My Demon Butler 4

2.1K 67 12
                                    

Hello to Minrin! This is dedicated to you kasi ikaw ang first liker sa facebook page ng My Demon Butler. Thankyou!

--

Weeks passed. Naging maayos naman ang buhay ko nung mga nakaraang linggo. Si Alexis ang nagiging hingahan ko ng mga sama ko ng loob. Kung naaabsorb ni Alexis yun? Malamang balot na balot na siya ng itim na aura.

Weird lang kasi these past few days may napapanaginipan ako. Isang gwapong lalaki na nakablack suit. "Yes, my Lady" ang palagi kong naririnig sa kaniya.

At dahil weekends ngayon, maghapon na naman akong nakatengga sa bahay. Di naman kasi ako pala-labas. Di rin ako pala-gimik.

"Uuwi ang mang daddy mo sa isang araw, Bunso." Sabi ni Nanny habang umiinom ako ng milk.

Napahinga ko ng malalim, "ganun po ba."

Last night tinawagan ako ni mama at sabi niya, "pagbalik ko maguusap tayo Alessandra." Sa tono pa lang ng pananalita niya, malamang papagalitan niya ko. Wala naman akong ginawang masama. Nasusunod ko naman yung mga gusto nila pero ano kayang sasabihin sakin ni mama.

Yung mga yun kasi yung tipo ng magulang na kakausapin lang ako kapag papagalitan ako.

*message alert*

From: Rucel Mae :) 

Bihis ka ngayon na. Sunduin ka namin.

To: Rucel Mae :) 

Ha? Anong meron?

 

From: Rucel Mae :) 

Wag kna magtanong! Bihis na!

Tss. PMS na naman si Rucel. Kokonyatan ko yun eh. Sungit. Saan naman kaya kami pupunta? E wala naman kaming naging plano kahapon ah.

Nagulat ako sa pagkalabog ng pinto. Sila Rucel ang pumasok, "hoy babae!! Diba sinabi ko sayo magbihis ka kaagad?!" At tsaka niya hinablot ang damit ko at pinaghuhubaran.

Syempre.. Imagination ko lang yun. Bwahaha. Ganun kasi maghallucinate si Rucel. Baliw yun eh. Promise, pagka-graduate namin, siya ang unang una kong gagamutin. Retarded na eh.

*beep* *beep*

My Demon ButlerWhere stories live. Discover now