Palm

80.6K 1.6K 19
                                    

Tahimik lang si Ma'am habang nasa byahe kami papunta ng bahay niya. Siguro nahihiya siya dahil stranger ang maghahatid sakanya.

"Ayos ka lang?" Tanong ko to break the silence.

"Yup." Matipid niyang sagot. I heard her sighed. "Pasensya ka na ah, napilitan ka pang ihatid ako."

I chuckled. "Sinong nag sabing napilitan ako?"

"Hindi ba?"

"No!" I said shaking my head. "I told you, may kapalit to.. yung number mo." Tumingin ako sandali sakanya at ngumiti bago ibinalik ang tingin sa kalsada.

"Akin na yung cellphone mo, isasave ko na." She said. Kinapa ko sa bulsa ko yung cellphone ko pero wala akong ibang nakapa kundi wallet ko.

Shit! Kung minamalas ka nga naman oh. "Naiwan ko ata sa Club yung cellphone ko."

She chuckled. "Ganun ba?" Tumingin ako sakanya na tila may kinukuha sa pouch niya. Kinuha niya yung ballpen niya. "Give me your hand." Utos niya. Inabot ko sakanya yung kanang kamay k habang yung kaliwa nakahawak sa manebela.

Hinawakan niya yung kamay ko kaya naramdaman ko ang malambot niyang mga palad sa palad ko. Nag simula siyang mag sulat sa palad ko. "Finish!" She said grinning.

Tinignan ko yung palad ko at nakasulat na dun yung number niya. I grin at her. "Tila ako may kodigo nito." I joke making her laughed softly.

"Ginagawa mo siguro dati yun?" Natatawa niyang tanong.

"Well, guilty ako dyan Ma'am."

"Don't worry guilty din ako dyan." We both burst out of laughing.

Narating namin ang Apartment niya inabot din ata ng isang oras ang byahe namin. Una akong bumaba ng kotse para magpaka gentleman at pagbuksan siya ng pinto.

"Thank you sa paghatid."

"Welcome, Ma'am." I said with a bow.

She grins. "Wag mo na kong tawaging Ma'am, di naman kita student eh. Amber nalang."

"Okay, Amber." It's really goods to say her name. "Ikaw din, Damon nalang ang itawag mo sakin kasi ang pormal ng Mr. Lawrence eh."

"Okay, Damon."

"Good." We stared at each other eyes, grinning. She breaks the eyes contact, biting her lower lip.

"Goodnight, Damon." She said.

"Goodnight, Amber." Naglakad na siya papunta sa tapat ng pinto niya at kinuha yung susi sa pouch. Pagbukas niya ng pinto humarap siya sakin at kumaway. I waved back.

Sumakay na ko ng kotse ko nung pumasok na siya ng Apartment niya. Hindi ko maiwasang ngumiti dahil enjoy talagang kausap siya. Di ko akalaing maeenjoy ko ang pakikipag usap sakanya. Matagal tagal na din nung huling nakipag usap ako ng ganun sa babae. Biglang nawala ang ngiti sa labi ko ng maalala ko kung kanino ko huling nagawa yun, kay Zooey pa. Noong unang beses kaming makapag usap, noong di ko pa alam na may asawa na siya. Nagbago ang lahat nung nalaman ko ang totoo, siguro nahihiya na din siya sakin kaya di na siya ganun kalively pag kausap ako.

Kanina lang ang saya ko pero ang reyalidad pinapaalala sakin kung gaano ako kakomplikado.

Bumalik ako ng Club at dumiretso sa Bar Station. Tsaka nag hugas ng kamay dahil humawak ako ng manebela pangit naman kung mag seserve ako ng drinks kung madumi ang kamay ko. Then suddenly naalala kong sinulat pala ni Amber yung number niya sa palad ko kata dali dali kong tinignan yung right hand ko at wala ng bakas nung number niya. Shit!!!

Ang laki mong palpak, Damon! I scolded myself.

Kung nadala ko sana yung cellphone ko edi sana di nawala yung number niya.

3am na ko umuwi pagkatapos ng trabaho ko sa Club. Hinayaan ko na ang mga senior worker ko sa pagsasara. Dahil hindi kaya ng katawan ko kung hanggang 6am pa ko dun.

Ibinigasak ko agad ang katawan ko sa kama ko padama akong humiga, tsaka ko unti unting naramdaman ang antok.

Sakit agad ng ulo ang naramdaman ko sa pag gising ko, for sure dahil bitin pa ko sa tulog pero parang yung diwa ko ay gising na kaya kahit inaantok pa ko tumayo na ko sa kama ko at nag push up sa sahig bilang exercise ko ng one hundred times.

Tsaka pumunta sa bathroom ko para makapag shower naman. Natapos akong maligo, lumabas ako ng bathroom habang nag pinupunasan ang buhok ko tsaka kinuha yung cellphone ko sa side table.

No messages..
No misscalls..

Asa pa kong may text mula kay Zooey. Di naman masamang umasa na kahit isa lang may text siya. Baka kasama niya asawa niya kaya di makatext. I chuckled bitterly, lagi nalang ganito ang buhay ko. Naghihintay sa text ng babaeng mahal ko na malamang kapiling lang naman nung asawa niya.

Pumunta nalang ako sa kusina para makapag luto ng kakainin ko.

Habang kumakain bigla kong naalala yung paguusap namin ni Amber kaya di ko maiwasang ngumiti. Di ko rin maiwasang mainis sa sarili ko dahil nabura ko sa palad ko yung number niya. Nagtataka kaya siya kung bakit hindi ako nagtetext? Hmm.. paano ko sasabihin sakanya na nabura ko yung number ko? Pupunta pa kaya siya sa Club? Pero ang sabi niya napilitan lang siyang pumunta sa Club. Puntahan ko kaya siya sa bahay niya? Tingin ko di magandang idea yun. Haay! Badtrip naman eh.

Natapos akong kumain. Nang makapag toothbrush ako, pumunta ako sa closet ko para kumuha ng polo at sinuot to agad. Susubukan kong puntahan si Amber sa school kung saan siya nag tuturo kahit Saturday ngayon, magbabaka sakali akong nandun siya. Pag wala edi, pupunta nalang ako sa bahay nila Justin kesa nandito sa Unit ko kasi baka magisip lang ako tungkol kay Zooey at maawa lang na naman ako sa sarili ko.

Nakarating ako sa school at pagbaba ko ng kotse tinanong ko sa guard kung nandito si Amber at ang sabi niya Oo daw! Yes! Galing kong tyumempo.

Bukas ang pinto mula sa classroom ni Amber unti unti akong sumilip at nakita ko si Amber sa desk niya at seryosong may binbasa habang nakikinig sa music dahil may earphone siya sa tenga.

Kumatok ako sa pinto na dahilan para tumingin siya sa direksyon ko. Halata sakanya ang gulat ng makita ako.

His Secret AFFAIRWhere stories live. Discover now