Reality

64.3K 1.3K 50
                                    

Biglang kumulo yung tyan ko sa gutom na naging dahilan para mahinto ang kiss na binigay ko. Hindi ko maiwasang mahiya dahil mukhang narinig niya yung pagkulo ng tyan ko, pambihira sa dinami dami ng oras na pwedeng kumulo yung tyan ko sa gitna pa ng kiss namin.

Nakatingin lang si Amber sa tyan ko at halatang nagpipigil ng tawa habang kagat kagat yung lower lip niya.

"Gusto mong kumain?" Tanong ko habang nakahawak sa tyan ko. She's now laughing.

"Okay." She said laughing. I grin at her. Mas lalo talaga siyang gumaganda pag tumatawa. Hinawakan ko ang malambot niyang mga kamay at nag simula na kaming maglakad paalis ng Park. Hindi ko alam kung bakit ang saya ko ngayong pinatawad na niya ko at nahalikan ko pa siya. Tama akong ng hinala kanina wala nga siyang lipstick dahil walang akong nalasahang lipstick sa labi niya. Natural na ding reddish labi niya.

"What's with that grin?" She asked.

"I'm just happy."

"Can i ask why?"

I look straight at her beautiful eyes. "Dahil pinatawad mo na ko." Laking ngiti kong sabi, habang ineenjoy ang malabot niyang palad sa palad ko. She instantly blushed.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa nakarating kami kung saan namin pinark ang kotse namin kaya nagkatinginan. "Your car, my car?" I asked.

"You at your car.." she pointed me. "Me at my car." She pointed herself.

"How about, punta muna tayo sa school mo at iiwan ko dun yung kotse ko para kotse mo nalang gagamitin natin papuntang kainan then para may reason na din para puntahan ka sa school bukas. Ayos ba?"

She laughed. "Okay, sige yun nalang."

Nagkanya kanya muna kaming byahe papunta sa school niya then nung maipark ko yung kotse ko sumakay naman ako sa kotse niya para simulan ang byahe papunta sa isang restaurant at makakain. Late na ko sa Club, pero okay lang basta siya ang kasama.

Nakarating kami sa restaurant malapit lang sa school niya.

Hindi ko inaalis ang tingin sakanya habang kumakain kami kasi naman yung na miss kong ngiti niya ay hindi niya pinagdadamot ngayon, buti nalang nag hintay ako.

"Nakakaconcious na yung kakatingin mo." She shyly said.

"I was just admiring the view." I said grinning. "You're pretty." I added making her blushed.

"Ahh.. Look at that you're blushing." I teased, chuckling.

"Shut up, Damon!" I just laughed at her reaction.

Natapos kaming kumain, the whole time namumula lang talaga yung pisge niya. Di ko alam kung dahil natural na yun o talagang nag bablush siya, but i don't mind i enjoyed it.

She offered na ihatid ako sa Club kasi naman siya ang may dala ng kotse. Nung una tumangi ako para magtaxi nalang kaya lang di siya pumayag, kaya pinagbigyan ko na.

"Di ka ba muna iinum kahit isang beer lang?" Tanong ko nang makarating kami, nasa loob lang kami ng kotse niya. "My threat." I added.

"Hmm.. may nag advice kasi saking isang tao na wag akong magpapalibre ng drinks sa lalake kasi daw baka may balak." She said teasingly making me laughed. Ako yung nag advice sakanya nun ah.

"Gwapo siguro yung nag advice sayo nun."

She shrugged. "Pwede na." Hinawakan ko siya sa kamay at hinalikan ito ng hindi inaalis ang tingin sa mga mata niya.

"Ingat ka pauwi, Ma'am."

She grins. "I will." Bumaba na ko ng kotse niya at kumaway bilang pagpapaalam bago sinarado yung pinto ng kotse. Hinintay ko munang makalayo yung kotse niya bago tuluyang pumasok sa Club.

Dumiretso ako sa maliit kong office sa Club para makaiwas sa ingay mula sa labas. Tsaka umupo at kinuha yung cellphone ko para itext siya..

*** Ma'am, i enjoy this day. Thank you. *** i texted.

I looked at my phone grinning like an idiot while waiting for her reply.

Minutes after finally nag reply na siya..

*** I enjoy this day too. Enough with the calling me Ma'am. 😡 *** I laughed at her reply.

*** Why not? You're a teacher, right? *** I replied.

*** Yes! Pero di kita student. You're too old to be my student. ***

*** Ouch! I'm hurt! ***

*** 😒 ***

*** 😘 ***

*** Damon, I'm driving stop texting me. ***

*** Okay, keep safe. 😉 ***

Itinabi ko na muna yung cellphone ko at ninamnam ang saya na binibigay ni Amber sakin. Yah, she can make me smile like an idiot. I can't wait to see her again tomorrow.

My phone ring...

Dali dali kong kinuha yun at excited na tinignan kung sino yung tumatawag, nawala yung ngiti ko ng makitang si Zooey ang tumatawag. Ang akala ko si Amber.

"Hey.." i answered it.

"Magkita tayo, pupunta ako ngayon sa Unit mo." Pagkasabi niya nun binaba na niya yung tawag.

I sighed heavily. Eto na naman, pag sobrang saya ko bigla namang ipaalala sakin nito kung gaano ako kakomplikado. Kung gaano kakomplikado ang reyalidad. Isipin ko palang na malaman ni Amber ang tungkol samin ni Zooey, nahihirapan na ko. Kasi siguradong bababa ang tingin niya sakin. Mas worst layuan niya ko ng tuluyan.

Lumabas ako ng office ko at kinausap ang pinaka senior na empleyado kong si Alfred na siya na muna ang bahala ngayong gabi sa Club tsaka ako humanap ng taxi para makauwi na sa Unit ko.

Wala pang kalahating oras nakarating na ko sa Unit ko. Kumuha ako ng brandy at naglagay nito sa baso tsaka ininum. Ilang sandali lang may narinig akong nag doorbell mula sa labas.

Siguradong si Zooey na yun.

Pinagbuksan ko siya ng pinto at pagpasok na pagpasok niya hinalikan niya ko labi.

We walk to my room, kissing aggressively with full of lust. I lay her to my bed and kisses her making her moan, loudly.

The next thing happen we made love..

----

Hi guys thank you for reading..

Baka bet niyo din basahin ang isa kong story na..

GYNOPHOBIA (fear of WOMEN)

Story siya ng isang lalake na takot sa babae or even hate.

Thanks again! ♥

My_love_letter

His Secret AFFAIRWhere stories live. Discover now