Chapter Eleven

48.7K 1.1K 7
                                    

A/N: Uulitin ko po. Para sa mga nagtatanong sa akin sa Inbox. Sa old version nito (Na deleted na) Stepsister ni Sheine si Eloisa. Ngayon naman sa new version niya ay Mommy niya si Eloisa. Please wag po kayong maconfuse. Malaki lang po talaga ang naging pagbabago ng kwento unlike before. And also para doon sa mga hinahanap iyong bed scenes. Patawad muna hahaha. Naalog ang utak ko dahil dyan. Wholesome po muna tayo para sa mga bagets. Marurupok lang tayo pero di tayo mahaharot hahaha. 

Enjoy.

---------

Chapter Eleven

Sheine gasped as soon as her feet stepped in inside the blue-colored cave. The cave has it's brilliant blue glow. Inalalayan siya ni Abel na tumapak sa bato. May labing limang munto lang ang nilakad nila mula sa baybayin hanggang sa coastal edge ng bundok at sa gilid niyon ay lagusan papasok sa kweba.

'Ang ganda!' namamangha niyang bulaslas.

"Kapag nasa gitna kana ng dagat. Kung papuntang silangan ka ay makikita mo ang malaking lagusan nito na kasya ang isang Bangka." Narinig niyang sinabi ni Abel. Her eyes were busy by looking at the whole surroundings.

"Paano mo nalaman ang lugar na ito?" mangha pa rin niyang tanong.

Sheine really can't get over the majestic beauty of the cave. Akala niya sapat na ang ganda ng buong isla nang unang itapak niya ang mga paa. Ngunit nagkamali siya. May iba pa palang ganda iyon. At mas may igaganda pa.

"Mahilig akong magtrek I discovered this place nang minsan baybayin ko ang gilid ng bundok." Kakaiba ang isang ito. May mga tumpok ng rock formation sa gilid nito at kasunod niyon ay may ilang taas na bundok kung saan nakatayo ang light house na kanina lang ay pinagdalhan sa kanya ng binata.

"Why don't you open this for the public? I'm sure dadagsa ang investors ng isla na ito." Komento niya.

"For what? Para dagsaing ng mga tao at tayuan ng mga structures and buildings. I rather keep this place as it was." Sagot naman ng lalaki.

Sabagay may punto ang binata. Kahit siya ay ganoon din ang iisipin. "Hindi naman kita masisisi. Napakaganda naman kasi ng isla mo."

"May ilang lumapit na sa akin para alukin ako ng partnership. All I have to do is agree to the government and I will let the locales to visit this Island. Pero tumanggi ako. I want to preserve everything in here. Kapag binuksan ko sa industriya ito marami sa mga natatago nitong yaman ang masisira." He sounded like a serious environmentalist.

Hindi niya tuloy mapigilan wag mamangha sa binata. Hindi na siya nagsalita. Inalalayan pa muli siya hanggang sa tuluyan na silang makapasok sa loob. Mula sa kinatatayuan niya ay kita niya ang hole entrance ng kweba. A small opening where only one boat can fit. There is also a bigger hole beneath the entrance. When viewed from inside the cave, the entrance appears as a brilliant white light just above the waterline, while the underwater hole, which is the larger source of light, provides a blue glow.

Alam ni Sheine na kulang ang salitang maganda para idepina niya ang natural na likas yaman na nakikita niya. Naramdaman niya ang kamay ni Abel na humawak sa siko niya. "Look at that." Sabay turo sa kanya sa ituktok ng kweba.

"Oh my! Beautiful!" Hindi na napigilan muli ni Sheine na wag mapabulaslas.

Only if Abel allows her to take a snap photo she would. Pero hindi pumayag ang binata na kunan niya ng litrato ano mang parte ng kweba. Hindi napapagod ang leeg niya sa pagtingala at ang paggala ng mga mata. It was like, she's watching a night sky full of twinkling stars.

"It's insect size glowworms. Billion of them that abound here are hide inside this cave." Nnang tignan niya si Abel ay nagrereflect sa mukha nito ang kinang ng mga glowworms.

GENTLEMAN Series 15:  Abel SandovalWhere stories live. Discover now