My Demon Butler 27

1.4K 52 6
                                    

My Demon Butler 27

Author's Point of View.

Sabay na naglalakad sila Ales at Duke pauwi ng bahay nila Ales. Masaya silang nagkwekwentuhan na para bang normal lang ang lahat. Na parang hindi nalaman ni Ales na isa ring demon si Duke, at pati na din ang pag-amin ng binata sa feelings nito sa kaniya.

Nirequest ni Duke na maglakad na lang sila pauwi para mas mahaba pa ang oras nila na magkasama.

"Lady Ales."

Napahinto sa pagtatawanan at pagkwekwentuhan nang marinig si Alexis na nakatayo sa harapan nila.

"A-Alexis?" Medyo natakot si Ales sa itsura ni Alexis. Seryoso lang kasi ito at walang emosyon. Nakapako lang ang nakakatakot niyang mata kay Duke.

Nagtataka si Alexis dahil alam na ni Ales na isa ding demon si Duke pero hindi niya ito iniwasan. At hindi rin lingid sa kaalaman ni Ales na habol ni Duke ang soul ni Ales. Nagtatanong siya kung bakit hindi siya nilalayuan ni Ales. There's more, nakikipagtawanan pa si Ales sa demon na hinahabol ang soul niya.

Napansin ni Ales na may namumuo ng tensyon sa dalawang binata dala lamang ng pagtititigan nito. Kaya't minabuti na ni Ales na lumapit kay Alexis. Inangkla niya ang kamay niya sa braso ng butler.

"Sige na Duke, sabay na kami ni Alexis. Salamat sa paghatid ha. Ingat ka." Nakangiti ngunit kinakabahan na paalam ni Ales.

"Alright, my princess." Sabi ni Duke pero kay Alexis pa din siya nakatitig. Nakapamulsa pa siya. Kyaaaa~ ang cool talaga ni Duke. "Don't you dare do weird things to her or else I'll definitely kill you."

"Hindi mo ko kailangang pagsabihan dahil mas delikado ang buhay niya kapag ikaw ang kasama niya." Sabi ni Alexis in his super duper cool way!

Whooo! *punas pawis* Bakit ba ang gwagwapo ng mga demon butler na to? Kung ako si Ales, gagawin ko na lang silang butler pareho para solved ako everyday. Kaso, hindi malandi si Ales kagaya ko. Lewl.

"Hindi nga siya mapapahamak kapag kasama ka. Pero, ikaw ang tigreng nakaantabay sa usa."

Lalong nababalot ng itim na awra ang paligid nila Ales dahil sa sagutan ng dalawang lalaki.

"Alexis," napatingin si Alexis sa maamong mukha ni Ales na para bang nagmamakaawa na. "Uwi na tayo." Bahagyang ngumiti si Alexis na siyang ikina-stun ni Ales. Hindi lang iyon, napahawak pa siya sa dibdib niya ng hindi niya namamalayan. Masyado siyang nawala sa sarili dahil lang sa isang ngiti ni Alexis.

'Oh good lord! Bakit po ba parang nagwawala ang puso ko everytime na ngingitian ako ni Alexis? Shocks!' Isip isip ni Ales habang naglalakad sila ni Alexis.

*Kruuuuuk~*

Napatingin si Alexis kay Ales.

"Hihi." Nahihiyang ngisi ni Ales.

"Hindi ka pa kumakain?" Kaagad namang umiling si Ales. "Sinasabi ko na nga ba hindi ka aalagaan ng isang yun. Malapit naman na tayo sa bahay, Lady Ales. Ipaghahanda kita kaagad ng makakain."

"Ayoko," napakunot ng noo si Alexis. "Ayoko sa bahay kumain. Samahan mo na lang ako, may gusto akong kainan. Pwede?"

"H-Ha?" Naaalangan ang sagot ni Alexis dahil nadidistract siya. Bakit? Hawak lang naman ni Ales ang dalawang kamay ni Alexis at nakapatong ang baba ng dalaga sa pagitan ng kamay niya. Parang batang nagpapacute. "Of course, my lady."

"Yey! Lakad na lang tayo ha? Para maexercise." Halos wala ng mata si Ales dahil sa sobrang ngiti niya.

Naunang maglakad si Ales na parang batang nagha-hop pa. Naiwang nakangiti si Alexis at napailing pa. "Such a lovely lady."

My Demon ButlerWhere stories live. Discover now