance]

287K 5.7K 817
                                    

Read before vommenting. At guys, srsly. On-going po 'to kaya bitin. Thanks for understanding. And, uhm. Mga bata dyan, read at your own risk. Wag magbasa kung di sanay sa scenes na..

------------------

CHAPTER 20.4

DYLAN'S POV

BAR

"Oy, brad. Problema?" sabi ko pagkaupo ko sa tabi ni Grey. Siraulong 'to. Ang saya ng kasama ni Hannah sa mall kanina eh. Nag-eenjoy na ko tapos, psh. Panira.

"Brad. uminom ka muna." inabot niya sakin yung isang shot glass ng gin. Ininom ko naman ng isahan.

"Sabihin mo na kung ano. Bilis. May kasama ako."

"Si Hannah?"

"Oo."

"Asan siya?"

"Nasa labas."

"Gago! Bakit mo iniwan sa labas? Alam mong maraming tarantadong pa-gala gala dyan!"

"Mas malala naman dito sa bar mo bobo! Di siya pwede dito. Kaya kung ako sayo, sabihin mo na yung sasabihin mo para mapuntahan ko na siya sa labas! Tss."

"Sige, chill!" nag-shot muna siya bago biglang nandilim ang paningin niya.

"Ano na?"

"Binantaan na tayo ng Black Scorpions." umiling siya. "Minarkahan nila yung warehouse, brad. Alam mo na, simbolo nila."

Nakuyom ko ang kamao ko.

"Mga gagong yun. Na-move na nga yung underground battle next month dahil yung lider nila, bumalik ng US! Mga takot!"

"Pero brad, alam mo na sila ang isa sa mga gang na malakas nating kalaban."

Napasinghap ako.

My Gangster HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon