Donor

59.5K 1.5K 43
                                    

Amber-

I'm at school at medyo kanina pa tapos ang klase ko kaya ang tangi ko nalang ginagawa ngayon ay mag linis, wala akong katulong ngayon kasi yung boyfriend ko bumibili ng kakainin namin.

Plano kasi naming dito na kumain dahil may gagawin akong mga paper works ngayon.

Masaya akong, okay na kami. Sa totoo lang medyo magaan sa pakiramdam ngayong okay na kami. Siguro dahil hindi ko na kinikimkim yung kagudtuhan muling mayakap at mahalikan siya. Sobrang miss na miss ko kasi talaga siya to think na di na kinaya ng buong pagkatao ko at pinatawad ko na siya.

Nandun pa din yung sakit na niloko niya ko at nag sinungaling about Zooey pero sa ngayon mas gusto kong isipin yung future namin kesa ang past niya.

Nakarinig ako ng katok mula sa pinto na dahilan para mawala ako sandali sa focus sa paglilinis ko, tumingin ako dun at nakita ko si Manong Ernie ang guard.

"Ma'am may delivery daw po, donation daw po para sa school."

"Ha? Anong donation yun?" Pagtataka ko.

"Mga libro daw po." Teka bakit wala akong maalalang may nag offer na mag donate ng books? "Papapasukin ko po ba?" Tanong niya.

"Uh.. sige, sabihin mo papasok nalang dito."

"Sige po Ma'am." Pagkasabi niya nun naglakad na siya pabalik ng gate ako naman nag stay lang sa classroom at nag iisip paring mabuti kung kanino kaya galing ang mga libro.

Dahil ba sa mga nangyari nitong mga nakaraan na araw kaya nawala sa isip kong may donor na pala ako ng libro? Imposible yun wala talaga akong maalala.

"Ma'am saan ko po to ilalagay?" Tanong nung delivery boy na may hawak na isang box na tingin ko pinaglalagyan ng mga libro.

"Ilapag mo nalang po sa sahig Kuya, salamat."

May isang lalake pang nag pakita at nag tanong. "Ms. Amber Tuazon?" He asked confirming my name.

"Ako nga po yun."

"Pa signed nalang po dito, patunay po na nareceived niyo yung books." I do as i told, pumirma lang ako then nabigla pa na may Apat pang boxes na dumagdag dun sa isag box lang kanina.

"Yan na po lahat yun at ito card para kay Mr. Rodriguez."

"Mr. Rodriguez?" Gulat kong tanong. "Wait ang sinasabi mo ba ang donor ng mga librong to ay si Ian Carlos Rodriguez?"

"Opo Ma'am." Inabot niya lang sakin yung card tsaka na siya nag lakad paalis, kasama nung mga nag buhat ng boxes.

Shocks!

What the hell is happening? Bakit siya nag donate ng libro?

Dahil ayaw ko naman ng maguluhan, binasa ko na yung card na may envelope pa na kasya lang sa laki nung card at pagkuha ko nun may nahulog na calling card niya. Oh!! Pati calling card?

It's a friendly gift from a friendly Billionaire. I hope i made you smile Ms. Tuazon. Please, call me.

ICR.

Tinignan ko ulit yung calling card ni Mr. Rodriguez na until now di ako makapaniwalang hawak ko. Never ever in my life na maiimagine kong makakahawak ako ng calling card ng isang bilyonaryo.

"What was that?" I heard my boyfriend's voice. Tumingin ako sa direksyon niya at nakita kong nakatitig siya sa mga boxes habang bitbit niya yung foods namin.

"Books." I answered.

Lumapit siya sa table ko at inilapag dun yung pagkain. "Bumili ka?" Pagtataka niya.

His Secret AFFAIRWhere stories live. Discover now