Dinner

54.8K 1.2K 28
                                    

The whole time na nag iinuman kami, iniwasan na nila Luisa at Justin na pag usapam si Zooey. Alam kong ginagawa nila yun para sakin, tsaka baka din madulas sila at masabing may nakaraan kami ni Zooey, na hindi ko naman talaga pinsan si Zooey kundi naging lalake niya ko.

Ang sakit pakingan pero yun ang totoo at hanggang ngayon ganun padin, lalake padin ako ni Zooey dahil hindi pa naman kami nag hihiwalay.

"Damon, c.r lang ako." Amber whispered, interrupting my deep thoughts.

"Samahan na kita?"

"Hindi na." Tumayo siya at inayos lang yung damit tsaka tumingin sa mag asawa. "Pa C.r."

"Okay, naalala mo pa ba kung nasaan?" Luisa asked.

"Yup." Pag kasabi niya nun nag simula na siyang mag lakad at nang mawala na siya sa paningin namin nag salita si Luisa.

"What the hell are you thinking? Anong ginagawa ni Zooey sa Unit mo kanina? Damon don't tell me may relasyon pa din kayo?" Hindi ako sumagot at uminum lang nung beer.

"Sasaktan mo si Amber sa ginagawa mo!" Dagdag niya.

"Alam ko, plano ko ng tapusin yung samin ni Zooey."

"Dapat noon pa!"

"Hindi ko naman kasi alam na makikilala ko pala si Amber, kung alam ko lang edi sana noon pa tapos na yung kabaliwan ko sakanya."

"Paano mo naman kasi siya makikilala kung wala ka ng ginawa kundi mag paka tanga sa babaeng yun? Akala mo ata wala ng babae sa mundo para sakanya ka lang mag focus!"

"Tama na yan, baka marinig niya kayo." Justin said.

"Damon pag nasaktan si Amber, i swear hindi kita kakampihan. Dahil mali ka!" Tumayo sa inis si Luisa at nag lakad papunta sa kusina niya.

"Pag pasensyahan mo na si Luisa, kilala mo naman yun eh. Kung tumalak parang nanay mo."

I chuckled, weakly. "Tama ka. Naiintindihan ko naman kung bakit siya galit eh, babae siya at pag kunsinte sa mga kalokohan ko, di talaga niya kaya." Uminum nalang ulit kaming dalawa ng tahimik hanggang sa bumalik yung dalawang girls. Umupo si Amber sa tabi ko at hinawakan ako sa binte at kinurotn niya to ng mahina na dahilan para mapatingin ako sa maganda niyang mukha. Hindi ko kakayaning makita siyang masaktan tulad nung sinabi ni Luisa, ayoko siyang masaktan kaya.. gagawin ko lahat para di mangyari yun. Kailangan matapos na ang lahat samin ni Zooey, kailangan ilayo ko siya kay Zooey.

"Ayos ka lang?" Tanong niya.

"Oo." I forced a smile. I kissed her cheek.

"Dude, dito na kayo mag dinner." Justin offered. Tumingin ako kay Luisa na halatang nag pipigil ng inis sakin.

"Tama si Justin, dito na kayo mag dinner." She's looking directly as Amber.

"Uh.. sige, sure." Amber said shyly. "Pero pwede ba kong tumulong sa pag luluto?" She added.

Luisa chuckled. "Sige ayos lang." She stands, still not bothering herself to look at me. "Mag luto na tayo?"

Tumayo na din si Amber. "Sige." Hinalikan niya lang ako sandali sa pisnge tsaka na sila nagsimulang mag lakad papunta sa kusina.

"Galit sakin si Luisa." Sabi ko nang mawala sila sa paningin namin.

Justin laughed. "Dude, alam mo namang sandali lang magalit yan. Hayaan mo muna." Tama siya. Kailangan lang palamigin muna ulo niya, baka kasi habang mainit ulo niya at kinausap mo siya paniguradong gugulpihin ka niya.

"Papa.." We heard Julio's voice, sabay kaming napatingin sa direksyon niya. Tumayo si Justin at nilapitan ang anak niya tsaka kinarga ito.

"Where's Mama?" Julio asked, yawning.

"She's in the kitchen with teacher Amber." Justin answered. Nag pababa si Julio sa pagkakakarga sakanya ng Tatay niya at tumakbo papuntang kusina.

"Dude, kung malaki na si Julio paniguradong may kaagaw ka kay Amber." Natatawang sabi ni Justin.

"Dude, kahit anak mo pa siya di ko ibibigay sakanya si Amber." I joke making us laughed. Finally, nawala din ang pangit na vibes.

"Gusto mo bang panuorin manuod mag luto yung dalawa?" Tanong niya.

"Sige." Sabay na kaming tumayo at nag lakad papunta sa kusina kung saan mukhang nagkakatuwaan sila dahil kay Julio. Sabay silang tumingin sa direksyon namin ng mapansin kami, ngumiti sakin ng napaka tamis si Amber at binalik ko naman yung ngiting yun.

"Anong meron bakit parang ang saya saya niyo?" Justin asked.

"Pabibo na naman kasi yung anak mo kay Amber." Luisa answered, laughing softly.

And nang sa wakas natapos silang magluto sinimulan na namin ang kumain. Magkakatabi yung magasawa kasama si Julio kami naman ni Amber ang magkatabi, habang kumakain.

Dahil nararamdaman kong medyo nahihiya pa siyang kumilos kasama sila kaya medyo inaalalayan ko siya.

Nang matapos naman kaming kumain hindi narin kami nag tagal at umalis din naman dahil kailangan na ko sa Club. Pero bago ako pumunta sa Club plano ko munang ihatid sa Apartment niya ang mahal ko.

"Alam mo nakakatuwa kayong tignan ng mga kaibigan mo kanina, super close talaga kayo." Sabi niya habang nasa byahe kami.

"Oo, dahil wala na kong kamag anak dito sa Philippines, sila na yung tinuring kong pamilya. Nasa kanila ako palagi pag, Christmas or New Year."

"Walang kamag anak? Eh diba nandito naman sa Philippines si Zooey?" Napatingin ako sakanya dahil sa sinabi niya.

"Uh.. yah, kaso di naman kami madalas.. ano.. uh.. magkasama. Alam mo naman, mayaman ang asawa."

"Mmm.. dibale, ngayon.. ako na ang kasama mo sa Christmas and New Year."

I smile widely. "Parang bigla akong naexcite mag pasko." I said making her giggles.

"Ang tagal pa nun, Damon." I just grin at her. She grins back.

Nang makarating kami sa Apartment niya, di na ko nag abalang pumasok pa dahil kailangan ko ng pumunta ng Club pero bago yun, uuwi muna ako ng Unit ko para makapag bihis muna ako.

Nang makarating naman ako ng Unit ko, dali dali akong nag bihis. At nang matapos ako, palabas na sana ako ng Unit ng makarinig pa ko ng doorbell, binuksan ko agad yun at di maiwasang mabigla na makita si Zooey, na lasing na lasing.

--

Hi babies, slow update po to. Sorry. ✌😁

Please don't forget to vote.

His Secret AFFAIRحيث تعيش القصص. اكتشف الآن