Chapter Fifteen

51.5K 1.2K 50
                                    

A/N: I hope you are all doing fine habang nasa matinding krisis ang bansa natin. May trending post ngayon ng isang partylist ang nagrally kamakailan. Sana sa mga estudyante na naririto at nababasa ito ngayon. Kapakanan lamang ng buong pilipinas ang inaalala ng administrasyon ngayon. Alam natin lahat na hindi tayo handa sa ganitong krisis pangkalusugan. Sana bilang matatalinong mamamayan ng lipunan ay lawakan niyo ang iyong kaisipan at pang unawa. COVID 19 lang iyan. Pinoy tayo!

By the way, naalala niyo ba si Greta Ongpin at Erwin Carpio? Sana oo. Dahil gusto ko sabihin sa iyo na malapit na natin masubaybayan ang kwento nila.

KNIGHT OF MY DREAMS: Guarding The Heiress

KNIGHT OF MY DREAMS: Guarding The Heiress

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Enjoy reading and stay safe. 

Ai:)

-------------


Chapter Fifteen

Hindi kayang itago ni Sheine ang mga luha at ang impit na pag iyak dahil sa galos at sugat na tinamo. Nasisiguro niya na magmamarka iyon at magiging peklat. Matagal din maghihhilum kaya mapapansin at mapapansin ng iba. Hindi pa naman niya gusto na magalusan man lang. kailangan niyang alagaan ang balat niya. Gusto kasi niyang maging isang artista gaya ng Mommy niya. Kasi kapag artista na siguro siya baka matutuwa ang mommy niya sa kanya.

"Manang..." sabay hikbi niya.

Hinawakan siya ng ginang sa braso at saka inalalayan makaupo. "Tahan na hija. Mamaya lang ay mawawala na iyan. Kung bakit naman kasi takbo ka ng takbo sa eskwelahan niyo."

Pinahid lang niya ng mga kamay ang pisngi na dinaluyan ng luha niya. "M-Magagalit na naman si Mommy kasi may sugat ako. Hindi na po ba ako magiging artista, manang?"

"Ano ka bang bat aka? Hindi mo naman kailangan maging artista. Mahal ka ng mommy mo. Magagalit lang iyon kasi nagalusan ka. Iisipin niya hindi ka nag iingat. Natatakot lang iyon na mapahamak ka." Paliwanag ng matanda s akanya.

Dumating siya kanina galing eskwela na halos itago ang tuhod mula s ailalim ng suot niyang palda na pang elementarya. Pero mahapdi ang sugat niya kaya nahirapan siyang itago iyon. Natatakot kasi siya na makita iyon ng Mommy niya dahil nasisiguro niya na kagagalitan siya niyon.

"Colita kuninn mo ang first aide sa loob." Utos ni Manang linda sa kasambahay nila. Iyon ang yaya niya na kasama niya sa school.

"Papagalitan din ba ni Mommy si Yaya colita?" tanong niya habang lumuluha pa rin.

Inalis nito ang sapatos na suot niya pati ang medyas. May galos din siya sa binti at kitang kita ang mahabang guhit doon na namumula sa maputi niyang mga binti. "Pagsasabihan lang siguro siya ng Mommy at Daddy mo."

"Edi mawawalan na po siya ng work? Hindi naman po niya kasalanan na nadapa ako, manang. Hindi niya kasi ako nakitang tumakbo." Pagtatanggol niya sa kasmabahay.

GENTLEMAN Series 15:  Abel SandovalWhere stories live. Discover now