EPILOGUE

81.7K 1.7K 123
                                    

Nagising ako mula sa pagkakatulog dahil naramdaman ko ang tadtad na halik sa pisnge.

As i open my eyes i saw my very beautiful baby girl, Allison Lawrence. Ang sunod na pinaka magandang babaeng nakita ko buong buhay ko, una ang asawa ko syempre.

"Daddy, wake up."

I chuckled. "Sige na, babangon na si Daddy."

Nang maassured na niyang gising na ko nag madali na siyang maglakad palabas ng kwarto.

Bumangon na ko sa kama bago pa bumalik yung anak ko at pagalitan ako. Kung takot ako sa Nanay niyang magalit, takot din akong magalit ang anak kong yun pareho kasi sila ng Nanay niyang tumingin pag galit.

Ako na ata ang pinaka under na lalake sa lahat, dahil sa dalawang girls ko.

Lumabas na ko ng kwarto at naglakad papunta sa dining area kung saan paniguradong nandun ang mag ina ko, alam ko kasing kaya ako ginising ng anak ko ay dahil kakain na.

Pag dating ko ng dining area, nakita ko na ang dalawang magandang babae sa buhay ko. Hinahandaan ni Amber ng makakain si Allison. Lagi nalang akong napapangiti makita lang sila, lalo na ang asawa ko.

Anim na taon na din mula nung ikasal kami, medyo malaki na nga yung tyan niya nun pero kahit ganun siya pa din ang pinaka sexy na bride na nakita ko. Ako na rin ata ang pinaka masayang lalake sa mundong yun dahil sa kabila ng mga napag daanan namin nun dahil sa sikreto kong pakikipag apid sa babaeng may asawa tinangap pa din niya ko.

Sa ngayon wala na kong balita kay Zooey, kay Ian naman meron pa kahit papaano dahil Bilyunaryo siya at nakikita minsan sa T.v, patuloy lang siyang nagpapayaman. Pero kung siya maraming pera, mas mayaman naman ako sa pagmamahal ng mag ina ko.

Lumapit ako sa asawa ko at hinalikan siya sa pisnge. "Good morning Mommy." I greeted my wife.

She smiles. "Good morning, Daddy."

"Talagang si Alli na lagi ang inuutusan mong gumising sakin ah."

She laughed. "Kasi pag ako gumigising sayo.." Tinakpan niya yung tenga ni Alli. "Puro ka kapilyuhan." Halos pabulong na niyang sabi. Totoo yun, lagi kasi akong nag rerequest ng kiss pag siya ang gumigising sakin.

"Maupo ka na para makakain na tayo, pupunta pa tayo sa birthday ni Julian, remember?" Pagpapaalala niya. Si Julian ang bunsong anak ni Justin at Luisa. It's a boy again, kaya laging ang gulo sa bahay nila Luisa.

"Opo, di ko nakakalimutan. Anong oras daw pupunta sila Majah?" Tanong ko. Simula din pala nang maikasal kami ni Amber, ang bonding nilang tatlo nila Luisa at Majah napapadalas. Si Luisa palibhasa kaming nga lalake ang barkada kaya nung nagkaroon ng Amber at Majah halos di na makausap. Haha!
"I don't know, for sure nagaasikaso na din yun." Sagot ni Amber.

Tumabi nalang muna ako sa anak kong ang sarap kumain. "May regalo ka na kay Kuya Julian?" Tanong ko.

"Yes." She said chewing.

"May card din siya kay Julian." Amber said.

"Really? Pwede bang mabasa ni Daddy?"

"No! Girls only."

"Girls only lang daw." I pout at my wife asking for information.

"Mamaya." She mouthed.

Nag simula nalang kaming kumain ng nilutong breakfast ng mahal ko. Ang sarap niya talagang magluto, kaya feeling ko tumataba na ko. Pero sabi niya hot pa din naman daw ako kaya paniniwalaan ko nalang yun.

Nang matapos naman kaming kumain, nag madaling pumunta si Alli sa kwarto niya para daw kunin yung favorite dress daw niyang susuotin sa Birthday ni Julian.

"Alam mo nagseselos na ko kay Julian." I seriously said to my wife.

She laughed. "Best friend niya daw kasi eh, kaya hayaan mo na."

"Tss.."

Naglakad siya papalapit sakin at hinawakan ako sa magkabilang pisnge. "Wag ka na mag selos kay Julian mas mahal ka ng anak mo, ngayon mag shower ka nalang at magliligpit pa ko ng pinagkainan natin."

"Gusto mo bang sabay tayong maligo?" Pilyo kong tanong. Nagbabaka sakali lang naman na pumayag siya. Haha!

She chuckled, tapping my chest. "Nice try my love but, no!"

Hinalikan niya muna ako ng mabilis sa labi tsaka aakmang bibitaw sa pagkakalagay ng mga kamay niya sa braso ko pero napigilan ko agad siya sa pamamagitan ng pag yakap sa bewang niya.

This time ako naman ang humalik sa labi niya at hindi lang to basta smack tulad ng ginawa niya kanina. Pero nahinto din naman agad yung halik na yun dahil hinampas niya ko ng mahina sa balikat.

"Baka biglang dumating yung anak mo." She scolded me.

"Okay, mamayang gabi nalang."

She laughed. "Sira ka talaga! Sige na mag shower ka na."

"Masusunod my love." I winked. Bumalik nalang ako sa kwarto namin para sundin ang gusto ng mahal ko na mag shower na muna, mahirap na baka pagalitan pa ko.

Hinubad ko nalang muna yung T-shirt ko at diretsong nilagay agad sa mga labahan para di na mapagod ang mahal ko sa pagliligpit tsaka ko kinuha yung towel at naglakad papasok ng bathroom.

At nang matapos naman akong mag shower, sa pag labas ko ng bathroom naabutan ko na sa kwarto ang mahal ko na tila nag hahanap na ng masusuot niya para mamaya.

"Tapos na ko ikaw naman." I said.

"Okay, pagkabihis mo puntahan mo si Alli nakapag bihis na siya at nagaayos nalang ng buhok, batayan mo lang dahil alam na naman niya yung gagawin niya sa buhok niya." She instructed.

"Okay." Matipid kong sabi. She was about to enter the bathroom pero pinigilan ko muna.

"Bakit?" Pagtataka niya.

"Alam kong nasabi ko na to pero sasabihin ko ulit, thank you sa pagaalaga mo samin ni Alli, ikaw na talaga ang the best wife in the world."

She grinned. "And uulitin ko din ang sagot ko dyan, hindi mo kailangan mag pasalamat dahil itong pagiging asawa mo at nanay kay Alli ang pinaka the best na nangyari sakin."

"Really? Hindi ang pag expand ng school mo?" Sa pagkakatanda ko kasi ang saya niya nun.

She laughed. "Hindi, ang maging asawa mo at maging mommy ni Alli ang pinaka the best kahit nakakapagod worth it naman lalo na't.." Hinalikan niya ko ng mabilis sa labi. "..may halik mula sa handsome husband ko."

I grinned, biting my lower lip. "Kinilig ako."

She laughed. "Para ka talagang sira. Sige na mag shashower na ko." Tumango ako pero bago ko siya bitawan hinalikan ko muna siya sa labi.

"I love you my love." I said looking straight at her eyes.

"I love you too my love."

--

➡END⬅

Than you for reading. ♥

His Secret AFFAIRWhere stories live. Discover now