My Demon Butler 9

1.8K 53 10
                                    

Hello! *kaway kaway* Sorry wala akong update kahapon, nagswimming kasi eh. BEAT THE HEAT! :">

Omo. Unti unting nawawala ang feedbacks ng My Demon Butler. Waley na ba? Aww.

--

"ALEXIS!!"

*MEEOOOWWW!!*

Ay. Nagulat ko si Alexis na natutulog bago ko isigaw ang pangalan niya. Kaya binuhat ko siya at hinimas.

"Alexis, yung lalaki kagabi. Nakita mo ba siya? Yung nagligtas sakin dun sa dalawang pangit na rapist?"

*meooww*

"Siya yung napapanaginipan ko palagi. Siya yun, Alexis!"

Di ako makapaniwala na nameet ko ang taong nasa panaginip ko. Sino kaya siya? At ano ang role niya sa buhay ko?

Hayy. Papasok nga pala ko ngayon. Parang nawawalan na ko ng gana pumasok. Ano pang use? Para makipagcompete kay Lizzie? Para pagtabuyan nila Rucel? Para mabully? Hayy.

Pero walang magagawa. Kailangan kong pumasok para matuwa naman sakin si Mama.

Pagtuntong ko pa lang ng Austin, nasa akin na ang mata ng mga estudyante.

Para akong kriminal kung tignan nila. Para kong may ketong kung i-despise nila.

Di ko alam kung ano ang ginawa ko sa kanila para magalit sakin. Nananahimik naman ako. Wala naman akong tinapakan sa kanila.

"Alessandra." Tawag sakin ng lalaki.

"Duke?" Napatingin ako sa paligid ko. At gaya ng inaasahan ko, pinapatay na naman ako ng mga kababaihan sa isip nila.

"Wow. Kilala mo ko? Nakakaflatter naman. Kilala ako ng nagiisang Alessandra Williams."

Napakunot ang noo ko. Kilala ko siya sa pangalan. Actually, the whole time na nagaaral ako dito sa Austin, ngayon ko lang siya nakausap.

"Tara, sabay na tayo pumasok (^.^)"

"Ayoko. Bye," at saka ko siya nilayasan.

Naramdaman ko na patakbo niya kong hinahabol, "ui Ales! Intay naman! Sabay na tayo! Magkaklase naman tayo e!"

Huminto ako bigla. "Aray!" Sabay naming sigaw.

Napahawak ako sa ulo ko.

"Bigla bigla ka kasi huminto. Sorry. Hehe." Sabi niya with a wide smile. Nung huminto kasi ako, nabangga siya sakin. Kaya nauntog ang baba niya sa ulo ko.

Hinarap ko siya, "call me whatever you want. Just don't call me Ales." Cold kong sabi.

He smiled, "then I can call you MINE?"

"Tss. Crazy guy." I hissed at tsaka na naglakad papunta sa klase ko. Sinabayan pa din niya ko. Gaya nga ng sabi niya, magkaklase kami.

"Baliw sayo," nakangiti pa din niyang sabi.

Hinayaan ko na lang siya. Bahala siya sa buhay niya. Mentras pansinin ko kasi ang isang to, lalo lang mangungulit.

Si Duke Alberts. Sa pangalan pa lang mukhang foreigner na diba? Yes. He's an English too. Star player of Austin University's basketball team. First year - AB Psychology Section B. He's an independent man, he's living alone at meron siyang minamanage na bar.

Di niya ko stalker. Nalaman ko lang ang lahat ng yun kasi ultimate crush siya nila Ella at Venice.

Hayy. I miss them.

My Demon ButlerWhere stories live. Discover now