Chapter Thirty

832 52 7
                                    

TRIGGER WARNING: Pag binasa niyo tapos nasaktan kayo at naalala niyo ang paulit-ulit na pang-gag*go sa inyo ng jowawers niyo. Sige isisi niyo sa 'kin. Char! HAHAHAHAH (Pero wala talagang nakaka-trigger d'yan. Mas nakakatrigger pa 'yung mga order mo sa shopee na nasa SOC 3 pa rin hanggang ngayon. HAHAHAHAH)

Chapter Thirty

Buong araw na nakamasid lang sa dagat si Sheine mula sa balkonahe ng silid niya. Kaninang tanghali ay bumaba na siya para sumalo kay Manang Lourdes ng pananghalian pero walang Abel na nagpakita sa kanya. Hindi niya rin alam paano ito haharapin pagkatapos ng nangyari. Abel saved her. She couldn't believe herself na ang taong kinamumunghian niya ay ang tao pa mismo na magliligtas sa kanya.

Nakuha pa niya ang maliit niyang shoulder bag na may laman wallet niya dahil lumutang iyon sa dagat pero hindi ang cellphone niya na lumubog na. The capsized boat sinked already at ayon kay Manang Lourdes ay may mga inutusan na daw na tao si Abel para iahon iyon. Nanlulumo pa rin siya kapag naaalala niya ang nangyari sa kanya nang nakaraang gabi. Hanggang ngayon ay sariwa pa sa alaala niya ang lahat at mas lalo siyang nagkaroon ng takot na sumakay pa ng barko o maski na Bangka man lang.

Tumayo siya sa pagkakaupo sa wooden veranda chair. Pagkatapos ay bumalik siya sa loob ng silid niya. Pupunta na lang siya sa kusina para tulungan si Manang Lourdes na maghanda ng hapunan nila. Lumabas siya ng silid at bumaba ng hagdan. Inabutan niya si Manang Lourdes na abala sa paghihimay ng mga gulay.

"Oh akala ko nagpapahinga ka?" bati ng matanda pagkakita agad sa kanya.

Lumapit siya dito at inusisa ang ginagawa nito. "Nababagot na po ako Manang. Nasobrahan na nga yata ako sa pahinga," sabi niya at nakita niya ang hinihimay nitong sitaw.

"Ay naku 'wag mo nang pagkaabalahan iyan. Ako na dyan," sabi ni Manang Lourdes sa kanya nang gayahin niya ang ginagawa nitong paghihimay.

"Tutulungan ko na po kayo. Ano bang lulutuin niyo?" tanong niya.

Lumapit ito sa kalan. May nakasalang sa apoy na kaserola na may kumukulong sabaw. "Nagsisinigang ako sa miso. 'Yung bang ulo ng tanigue. Paborito kasi ni Abel iyon."

Pagkarinig niya sa pangalan ni Abel ay nacurious siya. "S-Si Abel po ba andyan na?" marahan niyang tanong.

"Aba'y oo. Kanina pa siya nakabalik."

Lumapit si Manang Lourdes sa kanya at kinuha ang ibang gulay pagkatapos ay itinapat sa gripo upang hugasan. "Palagay ko nasa pangpang pa ang batang iyon. Sapul noong maliit 'yang si Abel ay kapag nag iisip 'yan andun lang 'yan palagi sa tabi ng dagat. Kabaliktaran 'yan ng kapatid niyang si Cain," pagkukwento nito.

"M-May kapatid po si Abel?" tanong niya.

"Aba'y oo naman. 'Yun nga lang dalawa lang silang magkapatid. Mabait din gaya niya 'yung kapatid niyang si Cain."

Weird but she remembered their conversation ni Kees nang tanungin siya nito about Abel.

"By the way ano nga ulit ang pangalan ng sinasabi mong tumulong sayo?"

Mabilis siyang napalingon dito. "Abel."

"Abel? You mean Cain's brother?" Kumunot ang noo ni Sheine.

"Kilala mo?" nagtatakang tanong niya.

Tumawa naman si Kees. "Well, Bible name. Cain and Abel are siblings they're the first sons of Adam and Eve. The brothers made to . But God favored Abel's sacrifice instead of Cain's. So, Cain murdered his brother."

GENTLEMAN Series 15:  Abel SandovalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon