Cousin

58.4K 1.2K 20
                                    

Amber-

Dahan dahan akong bumangon mula sa kama ko para hindi ko magising ang puyat kong boyfriend. Siguradong pagod siya sa trabaho dahil sa paghilik niya na talaga namang ang cute.

Pagkatayo ko ng kama, lumabas muna ako ng kwarto para mag luto ng breakfast. Una kong sinimulang lutuin ang pancakes, nang matapos ko yun nag timpla naman ako ng coffee.

Bumalik muna ako ng kwarto para gisingin sandali yung boyfriend ko kung sasabayan niya kong mag breakfast or mamaya pa siya.

Umupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan si Damon sa pag tulog. I bend down my face to kiss his cheek para magising ko siya, he slowly opened his eyes.

"Hi sorry ginising kita, nagluto ako ng breakfast sasabay ka ba or mamaya na?" I asked.

"Mamaya na my Angel."

I smile. "Okay, back to sleep now." Hinalikan ko lang siya ng mabilis sa labi niya tsaka naglakad na palabas ng kwarto.

Bumalik na sa Dining area para makakain na ng breakfast dahil may trabaho pa ko.

Nang matapos naman akong kumain, hinugasan ko lang yung pinagkainan ko then bumalik na ko sa kwarto. Kumilos ako ng dahan dahan para di ko siya magising.

Pumasok ako sa bathroom ng bitbit ang tuwalya ko.

Nang matapos akong mag shower, nag bihis din naman agad ako. Again, tahimik akong kumikilos para di ko siya magising. Ni hindi ko na nga ginamit blower ko para di ko siya magising eh.

Nang matapos akong mag asikaso para sa trabaho ko, lumapit ulit ako sa boyfriend ko at hinalikan siya sa noo bilang pag papapalam. Di ko na siya gigisingin para makatulog pa siya, magtetext nalang ako sakanya mamaya.

Lumabas na ko ng kwarto then dumiretso palabas ng Apartment ko. Sumakay na ko ng kotse ko at sinimulan ang byahe papunta sa school.

Habang nasa byahe ako papuntang school plano ko na sanang itext si Damon pero nakareceived naman ako ng text mula kay Majah kaya binasa ko muna yun.

** Beb, remember may lunch tayo. **

Oh yah! I forgot, she texted me kagabi na mag lunch daw kami ngayon. Shocks! Nakalimutan kong sabihin kay Damon. I wonder kung bakit siya nagyaya, isa lang sigurado may tsismis yun sakin.

Nireplyan ko siya..

** Okay, see yah later. **

Nang mareplyan ko siya next kong tinext ay si Damon.

** Pogi, di na kita ginising dahil alam kong puyat ka. Papunta na ko ng school and nakalimutan kong sabihin na may lu'lunch pala kami ni Majah ngayon. Yun lang, mahal kita. **

Nag focus nalang ulit ako sa pagmamaneho mahirap na baka maaksidente pa.

Nakarating ako ng school ng di naman ako inabot ng kalahating oras. Pinark ko lang yung kotse ko then dumiretso sa classroom ko.

Habang wala pa yung mga students ko, hinanda ko lang muna yung mga gagamitin ko para sa klase at then nag linis ng kunti.

Ilang sandali lang naman isa isa ng nagsidatingan ang mga students ko. They all greeted me with a smile on their face.

"Hello, teacher." Julio greeted me, waving his hand. He's with his Dad.

"Hello din Julio." I greeted back smiling.

"Tulog pa ba si Damon?" Justin asked smiling teasingly.

"Oo, nandun siya ngayon sa Apartment ko. Mukhang pagod na pagod nga eh."

His Secret AFFAIRWhere stories live. Discover now