My Demon Butler 20

1.5K 49 12
                                    

A/N: Bakit wala po yatang feedbacks sa previous chapter? Uwaaa! Nakakalungkot naman.

--

"Wag kang madaya, Lady Ales. Bawal sabi sumilip eh."

"Eee! Baka malaglag kasi ako!"

"Sasaluhin kita."

Lubdub. Pag nafall ba ko Alexis, sasaluhin mo ko? Whaaa! Ano ba tong naiisip ko? Lubdub.

"Tss. Pag sinalo mo ko pareho tayong gugulong."

Pababa kasi kami ng hagdan ngayon. Nakaka 3 steps pa lang kami. Sabi kasi ni Alexis pikit lang ako. E di ko naman mapigilan na hindi sumilip kasi baka bumalentong ako dito sa hagdan. Nakakahiya kay Alexis.

Hawak niya ang dalawang kamay ko. Inaalalayan nga kasi niya ko. Pero, ugh! Parang may kuryente kasi eh. Ang soft pa ng kamay niya, parang kamay ng babae.

"Tsk, bukas pa tayo makakarating niyan Lady Ales eh."

Naramdaman ko na binuhat ako ni Alexis na parang prinsesa. Syempre ako, nakakapit sa kaniya. Actually, halos nakadukdok na nga yung mukha ko sa leeg niya.

"Don't peek." Sabi ni Alexis.

Pero, eeeeh! Siya lang titignan ko, promise! Saglit lang.

( ~.^)

HOMAYGAD!! Alessandra, hinga.

Inhale. Exhale. Inhale. Ex--

Dios ba siya ng kagwapuhan?! My goodness! Bakit napaka-breathtaking ng kagwapuhan ni Alexis?! Masyado tuloy akong na-aattract sa kaniya! (*u*)

Si Kuya lang ang gwapo eh. Pero, Kuya sorry.. mas gwapo sayo si Alexis. HEHE!

"Lady Ales, baka matunaw naman ako niyan."

Feeling ko nagakyatan yung dugo ko papunta sa ulo ko.

"F-Feeling mo naman.."

He smiled. Sht. He's beyond beautiful. Sa simpleng smile niya lang na yun, nahu-hook ako. Napapa-sht tuloy ako. Bakit ba kasi napakagwapo niya eh. Kung pwede lang takpan yung mukha niya ng plastic ginawa ko na e. Wag lang ako maghysterical ng ganito.

Nang makarating kami sa baba, tinakpan na ni Alexis ang mata ko gamit ang kamay niya. Daya ko daw kasi eh.

Pagtanggal ng kamay niya,

*sabog confetti*

"Happy birthday Ma'am Alessandra!" Bati sakin ng mga maids at ng driver na si Kuya Joey.

"Happy 18th birthday anak. Dalaga ka na.. parang kelan lang noh?" Sabi ni Nanny. Niyakap ko siya.

"Thank you Nanny."

Dinala nila ko sa sala at pinaupo sa sofa. Nagplay sila ng CD at-

"Nakakahiya," nakayuko kong sabi. Nagcompile sila ng video ko simula baby ako hanggang ngayon. Ang cameraman? Si Kuya.

Nung nagswimming kami ni Kuya sa inflatable pool ba makailang ulit akong nagkandasaldak saldak.

Naglalaro kami ni Kuya sa snow sa England. Na halos mapaiyak ko na si Kuya kasi panay bato ko sa kaniya ng snow. Pero hindi siya nagagalit sakin. Ginawan pa nga niya ko ng snowman.

Marami e. Maraming captured moments samin ni Kuya. Hay. I missed him tuloy.

The last video he recorded. My 17th birthday. I never thought na it would be my last birthday with him.

After watching the video, nagkaron kami ng konting kainan. Nageffort pa sila para ipaghanda ako. Ang sweet naman nila.

"Ay ma'am, may gift po kami senyo." Sabi ni Des.

May nilabas sila na malaking frame.

"Wow," sabi ko nang makita ko kung ano yung nasa frame.

"Tulong tulong po kaming gumawa niyan para po sa inyo ma'am. Sana nagustuhan po ninyo. Pasensya na yan lang po nakayanan namin." Sabi naman ni Ate Luz.

"No, I like it. So much," nangingilid ang luha ko. Kainis tong mga to, pinapakilig ako. Haha.

Ang cute kaya. Cartoonized version ng family namin. Sila Daddy at Mama. Kasama si Kuya. Si Nanny, Des, Ate Luz at Kuya Joey. Syempre, di nila nakalimutan si Alexis na nasa tabi ko sa sketch.

Simple pero naappreciate ko yung effort nila, sobra.

"Si Alexis ang nagayos ng lahat ng to anak." Bulong sakin ni Nanny.

Napatingin ako kay Alexis na pinagkakaguluhan nila Ate Luz. Pantasya din kasi nila si Alexis. Mga single naman sila kaya walang problema. Hehe.

Pagtapos ng maliit na celebration, bumalik na ako sa kwarto ko, kasama si Alexis.

"Salamat Alexis ha."

"Warm up pa lang yun, my lady."

May isinaksak na flash drive si Alexis sa flatscreen TV ko at may nagplay.

"Kuya.." I said.

"This was taped before he was gone."

Di ko na napigilan ang luha ko. Kung pwede lang yakapin ang TV para mayakap ko si Kuya, ginawa ko na.

*Lance Williams singing Happy Birthday*

"Bunso, siguro wala na ko kapag napanuod mo to. Nasa katawan na siguro ko niyang evil Alexis na yan. Pero, payag ako na gwapo siya kaysa sakin. Kita mo naman diba? Gusto lang kita batiin ng Happy 18th Birthday. Dalaga ka na. Sorry, wala ako jan para magcelebrate. Ako sana ang last dance mo. Sorry Bunso. I have to do this. For you. Mahal na mahal kita Bunso. Lagi mong tandaan, kapag down na down ka na, isipin mo lang ang mukha ng gwapo mong kapatid, mawawala yang stress mo." He laughed. God, I miss Kuya's laugh. His smile.

Lalo na ang pagiging conceited niya. Ever conceited! (-.-")

"Kapag namimiss mo ko, hug mo lang si Alexis. Mararamdaman mo ko. Wala naman akong dapat ipagalala dahil ang tulad ni Demon Alexis, hindi marunong magmahal. Alam kong crush mo siya, pero basted ka na Bunso. Wahahaha," he laughed again.

"Kapal mo Kuya! Di ko crush si Alexis!" Sagot ko na para bang maririnig ako ni Kuya.

Pinanuod ko lang ang VTR ni Kuya. Kung kelan naman maiiyak na ko, tsaka naman siya bumabanat ng puro kalokohan. Hay, I miss himmm!

Umiiyak ako, pero masaya ako. Umiiyak ako dahil hanggang sa huling hininga ni Kuya, ako ang nasa utak ang puso niya. He is such a great brother. Wala ng mas hihigit pa sa kaniya.

Alexis spread his arms. "You can hug me if you want to, my lady."

Niyakap ko nga siya. Grabe, ang macho neto. Yumyum.

(O_O)

Did I just say, yumyum?! Ohmygulay! Nahahawa na ko sa kamanyakan ni Venice.

"Happy birthday, my lady."

Bati niya sakin sabay--

HOMAAAAYGAAAAAAWDD! BREATHE ALESSANDRA, BREATHE!! @.@

A/N: Oiya, oiya? Ano kayang nangyari kay Ales? Bakit napa-homaygad siya at bakit parang hindi na siya makahinga.

Pansin niyo ba na ang super sweet ni Kuya Lance? Well, panganay kasi ako and I have two younger sisters. And I want an older brother so much! Hihi. Pansin niyo din sa Forever Your Babylove diba? Sa mga di pa nakakabasa, finished work na po siya.

Vote and comment po dears.

My Demon ButlerWhere stories live. Discover now