My Demon Butler 23

1.5K 41 17
                                    

Author's Point of View

Nakasimangot si Ales dahil nga may umeksena sa moment nila ni Alexis. Si Lizzie Abella.

"If I'm not mistaken, you hate crowded places right?" Tanong ni Lizzie na siyang tinanguan ni Alexis. "Then how come you're here?"

"Can't you see? I'm with my lady, Lizzie."

,

"Oh," sabay tingin ni Lizzie kay Ales na para bang ngayon lang niya nakita. Halos umusok na din ang ilong ni Ales dahil sa pangiinis na ginagawa ni Lizzie sa kaniya. Siya ang numero unong kontrabida sa buhay ni Ales.

Ibinalik ni Lizzie ang paglingkis niya kay Alexis. Halos silang dalawa na lang ang magkasama. Si Ales? Feeling niya alalay na lang siya nung dalawa. Aba! Siya ang master ni Alexis, dapat hindi niya nararamdaman na para siyang alalay noh.

Pumunta silang tatlo sa La Pierre para kumain. Still, pinagsisilbihan ni Alexis si Ales kahit na napaka-epal ni Lizzie.

Habang kumakain, sinusubuan pa ni Lizzie si Alexis, pinaghihiwa ng steak at kung anu-anong pagsisilbi. Feeling asawa ba.

Para silang love triangle. Si Alexis, pinagsisilbihan si Ales. Si Lizzie, pinagsisilbihan si Alexis. Sila Lizzie at Ales na parehong may gusto kay Alexis.

"I can manage, Lizzie. Kumain ka na." Sabi ni Alexis.

Napansin niya si Ales na medyo nahihirapan sa paghiwa ng steak.

"My lady, ako na." Kinuha niya ang plate ni Ales at tsaka pinaghiwa ng steak.

Si Lizzie, halos maputol na ang hawak na spoon and fork sa sobrang inis. Isip isip niya, lahat na lang ay inaagaw ni Ales: ang first place, tapos ngayon si Alexis. Nadagdagan pa ang poot niya kay Ales.

Pero syempre, hindi siya papatalo. "Uhh, Alexis.." Lizzie called in her oh-so malandi tone! "May whip cream ka sa labi." Nakuha ni Alexis ang whip cream dahil sa dessert nila. Pupunasan na sana ni Alexis ng tissue pero pinigilan siya ni Lizzie. "Let me." She leaned forward towards Alexis' face and licked the whip cream.

Nanlaki ang mata ni Ales sa nakita niya. Hindi siya makapaniwala na napaka-daring na babae ni Lizzie. Daig pa nito si Ella na laking America.

She's really unbelievable, isip isip ni Ales habang mahigpit ang hawak sa kutsara at medyo nanginginig dahil sa inis. Paano naman kasi? Halos maglips to lips na sila dahil sa gilid ng labi ni Alexis nakakalat ang whip cream!

"CR lang ako." Paalam ni Ales. Hindi man sumagot ang dalawa pero tumuloy siya sa pag-alis.

Pagdating niya sa CR kaagad siyang humarap sa salamin at huminga ng malalim.

"Chill Ales, chill. Bear with it. Ok?" Pinapakalma niya ang sarili niya. Pero paulit ulit lumalabas sa kautakan niya ang scenario kanina. Kaya lalo lang siyang naiinis.

Tinawagan niya si Venice.

"Veeeen!"

"Ouch ha. Sakit sa tenga. Why Ales?" Sagot ni Venice mula sa kabilang linya.

"E kasi.. Kasi.. Ano. Eh.. Whaaaa Venice!!"

"Bakit ba? Ay, nakakaloka ka te ha! Why ba kasi? Tsaka, kelan ka pa naging abnormal magsalita?"

"Si Lizzie kasi."

"Bakit? Ano na naman ginawa sayo ng bruhildang palaka na yun?"

"S-She almost kissed Alexis."

"WHAAAAATT?!!" Inilayo ni Ales ang cellphone sa tenga niya dahil sa sigaw ni Venice mula sa kabilang linya. "I'm coming, hintayin mo ko dyan! Sasabunutan ko yang bruha na yan hanggang sa mapanot!"

My Demon ButlerWhere stories live. Discover now