Status

60.4K 1.3K 62
                                    

Damon-

Natapos ang Lunch namin kasama ang kaibigan ni Amber. Yun na ata ang pinaka mahabang lunch na naranasan ko dahil sa mga tanong ni Majah samin.

Pero aaminin ko nung marinig ko sa kaibigan niya na boyfriend ako ni Amber, nakaramdam ako ng tuwa at nung tinangi naman niya yun nasaktan ako.

Siguro ibig lang talagang sabihin nun na gusto ko ng ngang maging boyfriend niya. Kaya lang natatakot ako, dahil alam kong masasaktan siya dahil sa komplikado kong love life.

Pero gusto ko ng maging akin siya at mapakilala niya sa lahat na boyfriend niya. Na hindi magawa ni Zooey sa simula palang ng relasyon namin.

"Damon!" Amber called.

"Hmm?"

"We're here." Di ko namalayang nasa Club na kami sa lalim ng iniisip ko. Nag offer kasi siyang ihatid ako dito dahil kotse niya yung gamit namin.

"Ayos ka lang ba? Parang ang lalim ng iniisip mo."

"Ayos lang, gusto mo muna bang pumasok? Wala namang pasok bukas eh." Nagisip muna siya bago tuluyang tumango sakin.

Magkahawak kamay kaming pumasok ng Club, at pinagtinginan kami ng mga empleyado ko siguro dahil may kasama akong babae at kaholding hands ko pa.

Dumiretso kami ng office ko pero bago yun sinabihan ko yung isang waitress na dalhan kami ng dalawang beer sa office.

Tumingin siya sa paligid ng office ko tsaka ako nag offer ng upuan sakanya para umupo. "Ilang babae na ang nadala mo dito?" She asked making me laughed.

"Mukha ba kong babaero?" I asked laughing. She grins at me. "Well, para lang mapanatag ka. Ikaw palang." I said coz it's true. Never ko namang nadala si Zooey dito sa office ko kahit na dito kami nagkakilala sa Club. Never ko nga siyang naidate dahil ayaw niya, yun pala hindi lang pwede dahil nga may asawa siya.

Dumating yung beer na pinadala ko sa waiter, kinuha ko yun at inabot yung isa kay Amber. "Pwede ba kong magtanong?" I asked after i drink my beer.

"Ano yun?"

"Gusto kong malaman kung anong sagot mo sa tanong ng kaibigan mo kung ano ba tayo." Napatitig siya sa mga mata ko at tila binabasa ang inisiip ko then umiwas din naman agad siya ng tingin sakin at tila napaisip sa tanong ko at mukhang hindi alam ang isasagot. Hindi ko alam kung maganda bang hindi niya alam ang isasagot niya o hindi.

Dapat ko na ba ngayong itanong kung pwede na siyang maging akin?

"Uh.. palitan nalang natin yung tanong. Do you like me?" I asked.

"I do." She shyly said. Yes!

"Why?"

"Uh.. i don't know, bigla ko nalang naramdaman. Ginulo mo na yung isip ko simula nung pumunta ka sa school para hingiin ulit ang number ko at niyaya mo kong mag coffee na pinaghintay pa kita ng matagal. But the next day.. you never contact me, naisip ko na baka pinaglalaruan mo ko kaya nainis talaga ako nun dahil di ko din alam kung bakit parang hinihintay kong kontakin mo ko. Hanggang sa nakita kita ulit sa birthday ni Julio at nainis na naman ako sa sarili ko dahil naisip kong.. namiss kita. Nalaman ko lang talaga na gusto kita nung hinalikan mo ko sa park, it wasn't my first but.. ang lakas talaga ng epekto nun sakin." She confessed.

"Gusto din kita." I confessed back. Lumapit ako sakanya at lumuhod sa harap niya habang nakaupo siya. "Amber, hindi ko alam kung bakit napapangiti mo ko kahit hindi ka naman clown. Masaya akong kasama ka at gustong gusto kong lagi kang kasama. Sana hayaan mo kong makasama ka araw araw, sana pumayag kang maging girlfriend ko."

"Yes! Oo naman payag ako." She said nodding, smiling. I smile widely and hug her tight. Hindi ako makapaniwala.. kami na! Kami na nga! She said yes!!

"You're mine." I said touching her both cheeks.

"Yes, I'm yours." She said nodding. Nagbabadyang may tumulong luha sa mga mata niya siguro dahil sa tuwa katulad ko. Inilapit ko ang labi ko sa labi niya para halikan siya.

Hinding hindi ako magsasawang halikan ang napakasarap at lambot niyang mga labi.

"Tingin ko kailangan ko ng umuwi dahil may trabaho ka pa." She said, looking at my desk.

"Who cares im the boss." I confidently said.

Hinawakan niya ko sa magkabilang pisnge. "Kahit ikaw ang boss kailangan ka ng employees mo."

"Sige na nga, kaya lang mamimiss kita kasi.. magdamag ako dito. Mas gusto kong kasama ka magdamag." Paglalambing ko.

"Maghapon mo naman akong makakasama bukas, don't worry." She winks.

I chuckled. "Ayos lang ba kung sa Apartment mo ako dumiretso pauwi mamaya?" She just grins, nodding her head. I smile excitedly at her.

Hinatid ko na siya muna sa parking para makauwi na siya. "Magiingat ka sa pagmamaneho." I said nang nasa tabi na kami ng kotse niya.

"I will, makikitulog ka pa sa Apartment ko eh." She jokes. I grin, chuckling a little. Hinalikan ko ulit siya labi niya pero mabilis lang kasi baka di siya sanay sa PDA. Kahit gustong gusto ko ng iPDA tong relasyon namin.

Sumakay na siya ng kotse at bago niya tuluyang paandarin ito, nag flying kiss muna siya sakin kaya sinalo ko yun at itinapat sa labi ko.

Hinintay ko munang mawala ang kotse niya sa paningin ko bago tuluyang pumasok sa Club para masimulan na ang trabaho.

Gusto kong tapusin na tong trabaho ko para mapuntahan na siya agad. Oo na excited na kong makita siya ulit kahit kakakita ko lang sakanya. Miss ko na agad siya.

Kinuha ko muna yung cellphone ko para sana itext siya muna..

*** my Angel, text me when you're home. I miss you already. ***

Pagkatext ko nag focus na ulit ako trabaho, chineck ang financial reports, bills and inventory for drinks. Masyado akong maraming naiwang trabaho dahil nag kasakit ako kaya kailangang bumawi ngayon.

Narinig kong may nagtext sa cellphone ko, kaya excited ko tong binasa. Pero nawala ang excitement ko ng makita kong si Zooey ang nagtext.

*** I just saw you with her, you look happy. Im happy for you. But still sana ako padin ang mahal mo. I love you Damon. ***

Itinabi ko nalang yung cellphone ko at di na nag abalang replyan ang text ni Zooey sakin. Bakit tuwing masaya ako sa piling ni Amber tsaka siya mag paparamdam? Bakit sa tuwing nabubura panandalian siya sa isip ko tsaka siya nagpaparamdam at pinapaalala sakin na hindi ako bagay kay Amber dahil makasalanan ako?

Siya ba ang nagpapaalala o yung konsensya ko?

Pero hindi nun mapipigil ang kagustuhan kong makasama ang angel ko, I'll be a better man soon. Gagawin ko ang lahat para maging better man para sakanya, para mas bumagay ako sakanya.

Para hindi na maipamukha ng mundong to na makasalanan ako.

His Secret AFFAIRWhere stories live. Discover now