Beer

57.7K 1.4K 48
                                    

Umupo nalang ulit ako sa pagkaalis ni Mr. Rodriguez ng Apartment ko. Ang plano kong bumili ng beer kanina ngayon, napurnada dahil sa biglaan nitong pag bisita.

Bakit parang naging ganito ka komplikado lahat? Nag mahal lang naman ako ng lalakeng nag kamaling mag mahal ng isang babaeng may asawa na.

Gusto ko lang naman ng simpleng buhay kasama si Damon, pero sa bawat araw na dumarating lalong nagiging komplikado ang lahat.

"Amber.." I heard Majah's concerned voice. "Tama ba kong si Ian Rodriguez ang nakita kong lumabas dito sa Apartment mo?" Tanong niya pag kaupo niya kung saan nakaupo kanina si Mr. Rodriguez. Halata sakanya at pagkabigla.

"Ganun na nga."

"Anong ginawa niya dito? Paano kayo nag kakilala? Siya ba ang dahilan kung bakit may di kayo napapagkasunduan ni Damon ngayon? Diba may asawa siya?" Sunod sunod niyang tanong.

"No! Mahabang istorya."

"Makikinig ako!"

"Bumili kaya muna tayo ng maiinum? Hindi ko na nagawa yun dahil biglang dumating si Mr. Rodriguez."

"Ikukwento mo parin naman kung anong nangyari diba?"

I stand. "Oo."

"Okay, gora na tayo."

Sabay na kaming lumabas ng Apartment ko.

We decided na kotse ko nalang ang gamitin namin para pumunta ng store. Nang makarating kami sa grocery store, nag proceed na agad kami sa bilihan ng drinks. Kasi si Maj, excited na sa kwento ko kaya nag mamadali din siya.

Nang makabili kami ng beer, bumalik naman agad kami ng Apartment ko. Nang makarating kami, dumiretso kami ng sala para masimulan ng uminum.

"Game, kwento na!" Maj said, habang nag bubukas siya ng inccaned beer na nabili namin.

"Di ko alam kung paano sisimulan." I frankly said. Nag bukas nalang ako ng beer at ininum to. Shocks! Siguradong malalasing ako nito, kung sabagay ito naman talaga ang plano ko.

"Anong kinalaman ni Ian Rodriguez sa di niyo pagkakasunduan ng jowa mo?" She started to ask.

"Yung asawa ni Mr. Rodriguez at si Damon," I paused. Biglang kumirot yung puso ko, sobrang sakit padin talaga.

Huminga ako ng malalim para kahit papaano, baka sakaling mapawi to. "..nagkaroon sila ng Affair." I continued.

"Oh my God! For real? I mean, kabit si Damon ng asawa ni Ian Rodriguez?" Gulat niyang tanong, tumango lang ako sakanya.

"Shocks! That was unexpected, natural na kasing babae lagi ang kumakabit pero this time, lalake? Wow!" She added shaking her head, shockingly.

Tama siya, kakaiba nga tong kay Damon. Lalake ang kumabit at hindi babae. Kung ang tawag sa mga babaeng kabit ay mistress, ano naman sa lalakeng kabit? Wala akong idea, basta ang alam ko lang kabit padin yun babae man siya o lalake.

"Wait, kailan pa ba to? Recent lang ba o matagal na?" Tanong niya.

"Kami na ni Damon, may relasyon pa din sila." The thought of it makes me feel more hurt.

"Tapos na ba sila ngayon?"

"Yah, tapos na sila ngayon." Uminum ulit ako nung beer ko, mas masakit kung pag nalaman kong until now may realsyon pa din sila.

"Anong plano mo? Ang sabi mo kayo pa naman ni Damon. I'm surprised di mo siya hiniwalayan kahit nalaman mo na ang secret affair niya."

"Ewan ko din.." I said shaking my head. "Siguro talagang tinamaan ako kay Damon kahit na nasasaktan ako at naiiyak kapag naaalala kong niloko niya ko, for some strage feeling ayaw ko siyang mawala sakin. Pero hindi ko pa din alam kong magagawa ko siyang mapatawad, sobrang sakit kasi talaga ng ginawa niya eh."

His Secret AFFAIRWhere stories live. Discover now