My Demon Butler 7

1.8K 60 12
                                    

*meooww*

Uhh..

*meoowww* 

Ramdam ko na dinidilaan ako ni Alexis pero wala ako sa mood makipaglaro sa kaniya ngayon.

Tumigil si Alexis sa pangungulit sakin. Sinilip ko siya at nakita ko siyang nakatingin lang sakin habang kumakaway kaway yung buntot niya. Hayy. He's so irresistible.

"Tara nga dito," kinuha ko siya at niyakap. Siya naman kaskas lang ng kaskas ng ulo niya sakin. Kung di man kaskas, dinidilaan niya ako. "Alam mo Alexis, ang sakit sakit ng nangyari sakin ngayon. Nawala ako sa pagka-first place ko sa department namin. And worst, di ko maintindihan kung bakit ako pinagtabuyan ng mga kaibigan ko. Di ko alam kung ano ang nagawa kong mali. Parang kailan lang napakasaya namin."

Dinilaan ni Alexis ang luha ko na tila kinocomfort niya ko.

"Salamat Alexis. Sana tao ka na lang noh? Para may kasama pa din ako at karamay. Ikaw, palagi mong pinaparamdam sakin na mahalaga akong tao."

*knock knock*

"Alessandra, bumangon ka na dyan. Yan lang ba ginagawa mo sa araw araw?!"

Agad agad akong tumayo sa kinahihigaan ko.

"Olivia, wag mo munang istorbohin ang anak mo. Pagod si Alessandra." Narinig kong sabi ni Nanny. Thank you Nanny.

Hanggat maaari, ayoko nang maharap kay Mama. Tuwing nagkakaharap kasi kami, nagaaway lang kami.

Si Daddy naman, kahit nandito siya, nakaharap din siya sa laptop niya at sa mga nagtataasang papeworks niya. Sasabihin lang niya kapag nagaway kami ni Mama, intindihin ko na lang si Mama kasi hindi pa din nakakapagmove on sa pagkawala ni Kuya Lance.

Sino ba ang nakamove on na?

In a while, naisipan ko na ding lumabas. Ayoko man, wala namang magagawa. Hay.

"Hi sweety." Tawag sakin ni Daddy habang nakatingin siya sa laptop niya.

"Hi Dad." Hinalikan ko siya sa pisngi. At naglakad na din palayo. Pero pinigilan niya ko.

"Di mo man lang ba ihuhug si Daddy?"

I gave Dad a hug. "I missed you so much Dad."

"Aw. I missed you more sweety."

Mabuti pa si Dad, kahit papaano napapansin ako.

Enough of the drama.

Sabay sabay kaming kumain. First time since Kuya passed away.

My Demon ButlerWhere stories live. Discover now