My Demon Butler 31

1.2K 37 8
                                    

Game Over. Try Again? is now reposted! Check it out!

--

My Demon Butler 31

"He told you that?" Ella asked.

Tumango ako. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala sa naging reaksyon ni Duke kagabi.

"I never knew that Ipis could make sigaw. Especially to you. He's very gentle with you kaya. Para ka ngang fragile thing na iniingat ingatan niya na mabasag." Sabi naman ni Venice.

"Baka naman pakitang tao lang niya yung so-into-Ales image na yun?" -Ella

"Kayong dalawa napaka-judgmental niyo. Hindi ba pwedeng nasasaktan lang yung tao? Look, Duke has the rights to get mad. Siya nga naman ang palaging nasa tabi ni Ales pero si Alexis pa din ang hinahanap niya. Syempre natural lang na masaktan yung tao. Why don't you try to stand on his shoes. Tss," pagexplain ni Rucel.

Bakit lalo akong naguiguilty? Huhuhu.

"If I know tampo-tampuhan lang yun. Kailan ba natiis ni Ipis si Ales? Mamaya lang nandito na yun para mangulit." Sabi pa ni Venice.

Parang may anghel na dumaan sa harapan namin dahil natahimik kaming apat. Ako, wala talaga sa mood dumaldal. Pero teka, hindi ko pa yata nakikita sila Lizzie tsaka Alexis? Hay. Alexis na naman ako.

"Speaking," napatingin kami sa direksyon na tinitignan ni Ella.

Omo. Si Duke! Nagtama ang mata naming dalawa pero.. wala siyang emosyon. Naglalakad siya patungo sa direksyon namin.

"Sabi sayo di ka matitiis niyan e," sabi ni Venice.

Papalapit siya ng papalapit samin. Nakatingin lang siya sa mata ko. Babatiin ko ba siya? Ngingitian?

"Hey cockroach," tawag ni Venice pero hindi siya nito pinansin. Instead, doon siya sa table na nasa likuran namin umupo. Wala siyang binati saming apat. Parang wala lang siyang nakita. Para bang invisible kami.. ako.

Napatingin ako sa table nila Duke. Nginitian at kinawayan ako nila Roma, Jethro at Karl. Pero si Duke wala, nakatalikod lang. Umiinom ng kung ano. Di ko kita e. Hay!

"O, pahiya ka ngayon?" pangiinis ni Ella.

"Hoy Ipis!" Lumapit si Venice kay Duke at pinagsasabunutan, "how dare you ignore me!!"

"A-Aray! Potek! Alisin mo nga! Tama na! Isa! Hahalikan kita, pucha!"

Kaagad na inalis ni Venice ang kamay niya sa buhok ni Duke.

"Nevermind. I don't want an ipis to kiss my precious lips!"

Akmang aalis na si Venice para bumalik sa table namin pero bigla siyang hinawakan ni Duke sa wrist. Tumayo. At biglang hinalikan si Ven.

Ouch. B-Bakit may masakit sa dibdib ko? Shet. Mamamatay na yata ako.

Tumayo ako, "una na ko."

Nakayuko akong naglalakad ng mabilis.

"Oi, oi! Ano yan? Akala ko si Ales ang nililigawan mo?" sabi ni Brian na biglang sumulpot out of nowhere. Nabangga ko siya pero I've got no more energy to apologize.

I can't breathe.

--

Rucel's Point of View

Tae tong si Venice nakatayo pa din hanggang ngayon. Masyado yatang nasarapan sa halik ni Duke. Natulala na.

"Kung sasaktan mo lang din si Ales, wag na wag ka ng makakalapit sa kaniya. You can now get out of her life. We can take care of her." Sabi ko kay Duke.

My Demon ButlerWhere stories live. Discover now