Chapter Twenty Six

49.9K 1.2K 42
                                    

Chapter Twenty-Six

Umiiyak lang siya sa isang tabi. Nakasiksik siya sa isang sulok habang sunod-sunod niyang nararamdaman ang mga hagupit na galing sa hawak na sinturon ng kanyang ina. Sheine curiously went in the one of the private room ni Eloisa. Sabi kasi ng mga yaya niya ay dati daw iyong kwarto na sana daw ay nursery room based from the things that kept inside. She was just curious about her baby memories. They'd believed na doon nakatago ang mga baby pictures niya. Naiinggit kasi siya sa mga classmates niya na nakakapagdala ng baby pictures nila sa school. The only pictures they have at home ay noong first birthday pa niya. And now, she's seven. Naeexcite siyang makita kung ano ang hitsura niya noong newborn pa siya. Just like any other kids.

"M-Mommy ayoko na po," sunod-sunod na pagtulo ng mga luha niya.

Ang yaya niya na kanina pa inaawat si Eloisa ay naiyak na rin. "Ma'am tama na po."

Galit na galit na humarap si Eloisa sa kanya at hinawakan ang pisngi niya gamit ang isang kamay. "How many times did I tell you that don't ever go there to that room? Diba sinabi ko sa'yo? Bakit ang tigas ng ulo mo?"

"M-Mommy so-so-rry" kandabulol niyang sabi dahil naiipit ang bibig niya sa pagkakapisil ng ina sa kanyang pisngi.

"Don't mommy me, Sheine! Napakatigas ng ulo mo!" binalingan nito ang yaya niya na siyang kasama niya na pumasok sa private room nito. "And you. You're fired!"

She frozed. Her yaya were the only person in their house who loves her including her Dad. Ang daddy niya na nasa abroad ngayon dahil may pelikula na doon kailangan kunan ng eksena.

Nagulantang ang kasambahay. "M-Ma'am?"

"Narinig mo ako diba? Pack your things because you're fired. Hindi mo kayang gawin ang trabaho mo hindi ba? Then I don't need you here in my house." May pinalidad sa tinig ng kanyang ina.

Napaiyak na naman siya at hagulgol. Sino na lang ang makakaintindi sa kanya kung pati ang yaya niya ay mawawala. "P-Pero ma'am ako lang po ang inaasahan ng pamilya ko," sabi ng yaya niya.

"Edi sana naisip mo iyan bago mo kinunsinti ang kalokohan ng batang ito." Sabay turo sa kanya. Hinahanplos niya ang braso niya na tinamaan ng sinturon. "Ano pang itinatanga mo? Go!" atubiling lumabas ng silid ang yaya niya. Alam niya sa mga oras na iyon ay nag iisa na muli siya.

Isang linggo pa sa Singapore ang Daddy niya. Hindi pwede makita ng ama niya ang mga pantal at pasa niya dahil mas lalo lang magagalit ang mommy niya sa kanya. Ayaw niyang maghiwalay ang mga magulang niya dahil lang sa mag aaway sila kasi napapagalitan siya ng mommy niya.

Humarap muli si Eloisa sa kanya. "This is the last time that I will remind you, ha. A-yo-kong pa-pa-ki-a-la-man mo ang mga ga-mit ko!" she said by syllables. It was like she's emphasizing it because she's dumb and stupid. "I'm sending you to a good school para hindi ka magmana ng katangahan at kabobohan. Sinasayang mo lang ang pera namin ng daddy mo sa pag aaral mo kung simpleng instruction hindi mo maintindihan."

Lalo siyang napaiyak nang hablutin ni Eloisa ang braso niya na ngayon ay makikita na ang marka ng mga pagpalo nito sa kanya kanina. "Isaksak mo sa kapiraso mong utak ang lahat ng sinabi ko. I sacrificed everything para buhayin ka. Kung ako lang ang masusunod" nakita niya ang pagtaas baba ng dibdib nito.

Hindi nakaligtas sa mumunti niyang mga tingin ang namuong mga luha sa mata nito pagkatapos ay marahas na pinunasan iyon. Padaskol siya nitong iniwan at marahas na ibinagsak ang pinto pagkalabas ng silid niya.

All her life, Eloisa wasn't even kind to her. She was only nice when people around, When they have gatherings or attending parties. Of course she's an actress. It's easy for her to play the role of a kind and loving mother. When the truth is, she's unkind, heartless, abusive, and unloving. Pero bakit kahit ang hirap-hirap niyang mahalin eh, naniniwala pa siya na isang araw iikot ang mundo at makikita nito that she loves her more than she do—kung mahal nga ba siya.

GENTLEMAN Series 15:  Abel SandovalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon