Chapter Seventeen

43.4K 1.1K 36
                                    

Dedicated to analinepadilla3

A/N: Sorry for super late update. Masyado pang nag eenjoy ang otor niyo sa honeymoon. Char! Hahahaha

---------

CHAPTER SEVENTEEN

Days after Sheine discharge from the hospital. Mas pinili niyang mamalagi nalang muna sa loob ng kwarto niya at magpalakas. Sabi naman ng doktor ay mabuti na daw ang kalagayan niya. Walang malalang pinsala siyang natamo mula sa aksidente. Her father almost got sick nang hindi pa siya nagigising mula sa pagkakaaksidente niya. But they still glad now that she's alive and well.

"Anak?"

Mula sa pagkakatitig niya sa veranda. She heard that soft voice behind her close door. Maya maya'y bumukas iyon at ang maaliwalas na mukha ni Eloisa ang bumungad aa kanya.

Her face different from the passed days. Gone her bold red lipstick and thick eyelashes. Sa harapan niya ay isang babaing maganda ngunit napakasimple.

"I made you breakfast. Hindi ka na namin tinawag ng Daddy mo kanina para sumabay sa amin kasi alam namin na kailangan mo ng pahinga." Aniya.

Ibinaba nito sa coffee table na nasa harapan niya ang pagkain. The smell of freshly brewed coffee and Garlic fried rice with egg on side plus the aroma of daing na bangus na siyang paborito niya ay agad na nag alboroto ang tiyan niya. Natatakam sa mga pagkaing nakahain sa harapan niya.

"T-Thank you, Mom." Tugon niya.

She still couldn't believe that these are all happening right now. Na heto ang kanyang ina at inaasikaso siya. About the day she was in the hospital. Eloisa was crying and crying for her. Saying all her sorry for neglecting her at sa pagbabalewala sa kanya bilang anak nito.

Hindi niya alam kung ikakatuwa ba niya ang nangyaring aksidente sa kanya o hindi. But thinking about the effects. She's happy.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" Banayad na tanong ni Eloisa sa kanya.

"I'm fine now, Mom. Si Daddy nga pala?" Paguusisa niya.

"The office called him this morning. Kaya nagpasama ang Daddy mo sa assistant niya. He was asking me to come with him pero sabi ko, I rather stay here with you." Sinserong sabi nito.

Gusto na naman niyang maluha. Nang humingi ng tawad aa kanya ang kanyang ina ay di niya inaasahang magbabago ang lahat ng ganoon lang. Nakikita niya sa bawat kilos nito na gusto niyang paglaanan siya ng oras.

"M-Mommy..." Her tears began to fall.

Hinaplos ni Eloisa ang Pisngi niya.

"Nang sabihin ko sayong babawi ako. Babawi ako sayo, anak. Mahaba na ang panahon na nasayang sa ating dalawa. Gusto ko naman gawin ang tama ngayon." Niyakap siya nito ng mahigpit.

Dati ang yakap na iyon ay dinadasal lang niya. Ngayon ay nadarama na niya. Yakap na huli niyang natikman ay paslit pa lamang siya.

Nagkatawanan sila ng maramdaman niya ang luha ni Eloisa sa balikat niya. "I'm sorry anak. Nabasa ko ang damit mo."

Inayos nito ang sarili at umupo sa harapan niya. Siya naman ay nagsimula nang kumain. Magana niyang nginunguya ang bawat pagkain sinusubo niya sa kanyang bibig. She couldn't get off her eyes to Eloisa. Her face radiant everytime she smiled back at her.

"Ngayon ko lang talaga napupunang kahawig na kahawig mo ang Tita Elissa mo." There's a glint of sadness in her eyes.

"Mom, kambal kayo. Kaya walang duda na kahawig din kita." Dinaan nalang niya sa biro.

Si Elissa ay kakambal ng kanyang ina na yumao na. Si Elissa rin ang laging ka-double ni Eloisa sa mga shooting nito. Sa mga ginaganapan nitong teleserye o pelikuya na may mga matitinding physical activities. Pero sa kasawiang palad ay namatay ito agad.

Eloisa shake her head and gently wiped off her tears. "Let's forget about it. Do you have plans today?"

"Dadalaw daw today si Kees, Mom." Aniya kasabay ng pagkain.

"And how about Filip? Would you like to invite him to come over? Para naman makasabay natin siyang magtanghalian. I'm sure your Dad will be here before lunch." Mahabang sabi ni Eloisa.

Speaking of Filip. The last time they'd talk ay noong nasa hospital siya. Hindi ito umalis sa tabi niya. Hindi niya maiitanggi na minsan sumagi sa isip niya na sana ay magkita sila muli ni Abel. Pero hindi iyon tama. May nobyo na siya at si Filip iyon. Gusto niyang maging fair sa lalaki. That's why, Filip and she made it clear anything between them. And she wanted to start anew.

"He'll be here any moment, Mom. Nagsabi siyang darating din siya." Sagot niya sa ina.

"Great! Magpapahanda ako ng espesyal na pananghalian. I'm sure Filip missed all our pinoy dishes. Yung mga paborito mo." Hindi man niya matandaan kung may alam ito sa mga paborito niya. Pero nagpapasalamat siya sa effort na ginagawa nito para maging maayos ang relasyon nilang mag ina at ang buong pamilya nila.

Tumunog ang cellphone niyang nakapatong sa kama.

"Si Filip na siguro yan." Sabi ni Eloisa.

"I think mom." Inabot niya ang aparato at tinignan. "Unregistered number." Aniya sabay tingin sa ina.

"Answer it. Baka importante." Sulsol ni Eloisa sa kanya.

She swiped the screen at itinapat sa tenga ang aparato.

"Hello?" Imik niya.

Mahabang katahimikan bago may nagsalita sa kabilang linya. Nagkatinginan lang silang mag ina.

"Sheine?" Isang kilalang tinig ang narinig niya.

"S-Si Ida ba ito?" Puno ng pagtatakang tanong niya. Nakikilala niya kasi ang boses nito. At natatandaan niya rin na kinuha nito ang contact number niya.

She heard a deep sigh. "Thanks God you recognize me."

Napuno siya ng pagtataka. Saka napabaling sa ina. Sumenyas si Eloisa sa kanya. Tinatanong kung sino ang kausap niya. Bumulong lang siya. Hindi pa niya naiikwento na nakarating siya ng Lucena sa paglalayas niya noong nakaraan.

"Are you alright, Ida?" Tanong niya sa kabilang linya.

"Can I visit you today?" Lumalim ang pagtataka niya. Does she know about the accident that happened to her? "Naglayas ako sa amin. And I badly need your help."

Naglayas? "W-Wait? W-What? W-Why?" Sunod sunod na tanong niya.

"I can't explain right now. But please, don't tell it to Papa Abel. Tulungan mo lang ako." She sounds so desperate.

Huminga siya ng malalim saka sumagot. "Alright. Nasaan ka ngayon?" Kinakabahan siya baka kung saan ito mapadpad kung di niya tutulungan.

Nakakarinig siya ng mga tinig sa background nito. Kaya alam niyang nasa mataong lugar ito.

"I am now here in front of your company building. At hindi ko alam kung sino ang lalapitan ko."

She is in the Line Media. Napahawak nalang siya sa sentido niya. Abel should have know about this.

GENTLEMAN Series 15:  Abel SandovalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon