My Demon Butler 25

1.4K 39 9
                                    

My Demon Butler 25

A/N: Read between the lines. You might miss something. (^.^)

Author's Point of View

Magkasayaw sila Alexis at Lizzie. Panay ang kwento ni Lizzie pero hindi naman siya pinapansin ni Alexis. Pinagmamasdan lang niya si Ales na kasayaw naman si Duke.

Napansin niya kanina na wala sa mood si Ales dahil napakatipid at walang reaction ang sagot ng dalaga sa kaniya. Pero nainis siya nang lapitan ni Duke si Ales at nang nabalik ang ngiti ng dalaga.

He's really getting into my nerves. Nanggagalaiting isip-isip ni Alexis.

"Is there something interesting about that girl, honey? Is her soul that precious?" Sabi ni Lizzie.

"What do you mean?"

"Well you know, pinagaagawan niyo siya ni Duke. That made me very jealous. Hmp. Two hot demons, fighting for her soul. Tsk. I've got an idea, darling. Bakit hindi na lang ako ang magdevour sa soul niya para wala na kayong pinagaagawan ni Duke Alberts? Kahit hindi siya makipagcontract sakin, there's a r--"

Hinawakan ni Alexis sa batok si Lizzie, na medyo pasabunot sa buhok ng dalaga sa batok.

"Don't you dare lay a finger on her. SHE. IS. MINE." Cool na sabi ni Alexis at tsaka nilayasan si Lizzie.

Pero bago siya tuluyang makaalis, "I can get everything I want, darling. Even her."

Inalis ni Alexis ang kamay ni Lizzie na pumigil sa kaniya at tsaka niya tinitigan ng masama.

"I can easily kill whoever I want."

Papunta si Alexis sa pwesto nila Duke at Ales dahil nakita niya na magkayakap na ang dalawa.

Hanggang sa mapahinto siya sa paglalakad dahil biglang hinalikan ni Duke si Ales.

Oo! Tama kayo ng basa! Kaya nawala sa sarili si Ales dahil hinalikan siya ni Duke.

Ibig sabihin, whaaaa!! Si Duke ang first kiss ni Ales. At unfortunately, hindi si Alexis.

Umusok ang ilong ni Alexis kaya bigla niyang hinila si Ales mula sa pagkakahalik ni Duke at inilayo sa mga tao. Hanggang sa makalabas sila sa mansion ni Lizzie.

Nakatulala lang si Ales habang nakahawak sa labi niya.

Naalala niya kung paano siya hinalikan ni Duke.

Lubdub. Lubdub. Lubdub.

Napahawak si Ales sa dibdib niya dahil sa lakas ng tibok ng puso niya.

'Ganito ako nuon kay Alexis.' Isip-isip ng dalaga.

"Hindi ba sinabi ko na sayo na layuan mo na si Duke, Lady Ales?!" Nataas na ang boses ni Alexis na siyang ikinagulat ni Ales. Dahil ni minsan, hindi siya pinagtaasan ng boses ni Alexis, sadyang ngayon pa lang.

"K-Kaibigan ko siya." Hinawakan ni Alexis sa braso si Ales na siyang ininda ng dalaga. "Alexis nasasaktan ako!"

"Get away from him or else--" Hindi natuloy ni Alexis ang sasabihin niya dahil biglang may sumuntok sa kaniya na siyang dahilan ng pagbitaw niya kay Ales.

"Oiya, Alexis Wilson. Nakakalimutan mo ba na hindi gawain ng mga demon butler ang sigawan at saktan ang master nila?" Nakangiting tanong ni Duke.

Pinunasan ni Alexis ang gilid ng bibig niya na may dugo. At tsaka niya sinugod si Duke at pinagsusuntok.

Si Ales, naiwan lang na nakatulala. Hindi siya makapaniwala na alam ni Duke ang tungkol sa mga demon butler.

"Bakit alam ni Duke?" Tanong niya.

"Isa din ba siyang demon?" Tanong muli niya.

Para na siyang mababaliw. Hanggang sa napaupo siya dahil parang biglang umikot ang paningin niya. Sobrang nahihilo siya kaya't hindi na din niya napapansin ang nag-bubugbugan na sila Alexis at Duke.

Hindi alam ni Ales ang kaniyang gagawin dahil sa sobrang hilo niya na para na siyang masusuka na hindi niya maintindihan. Para siyang pinaikot ikot ng isang daang beses.

Naramdaman niya na biglang may lumapit sa harapan niya. Hindi man niya maaninaw ng mabuti, alam niyang si Lizzie ito.

"Hindi ba ipinaliwanag sayo ni Alexis na oras na mahalikan ka ng isang demon, makukuha niya ang ilang bahagi ng soul mo? Tsk tsk. Poor Alessandra." Sabi ni Lizzie habang hinahaplos haplos pa ang ulo at buhok ni Ales.

"I now own her, Alexis Wilson." Sabi ni Duke na nakangisi pa.

Gigil na gigil na si Alexis at gustong gusto na niyang patayin ito. Ang golden eye niya ay nagtransform na sa red eye dahil sa sobrang galit.

"Wala pa sa 1/4 ang nakuha mo Duke Alberts kaya wag kang magsaya. Hindi ko hahayaan na malinlang mo pa si Lady Ales. Ngayon, alam na niya na isa ka ding demon, alam mo na ang mangyayari. She will definitely leave you." Sabi ni Alexis.

Patuloy sa labanan ang dalawang lalaking demon hanggang sa nawalan na ng malay si Ales. Kaagad na lumapit sa dalaga si Alexis at binuhat ito.

"This is my last warning, Duke Alberts. Pati sayo, Lizzie. Don't you dare lay a finger on her or else I'll kill you at once."

Naglalakad na palayo si Alexis sa kanila habang buhat niya si Ales na walang malay.

"Hindi mo kami mapaglalayo ni Ales. Rember Alexis, I had her at her worst. She just can't abandon me." Pahabol pa ni Duke.

**

Pagdating nila Alexis sa mansion nila Ales ay kaagad silang nilapitan ni Yaya Len dahil nakita niyang walang malay ang kaniyang anak-anakan. Sinabi ni Alexis na nakatulog lamang sa byahe si Ales kaya't binuhat na lamang niya para hindi maabala ang pagtulog ni Ales.

Ibinaba ni Alexis si Ales sa kama. At pinagmasdan.

"I'm sorry, my lady. Hindi kita naprotektahan against that demon. Ayokong sabihin sayo na demon din siya dahil alam ko na siya ang nasa tabi mo noong mga panahon na nagiisa ka. Pangako, my lady, ibabalik ko ang mga kaibigan mo. Malayuan mo lang si Duke Alberts." Sabi ni Alexis habang hinahaplos haplos ang buhok ni Ales.

Kinumutan ni Alexis si Ales at tsaka hinalikan sa noo. Nang makalabas siya ay dumilat na din si Ales. Hindi alam ni Alexis na kanina pa gising si Ales.

Napahawak si Ales sa noo niya. "Duke kissed me on my lips but I haven't feel anything weird. Pero si Alexis, sa noo lang.. pero, *hawak sa dibdib* halos magwala na ang puso ko."

Nagreminisce si Ales. Noong mga panahon na kinukulit siya ni Duke, pag pumupunta si Duke sa kwarto niya para makipagkwentuhan at makipagharutan, noong nakilala niya ang mga ka-team ni Duke, ang pagaaway nila ni Alexis, ang kulitan at awayan nila ni Venice, ang paghalik nito sa kaniya.

"Ni wala siyang bakas ng pagiging demon. So, how come? He's one of a jolly person. Sinabi ko pa naman na malabo maging demon si Duke pero.." Ales sighed. "Mababaliw na ko!" At tsaka siya nagtakip ng unan.

Mabuti na lamang at bakasyon. Hindi niya makikita sila Duke at Lizzie.

Biglang may nagtext sa kaniya. Si Venice. "Nako! Si Venice nga pala! Naiwan! Lagot." Paghyhysterical ni Ales.

Sinagot niya ang tawag at gaya ng inexpect niya, nagwawala si Venice dahil naiwan siya sa party. "Rucel and Ella was here nga pala. They talked to me. Just like the old times. Pero, they're still mad at you. And, damn! For no reason at all! So g-r-r!"

Naalala ni Ales ang sinabi ni Alexis na ibabalik niya ang mga kaibigan niya. Pero paano niya yun gagawin? No one can control one's feelings.

A/N: sorry for the long wait guys.

My Demon ButlerWhere stories live. Discover now