Chapter Twenty-Two

44.9K 1K 17
                                    

Sheine woke up with heavy bags under her eyes. Waking up this morning with puffy face proves that she only got a little sleep last night o mas tamang sabihin na kaninang madaling araw. Nilingon niya ang bakanteng espasyo sa tabi niya. Alam niyang maagang umalis si Kees dahil nagmessage ito sa kanya na hindi na siya ginising pa, dahil may emergency at kailangan niya muna ayusin iyon.

Hindi na ito nagpaliwanag pa sa kanya but she mentioned that, she will not be around for a couple of days. Hindi na siya nagusisa pa. Alam naman niya na kapag nagkita sila muli ay magkukwento ito sa kanya. Pasado alas diyes na ng umaga nang mapatingin siya sa wall clock na nasa loob ng silid niya. Mabilis siyang inayos ang sarili upang makababa na at makasabay niya sa breakfast ang mga magulang niya.

Kailangan niyang malaman kung umuwi pa ba ang mommy niya matapos niyang makita na umalis ito ng dis oras ng gabi. Hindi niya gustong mag-overthink pero paano nga ba kung totoong hindi pa nag babago ang mommy niya at hanggang ngayon ay may kinalolokohan pa rin ito. Kahit pa ilang ulit nitong itinanggi na wala itong ibang karelasyon maliban sa ama niya.

Sheine can really feel how she wanted to make it up with her. Nakikita naman niya ang effort nito. But the thing that she saw her going out last night ay palaisipan sa kanya. Pagkatapos niyang magsepilyo ay naghanap siya ng simpleng pambahay. Wala naman siyang lakad ngayong araw. Pero may mga gusto siyang gawin na hindi niya alam kung paano niya uumpisahan.

'Wag mong sabihing iimbestigahan mo na naman ang mommy mo. Sita ng kabilang parte ng utak niya sa kanya.

Ikinilig niya ang ulo at pilit iniwaksi sa isip ang bagay na iyon. Nang maayos na niya ang kanyang sarili ay lumabas siya ng silid. Nadaanan niya ang silid na inokupa ni Ida. Hindi niya sinubukan buksan iyon dahil baka natutulog pa ito.

Saka na muna niya iisipin ang tungkol dito. At kung paano niya ito makukumbinsi na umuwi na sa kanila upang di na lubusan mag-alala ang pamilya nito. Sa ngayon ay hahayaan na muna niya ito sa desisyon nito baka ito kasi ang kailangan ni Ida para makapag-isip isip.

Nasa bukana pa lamang siya ng hagdan ay naririnig na niya ang masasayang halakhakan na nagmumula sa dinning room nila. Partikular na ang pagtawa ng daddy niya. She immediately smiled nang marinig niya ang nakakahawang halakhak ng ama niya. Ganoon na ganoon ang daddy niya kapag nagkukwentuhan sila. Palagi itong tumatawa sa mga biro niya. But sheine, gets surprised when she heard another unfamiliar laugh.

Nang sumungaw siya sa dinning area ay nakita ng dalawa niyang mga mata ang masayang tawanan ng mommy at daddy niya. Seeing her parents laughed like that isn't normal. Her mom never laugh like that. It is new to see her smiling face. Naalala niya palagi itong nakasigaw at nakasimangot sa tuwing magkakasama sila sa hapag. But now, she changed.

And that changed was because of—her eyes landed to Ida. Tumatawa din ito at halatang masayang masaya sila. Nakita pa niyang nilalagyan ng mommy niya ng pagkain ang plato ni Ida. Ang daddy naman niya ay hindi magkamayaw kung paano sasagot sa mga binabatong biro ng babae. She never experience that kind of breakfast—them in one dinning room, enjoying the food and the talk with laughters.

Hindi niya alam pero may mumunting kirot sa dibdib niya. Kadarating lang ni Ida kahapon but she already got the attention of her parents. She's gonna be impolite kung hindi naman nila itatrato ng maayos ang bisita. Pero kakaiba ang nararamdaman niya. Hindi niya gusto ang ganoon pakiramdam.

That she's jealous?

Hindi tama iyon. Mabait lang talaga ang daddy niya sa lahat ng tao. But her mom? It is new to her that she can treat Ida that way. Isang tikhim ang bumasag sa masayang tawanan ng tatlo.

Their eyes landed on her and Nelson immediately stood up and walk forward to her.

"Hello my princess. I'm glad you can join us for breakfast." Inakay siya ni Nelson patungo sa mesa.

"Good morning, Dad" humalik siya sa pisngi nito. Bumaling naman siya sa Mommy niya. "Good morning, Mom."

Eloisa kissed her and she motioned her to her seat. Binati din niya si Ida at ganoon din ito sa kanya.

