Chapter Thirty Two

825 51 8
                                    

A/N: Short update. My apology kung walang update kagabi. Kinailangan ko kasi magpahinga ng maaga para sa appointment ko sa aking OB. Maraming salamat sa lahat ng patuloy na sumusuporta. This comeback is actually my therapy. 

Chapter Thirty Two

May halos dalawang oras na si Sheine na nakatanaw lang sa karagatan. She was sitting at the edge of the wood floor ng pavilion. It's an open space where connecting to a port and walk to the sea. Kanina habang naglalakad lakad siya sa dalampasigan ay dito siya dinala ng mga paa niya. Nakikita niya ang parola sa karatig isla at ang ilaw niyon na tila sumasabay sa malikot niyang isip. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam kung ano ba ang dapat gawin. It's hard on her part na wala man lang siyang mapagsabihan at mapaghingahan ng problema niya.

Hindi naman niya maaaring gambalain si Kees dahil alam niya na may sarili itong problema na inaasikaso sa kasalukuyan. Kinuha niya ang natitirang dalawang pirasong bato na pinulot niya kanina at ibinato muli sa tubig.

"I hate you, Mommy!" sigaw niya. Her throat ached because of crying and screaming. Kanina nang mag isa na siya ay patuloy siyang sumigaw ng sumigaw.

Nagkaroon siya ng laya na ilabas ang nararamdaman niya sa pamamagitan ng pagsigaw sa kadiliman ng lugar.

"Bakit mo kami nagawang lokohin? Tanggap ko na hindi mo ako mahal. But why you destroyed our family?" muli siyang napahikbi.

Patuloy na dumadaloy sa alaala niya ang kamusmusan niya kung saan kahit isang yakap at halik ay hindi niya natikman sa kanyang ina. She can't help it but jealousy rose up in her chest when she thought of the memory where Ida came into their lives. Una pa lang nakita ni Eloisa si Ida ay magiliw na ito doon. Hindi niya mapigilan na huwag makaramdam ng kakaibang selos.

"You loved her the first time you saw her. Pero ako na kasama mo for 29 years ay hindi mo naparamdaman ng ganoon pagmamahal. You never look at me the way you look at her," para siyang baliw na kinakausap ang hangin na tila ba iyon si Eloisa.

Nasa ganoon siyang posisyon nang makaramdam siya ng yabag ng paa. Pagkatapos ay ang presensya nito sa tabi niya.

"You never join us for dinner kaya dinala ko ang pagkain dito."

Dahan-dahan niyang nilingon ang tagiliran niya and she saw a basket full of food cointainers.

"Hindi ka n asana nag abala pa. Hindi naman ako mamatay agad kung di ako kakain ngayon," mapakla siyang napangiti.

Naramdaman niya ang pag upo ni Abel sa tabi niya. "Pero kailangan mo pa rin kumain. Gabing-gabi na at mahamog na rin dito. Baka magkasakit ka kung pababayaan kita," Abel said. And right after she felt a thick blanket that he covered her back and shoulder. "Baka bukas may ubo at sipon ka na niyan."

Nag ulap ang mga mata niya. Sometimes, it's true that we felt love and care with the people who aren't our family. Totoo na mas madalas nakakatagpo tayo ng mga taong kaya tayong protektahan kahit hindi natin kadugo.

"T-Thank you," she whispered. Hindi niya alam kung narinig ba siya nito o hindi.

"I know how it feels. Alam ko rin kung ano ang pakiramdam ng masaktan. So, don't ever think na ikaw na ang pinakamalas na tao sa mundo. Your life doesn't ends here. Protect the only thing that left on you. Keep sane," Abel told her.

Mapakla siyang napangiti ulit. "You doesn't know the feeling of being unloved and betrayed, Abel. May kumpleto kang pamilya and supportive parents."

"But not all are lucky. Iba-iba tayo ng mga pinagdadaanan sa buhay. Hindi kailangan maging pareho ang kapalaran natin bago natin malaman na alam natin kung ano ang pakiramdam ng masaktan."

