My Demon Butler 16

1.8K 59 11
                                    

A/N: Alessandra Williams on the side, dears.

~*

Monday na Monday puro negative ang naririnig ko.

~ She's so malandi talaga. Oh my gee!

~ May Duke na siya, ngayon iba na naman?

~ Tss. Unclean.

I sighed. Pero hindi ako nakayuko. As if naman? Edi binaba ko na yung flag ko kapag niyukuan ko sila? Kahit ibully nila ko lagi, taas noo pa din ako.

"Ganito sila palagi? Tss. Dapat pala inagahan ko ang dating para mas maaga kitang naprotektahan." Sabi ni Alexis.

Kasabay ko siyang naglalakad dito sa campus. Dito na siya magaaral, remember? Sakit sa ulo ng mga echoserang palaka. Mga walang magawa sa buhay.

"Hayaan mo sila, Alexis. Kapag pinatulan mo sila, lalo lang sila mattrigger na mambully." Sabi ko.

"Masyado kang mabait, my lady." Sabi niya. Nginitian ko lang siya. Masama bang maging mabait? Siguro nga masyado akong mabait kaya inaapi api ako. Pero, hayaan na lang. Hehe.

Nandito na kami sa classroom. Pagbukas pa lang ni Alexis ng pinto, nakaabang na sa kaniya ang mga blockmates namin. Tulala sila sa kagwapuhan ni Alexis. Kaya hindi na rin napansin na pumasok ako ng room. Pinagkaguluhan ng mga babae si Alexis. Ako, nakaupo lang sa window side. Wala pa si Venice at tsaka si Duke eh.

Sila Rucel tsaka Ella? Hay. May sarili na talaga silang mundo.

Next week, finals na. Meaning, end of the first semester na. Kailangan ko ng bumawi. Kailangan kong mabalik ang first place sakin. Para atleast, mapanatag ang loob nila Daddy. Lalo na ni Mama.

Ipinakilala ng prof si Alexis sa klase. Yuck. Maski si Mrs. Degala, may asawa na't anak, kinikilig pa. Kaderder.

Kumindat si Alexis na nakita ng buong klase na naging cause ng hiyawan ng mga kababaihan at inis ng mga lalaki. Pero iba sa mga lalaki, mangha din sa taglay na kagwapuhan ni Alexis.

Nakakatunaw ang kindat ni Alexis.

"Whaaaa! Ales! Ales! I am melting!" Nakaluhod na sabi ni Venice habang nakakapit sa braso ko. Nandito na pala siya sa room. Nasa tabi niya si Duke.

Ang pwesto namin from window side, ako - Alexis - Venice - Duke. Hindi pwedeng pagdikitin sila Alexis tsaka si Duke kasi palaging nagaaway.

Nothing new. Nagbigay lang ng mga pointers ang prof para sa rereviewin sa finals. Almost done na din kasi ang mga topics. Nagtatapos na lang ng mga requirements para sa pagtatapos ng sem.

Lunch, magkakasama kaming apat. Syempre, hindi pwedeng mahiwalay sakin si Alexis.

"Ales, anong gusto mo? Ikukuha na kita." Sabi ni Duke.

"Cordon bleu.. na.. lang." Paslow motion kong sabi kasi nalapagan na ko ni Alexis ng rice with cordon bleu.

My Demon ButlerWhere stories live. Discover now