"Mukha kang puyat, hija. Hindi k aba nakatulog ng maayos?" tanong ng daddy niya sa kanya.

Nilalagyan ng mommy niya ng pagkain ang plato niya. Pagkatapos ay napatingin siya dito. "W-We stayed up late, Dad. Napahaba kasi ang kwentuhan namin ni Kees." Sabi niya.

"Maagang umalis si Kees. Nagpaalam ba siya sa 'yo?" imporma sa kanya ni Eloisa.

"She did mom. Marami lang daw siyang aasikasuhin." Hinigip niya ang kape na nasa harapan niya. "Wala po ba kayong lakad ngayon?" tanong niya sa ina.

She assumed that Eloisa will leave again. Kung umalis nito kaninang madaling araw ibig sabihin ay kadarating lang nito.

"None actually. Medyo inaantok pa nga ako. Your dad just woke me up dahil gusto daw niyang sabay kami magbreakfast." Tumango tango namna siya sa sagot ng mommy niya.

Bumaling naman siya kay Ida. "Kumusta ang tulog mo? Sana nakapagpahinga ka ng maayos."

"It was good. Thank you for letting me stay here." Sabi ni Ida.

"No problem." Na sinabayan niya ng simpleng pagngiti.

"Hija, you are welcome here." Sagot bigla ng ama niya.

Bumaling sa kanya ang daddy niya. "You know what, hija. Itong si Ida ay siyang-siya mo noon kabataan mo. Aba'y mauubusan ako ng sagot sa dami niyang tanong." Na sinabayan pa ng ama niya ng pagtawa.

He is genuinely happy.

"Your dad and your friend are quite the same, anak." Sabat ng mommy niya while still smiling at them. Pagkatapos ay tumingin na naman ito sa dalawa.

And from that moment, she couldn't mistaken the hint of tears on Eloisa's eyes. Kumunot ang noo niya. Wala silang ganoon moment noon kabataan niya. Could it be regrets? Hindi niya alam.

"Dad, do you have plans today?" awat niya sa usapan ng mga ito.

She's trying to make them see that she's around.

Bumaling ang ama niya sa kanya. "None for this day, anak. But your mom and I had decided to stay here today."

Hinawakan ni Eloisa ang isang kamay niya. "Balak kong ipakita kay Ida ang mga koleksyon ko ng mga lumang magazines kung saan ako ang mga naging cover. And hindi mo naman sinabi that she likes old movies. Gusto daw niyang mapanuod ang mga luma kong pelikula."

"N-Nice." Pinilit niyang mangiti kahit ang totoo ay unti-unti na niyang inaamin sa sarili na naninibugho siya.

Never pa niyang nakita o nahawakan ang mga magazines ng mommy niya dahil nagagalit ito kapag papasok pa lang siya sa private office nito. Ang mga luma naman nitong tape kung saan naroroon ang luma nitong mga movies ay hindi rin niya pa nakikita. Pero ngayon ay ipapakita nito sa isang tao na kahapon lang niya nakilala!

"You should join us, anak. Diba excited ka rin mapanuod ang mga movies ng mommy mo?" sabi ni Nelson.

"Oo nga anak. D-Diba matagal mo nang gusto makita iyon." Tila naalala ni Eloisa iyong mga panahon umiiyak siya dahil pinalo siya nito nang magtangka siyang tignan ang mga magazines nito.

"I can't believe na may mommy kang superstar!" Ida said while giggling.

Doon naman napangiti ulit ang mommy niya na tila kilig na kilig.

"W-We'll see dad." Simpleng sagot niya.

"Bakit? May plano ba kayo ni Filip na lumabas ngayon?" tanong ni Eloisa.

Umiling siya. Hindi pa sila nag uusap ulit ni Filip buhat kahapon nang umalis ito. "I-I'm meeting an old friend, mom." Sagot niya.

Gusto niyang umalis at maglibang. She can't afford to see them happy with their new company.

"Do you want me to accompany you?" alok ng mommy niya.

Umiling muli siya. "Wag na, mom. Ipakita niyo na lang kay Ida ang mga collections niyo. I know she's excited." She hide her sarcasm and smile.

"Are you sure?" tanong pa muli ni Eloisa.

Tumango na lang siya.

Maya-maya'y nagsalita muli si Ida. Pinuri nito ang masarap na kakanin na nasa mesa. Nagtawanan ang tatlo and again, her parents attention focused on their guest. Hindi niya maipaliwanag ngunit, silang tatlo. Her dad, her mom, and Ida are more like a family together. And she. She's the intruder. 

GENTLEMAN Series 15:  Abel SandovalWhere stories live. Discover now