Proposed

56.8K 1.4K 20
                                    

Nasa Club ko na kami ngayon, nagiinventory na ko ngayon habang yung mahal ko ay nasa office ko lang at hinihintay akong matapos.

Minadali ko na ang pag iinventory dahil baka mainip siya dun sa office ko at kalikutin yung drawer ko, di na surprise pag nakita niya yung singsing.

Nang matapos naman ako, pumunta na ko ng office ko na may bitbit na dalawang beer. Sa pag pasok ko nakaupo lang ang mahal ko sa chair ko habang nakapikit. Shit! Sana naman di niya binuksan ang drawer ko nasa tapat lang pa naman niya yun.

"My Angel?" I called her. She open her eyes and looked at me. "Nainip ka ba?" Tanong ko habang naglalakad papalapit sakanya.

"No! Not really." Inabot ko sakanya yung isang beer sakanya, habang nakangiti.

Inabot niya yun at tinignan ako ng makahulugan. "May plano ka ba?" She asked.

I chuckled. "Bakit mo naman naisip na meron akong plano?" Painosente kong tanong. Halata bang may pinaplano ako? Ang galing niyang manghula ah, kaya mahal ko siya eh. Haha.

She smirked. "Oo, dahil ikaw na ang nag advice sakin na wag ako magpapabili ng alak sa lalake dahil may balak."

I laughed, chuckling a little. "Tama ka! Pero, libre yang beer. Magkaiba ang libre sa binile."

"Hmm.. sabi ko nga eh." Ininum nalang niya yung beer habang di inaalis ang tingin sakin at ganun din ang ginawa ko.

Nang matapos akong uminum inilapag ko sa table ko yung beer at inoffer ang kamay ko sa mahal ko. "Can you stand?" I asked nicely.

She raised her right eyebrow. "Why?"

"May kukunin lang ako sana ako."

"Oh! Okay." Inabot niya yung kamay ko at tinulungan ko siyang makatayo in a very gentleman way.

Pagkatayo niya ako naman itong umupo at tumingin sakanya at ngumiti ng painosente. "What's with the smile?" She asked, smiling amusingly.

"Wala, masama bang bigyan ng ngiti ang pinaka magandang babaeng nakilala ko?"

She rolled her eyes. "Whatever." Uminum nalang siya ng beer niya. Pasimple ko namang binuksan yung drawer ko habang busy pa siya sa paginum at pasimple ding sinilip yung singsing pero bigla akong nagpanick nang hindi ko to makita dito.

Shit! Nasaan na yun?

Tinangal ko isa isa yung laman ng drawer ko pero wala paring box ng singsing akong nakita.

"May hinahanap ka?" Amber asked making me looked at her.

"Uh.. ano uh.." Napakamot ako sa ulo. Shit! Paano ko sasabihin na nawawala ang singsing na dapat ibibigay ko sakanya.

"Are you looking for this?" Tanong niyang nakangisi sabay pakita nung box na nilalagyan ng singsing. Napabuntong hininga ako ng maluwag dahil sa hindi naman pala nawala, na sakanya lang.

Kaya lang badtrip, wala na di na surprise.

She laughed teasingly. "Hindi ka marunong magtago." Inilapag niya sa table yung singsing. "Dont worry di ko pa tinitignan yan, busy pa ko sa pag iisip kung bubuksan ko ba yan o hindi ng bigla kang dumating. Tsaka naisip ko na gusto ko pa rin naman ng element of surprise at sweetness kaya.. ikaw ng bahalang mag bigay sakin niyan at magpakita." She added.

I smiled amusingly. "Gusto mo ng sweet?"

"Yah, medyo." Okay, hmm.. paano ba? Okaaaaay, may naisip na ko.

Kinuha ko yung singsing sa box. Tumayo ako at tsaka kinuha yung cellphone ko sa bulsa at nag simulang patugtugin yung kinanta ko noon sakanya noong Birthday ni Julio.

His Secret AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon