Birthday

70.6K 1.4K 11
                                    

Damon-

On the way na ko papunta sa birthday ng inaanak kong si Julio. Sa totoo lang di ko alam ang ibibigay na regalo sakanya dahil napaka dami na niyang laruan, mula sa bigay ko at bigay nung mga magulang niya.

Ang hilig kasi ng batang yun sa laruan. Parang nung tatay niya lang nung mga bata pa kami.

Alam na kung kanino nag mana.

Naisip ko nalang na bigyan siya ng libro since nagaaral naman na siya baka sakaling makatulong pa at maging matalinong bata pa.

Nakarating na ko sa bahay nila sa wakas. Kahit hindi pa man ako nakakapasok sa bahay nila ingay na agad ng mga bata ang maririnig, malamang dahil children's party to at malamang nandun sila sa garden nila sa likod.

Nag doorbell na ako at ilang sandali lang pinagbuksan na ko ni Luisa. Bumeso agad ako sakanya. "Bakit ngayon ka lang kanina ka pa namin hinihintay?" She asked.

"Pasensya, napuyat lang sa Club."

She rolled her eyes. "Tara na nga, tulungan mo kami sa mga bisita. Nakakahiya na kay Ma'am Amber dahil siya pa ang tumutulong sakin sa pagaasikaso eh bisita siya dito." Sabi niya habang hatak hatak ako sa braso. Napahinto ako sa paglalakad at ganun din siya tsaka nagtatakang tumingin sakin.

"Sino kamong katulong mong magasikaso sa bisita mo?" Gulat kong tanong.

"Si Ma'am Amber, teacher ni Julio." Are you fucking kidding me?

"Bakit di mo sinabing invited siya?" Tanong ko.

"Kailangan ko bang sabihin yun?" Pagtataka niya. Sabi ko nga eh.

"Never mind, susunod nalang ako."

"Bilisan mo! Nakakahiya na kay Ma'am."

"Oo na!" Umupo nalang muna ko sa sofa. Hindi ako makapaniwalang magkikita na ulit kami. Iniwasan at ginawa ko ang lahat para lang hindi siya kontakin dahil alam kong unfair sakanya yung ginagawa kong pakikipagkita gayong may Zooey pa ko.

Pero ang pinaka dahilan talaga ay dahil ayaw ko siyang idamay sa komplikado kong buhay. Masyadong siyang mabait para magulo ng isang walang kwentang lalake katulad ko. Kahit na ang totoo di siya nawala sa isip ko lalo na yung magaganda niyang ngiti at tawa.

Sigurado akong galit siya dahil kinuha kuha ko pa number niya eh hindi ko naman siya kinokontak. Pero tingin ko din hindi at masyado lang akong assuming na magagalit siya eh wala naman kaming relasyon.

"Damon!" I heard Justin called. I look at him. "What are you doing there, pare? Dun na tayo."

I stand. "Okay, sige." Nag simula na kaming maglakad papunta sa garden at lalong lumakas yung kabog ng dibdib ko na akala mo may nagawa akong krimen eh wala naman.

Si Amber ang una kong hinanap at nakita ko siyang nagbibigay ng pagkain para sa mga bata. Di ko alam pero parang slow motion ang lahat nang makita ko siyang nakangiti at nakikipag biruan sa mga bata.

Her simplicity makes her more pretty. She's just wearing plain white T-shirt and ripped skinny jeans, nakalugay yung mahaba niyang straight na buhok na tumatama na sa mukha niya dahil sa hangin. As usual her cheeks are red, natural na yun sakanya and now i don't think that she's wearing a lipstick dahil parang natural color lang din ang labi niya.

"Ninong!!" Pasigaw na tawag ni Julio ba dahilan para tumingin sa direksyon ko si Amber na wala lang reaksyon nung makita ako. Mukhang galit nga siya, i can't blame her.

Lumapit nalang ako kay Julio at niyakap siya. "Hey big boy, happy birthday." I greeted him.

"Thank you." He said smiling, excitedly looking at his gift. I grin. Ginulo ko yung buhok niya at inabot yung regalo niya.

"For you, make sure to open it after the party."

"Yes!" Nag saludo pa siya na akala mo sundalo. Tumakbo na siya papunta sa mga regalo niya at nilagay dun ang regalo ko kasama nung ibang regalo para sakanya. Tumingin ulit ako sandali kay Amber na busy sa pagaasikaso sa mga bata.

Paano ko kaya siya kakausapin? Dapat ko ba siyang kausapin? Anong sasabihin ko?

"Matunaw!" Justin said, interrupting my thoughts.

"Wala bang inuman?" Pagbabago ko ng topic.

"Meron pero mamaya pa after party. Ano tititigan mo nalang ba si Ma'am Amber o lalapitan mo?" Malisyoso niyang sabi.

"Bakit ko naman siya lalapitan?" Kunyaring pagtataka ko.

"Pare, kung nakikita mo lang yung sarili mo kanina habang nakatitig ka sakanya. Para kang nakakita ng angel na bumaba sa lupa kaya ayun nganga ka."

Binatukan ko siya ng mahina sa likod ng ulo niya. "Para kang ewan!"

Naglakad nalang kami papunta sa mga pagkain na siniserve nila sa mga bisita, katulong ni Luisa si Amber tulad nga ng sabi ni Luisa kanina tumutulong si Amber sakanya siguro dahil mga students din naman niya yung ibang bata.

"May maitutulong ba ko?" Tanong ko na dahilan para tumingin si Luisa sakin pero si Amber di na nagabalang tumingin.

"Perfect, pwede paki dala dito yung juice dun sa kusina." Utos ni Luisa.

"Yah, sure." Tumingin ako ulit sandali kay Amber na tila nagpapangap na walang nag eexist na Damon sa mundo.

Pumunta na ko ng kusina kung saan nandun ang juice na sabi ni Luisa at dinala ito sa garden. Pagbalik ko tapos na silang mag serve ng pagkain kaya nakaupo na si Amber kasama ang guardian nung mga bata.

"Sinabihan na kita Pare, lapitan mo na!" Justin said.

"Tigilan mo nga ko, pare!" Lumapit nalang ako kay Luisa. "Nagugutom na ko, kakain na ko ah." I said to her.

"Okay, sige kumuha ka nalang." Sinunod ko yung sinabi niya kumuha ako ng makakain dahil talaga namang nagugutom na ko.

Pumwesto ako sa bakanteng upuan kung saan kitang kita yung ginagawa nung Magician na inupahan nila para pang entertain sa mga bata, kitang kita din dito si Amber dahil di naman siya ganun kalayuan sa table kung saan ako nakaupo.

Paano ko nga kaya siya makakausap?

His Secret AFFAIRWhere stories live. Discover now