My Demon Butler 26

1.4K 39 12
                                    

A/N: Guys, sorry talaga sa super duper late updates. Medyo matatagalan ako sa paguupdate. Maybe 3 or 4 times a week. Alam nyo na, back to school na. Sana kahit mabagal ang update, support niyo pa din ha?

Eto, bilang pambawi.

~~

My Demon Butler 26

"Anak, bakit ganiyan ang itsura mo? Parang tatlong araw kang hindi natulog." Sabi ni Nanny.

Kaagad naman akong humarap sa salamin and there, I saw myself from the reflection of the mirror, super haggard. Yeah right, hindi ako nakatulog kagabi dahil sa mga nalaman ko. Dahil sa mga nakita ko. At dahil sa mga naramdaman ko. Feeling ko anytime soon ihahatid na nila ako sa mental hospital. Oh my goodness. Bakit ba ganto kagulo ang buhay ko?

"H-Hindi lang po ako nakatulog ng maayos Nanny. Si Alexis?"

"Ah ma'am, maaga pong umalis si Alexis. Sabi po niya kung kailangan niyo daw po siya tawagan niyo na lang daw po siya." -Des

Saan kaya nagpunta si Alexis? Tsk. Bakit hindi man lang yata siya nagpaalam sakin? Hmm. Hayaan na nga. Malaki naman na si Alexis tsaka, kaya na niya ang sarili niya. He's a demon butler after all.

Umupo ako sa dining table at naglagay ng napkin sa lap ko. Habang ang mga maids, nakatayo lang sa gilid ko just in case na may iutos ako.

"Uhh.."

"Po, ma'am? May kailangan kayo?" Tanong ni Des.

"No. Wala." Tumayo ako at pumunta sa kusina. "Ate Luz, nasaan yung mga plates natin?"

"Ito po ma'am Alessandra. Bakit po? May bisita po ba kayo?"

"Wala. Sige, pwede bang pakilabas ako ng four extra plates? Pati na din utensils ha? Thanks ate luz."

Sabay kaming bumalik ni Ate Luz sa dining table. Halata naman na nagtataka sila sa pinalabas kong extra plates, eh wala naman daw akong bisita.

"Upo na kayo." I smiled at them. "Sumabay na kayong kumain sakin."

"Naku, Ma'am Alessandra. Unang una pong sinabi samin ni Madam Olivia na hindi pupwedeng makisalo ang katulong sa amo. Kaya po hindi po namin kayo pwede sabayan sa pagkain. Sa maid's area na lang po kami kakain." Sabi ni Des.

Inalalayan ko sila isa-isa sa upuan nila. "Ano ba kayo, wala naman dito si mama. At tsaka, rules niya yun, not mine. Bata pa lang ako kasama ko na kayo, and you guys are like a family to me. At ang family, sabay sabay na kumakain. Diba po, Nanny?"

Tinanguan ako ni Nanny at pumayag na din sila na sabayan ako sa pagkain.

Mas masarap kasi kumain kapag may kasalo ka, lalo na ang pamilya mo. At dahil wala akong kasama dito sa bahay bukod sa kanila, sila na ang tinuturing kong pamilya. Sayang wala si Alexis. Sana kasama namin siyang kumakain ngayon.

Ano nga kayang ginagawa niya? Naalala ko kagabi sabi niya ibabalik niya sakin ang mga kaibigan ko. Paano naman niya gagawin yun? Malabo. Dahil once nagdecide sila Rucel, hindi na mababago ang isip nila.

Haaayy. I really miss them. Bigtime.

"Hoy Joey! Ako nauna!" Nanggigigil na sabi ni Ate Luz.

"Oi Luz baka gusto mong ipabilang ko sayo kung ilan na ang nakain mong bacon? Aba! Kaya naglalakihan yang mga bilbil mo e, kain ka ng kain." -Kuya Joey

Chineck naman ni Ate Luz ang belly niya na tila ba naconscious.

"Joey, Luz, nasa harap kayo ng pagkain. At nasa harap kayo ni Alessandra." Saway ni Nanny.

My Demon ButlerWhere stories live. Discover now