"H-How? Ni hindi ko nga alam paano ko ba sila haharapin? How can I ask my mother and how can I ask my parent if he does know Ida's existence," gulong-gulo ang isip na tanong niya.

Maya-maya'y naramdaman niya ang kamay na humawak sa palad niya. "I'm here," Abel said. His eyes glued to her as if he saw everything in her eyes. The yesterday, tomorrow, and future.

Matipid niyang nginitian ito. "You know that this isn't right. I-I have a b-boyfriend," she told him. And then she saw the slowly fading of glistering lights through his eyes.

"I know," tipid nitong tugon. Dahan-dahan niyang binitiwan ang kamay niya. At nang oras na binitiwan nito ang kamay niya naramdaman niya ang malamig na hangin na bumalot doon and loneliness.

May iniabot si Abel sa kanya. It's a cellphone. "Call your family. Tell them where you are. May signal na dito sa isla kaya magagawa mo nang tumawag sa pamilya mo."

Namangha siya dito. And she realized, he's aren't the bad guy afterall. Abel is selfless. Inabot niya ang cellphone mula dito. It's her chance now to ask her father. Hindi man niya ito kaharap at least kahit virtual lang ay magawa niyang itanong ang isang bagay na kinatatakutan niya.

"S-Salamat," sabi niya.

Tumango lang si Abel at bahagyang lumayo sa kanya then she saw her puffing his cigarette from the other corner of the pavilion. True to his words, the phone has a signal. She immediately dialled their residential number. Two ring before it answered.

"H-Hello?" she slowly asked.

Checking the other line if it's working.

Then she heard a man's voice. "D-Dad?"

Nakarinig siya pagsinghap. "S-Sheine? It is you anak?"

"I-It's me," tugon niya.

"Where are you? Bakit hindi ka umuuwi? We are all worried about you." Mabilis na sabi ng ama niya.

Nilingon niya si Abel. "I-I'm safe, Dad. I-I just called to ask you s-something." Is she really ready? Hindi niya alam but she was trying to stay calm.

"Ano 'yon? Bakit di ka na lang umuwi at dito natin pag-usapan sa bahay ang lahat. At isa pa may kailangan din akong—." She cut him off. She had to do this. Because it's now or never.

"May anak ba sa iba si Mommy?" mabilis niyang tanong.

Kasabay niyon ay ang pagtulo ng luha niya. Namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Hanggang sa narinig niya ang sunod-sunod na pagbugtong hininga ng ama niya.

"Dad please," she pleaded. "Parang awa niyo na. I want to confirm if it's true," she helplessly cried.

"This is better be settled here, anak. Be home—."

"No!" matigas niyang sabi. "Hindi ako uuwi hangga't hindi niyo sinasagot ang tanong ko. Is it true? Mom did cheat on you and nagbunga iyon?"

"N-No. Y-Yes—How did you know about it?"

"Mahalaga pa ba na malaman niyo kung paano ko natuklasan ito? Hanggang kailan niyo balak itago sa akin ito?" umiiyak na tanong niya.

"N-Nagbago na ang mommy mo. She promised na hindi na mauulit ang pagkakamali na iyon," narinig niyangs sabi ng ama.

"And you believed her?"

"I have to. Para sa 'yo."

Naiinsultong tumawa siya. "Don't make me as an excuse Dad. You know that Mom doesn't like me at all."

"Hindi 'yan totoo. Mahal ka niya 'cause you are our d-daughter," her father said. Defending Eloisa.

"Stop defending her dad. Bata pa lang ako alam ko na hindi maayos ang pamilya natin. That I felt I am an outcast and doesn't even belong to your family, but at least you made me feel that I'm truly yours. Except, mom. She made me felt that...that I am not a family. Not a her daughter. O baka nga hindi niya ako anak."

Pinutol niya ang tawag at tumawa sabay iyak. Paulit-ulit niyang ginawa iyon na parang tinatakasan ng katinuan.

What if I am an adopted child? Tapos ang mga magulang ko eh drug addict at pokpok? Na pinulot lang ako sa kung saan.

GENTLEMAN Series 15:  Abel SandovalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon