STDS [39]

179K 2.6K 213
                                    

Maaga akong nagising pero hindi makatayo dahil sa malaking bagay na nakadagan saakin.. or rather, malaking tao.

Tinignan ko yun, at isa palang.. little cute devil. Mukha sana syang anghel pero traydor ang kilay nya. Napakasexy ng hubog nito para lang magmukha syang inosenteng lalaki. Mas mukha syang hot devil. Nakalimutan ko, Isa syang sexy beast.

Napangiti na lang ako. Hmm.. bakit kasi ang gwapo nya? Pinisil ko ang ilong nya. Nakita kong kumunot yun. Tulog mantika. Tsk. tsk.

Pinisil ko ulit ang ilong nya at bigla syang nagsalita.

"Ano ba.. Stepph.. Isa pa.." Banta nya saakin. Natawa naman ako, gising naman na pala.

Sinubukan kong tanggalin ang braso nyang nakayakap sa bewang ko. "Kris, tatayo ako." Sabi ko. Ayaw nya kasing tanggalin.

"Maya na.." He said while his eyes are tightly shut.

"Tsk. Mauuna na kasi ako." Pagpilit ko. Pero sino nga ulit to? Sya pa? Ang sasabihin nya ay masusunod.

After 10 minutes.. hindi parin sya bumabangon. Nakasandal na ako ngayon sa headboard ng kama at nakatingin lang sa gwapong mukha nya na nakadukdok sa unan. Medyo nakadapa kasi sya kasi nga nakayakap sya saakin.

Hinaplos ko ang malambot nyang buhok. Napakagwapo. Paano nagkakaroon ng ganitong kaperpektong nilalang? Well, hindi nga pala binibigay ang lahat sa isang tao. Kaya siguro kabaliktaran ng itsura nya ang ugali nya.

Pero kaya ko kaya syang mabago? Kaya ko bang baguhin ang isang Kris Jimenez?

Pangatlong araw na namin ngayon. May mangyayari pa kaya sa mga susunod na araw? Pasalamat nga ako kasi may mens ako. Pang-apat na araw ko na ngayon at mahina na. Baka sa isang araw o bukas lang wala na to.

Narinig kong umungol si Kris kasabay nun ang pagdilat ng mapupungay parin nyang mga mata.

"Tsk. Kanino pa kita hinihintay na magising!" Reklamo ko sa kaniya.

Nakita kong ngumisi sya at tinignan ako. Kinurot nya ang ilong ko. "You're my slave, you'll do whatever the hell I want." Tapos tumayo sya.

Sumimangot na lamang ako.

"Mag-ayos ka na, may pupuntahan tayo." Sabi nya at tumayo na ng tuluyan.

***

"Saan tayo pupunta Kris? Hindi ba tayo magaalmusal?" Tanong ko habang sinusuklay ang basa kong buhok. Nakasuot ako ngayon ng brown three-fourth top at tokong.

"Tsk. Napakadami namang tanong!" Nababagot na sabi nya. Napasimangot na lang ako. Talaga naman oh.

Napatingin ako sa pinto nang may biglang kumatok.

Tinignan ko si Kris na mukhang walang pakialam sa kumakatok. Ako na ang naglakad at tinignan kung sino.

Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko ang isang maliit na babae na naksuot ng off shoulder top at mini skirt. Take note! Micro mini skirt. Napakakapal ng make up nya. Sino pa ba? Edi si Gail.

Kung ngiting ngiti sya nang buksan ko ang pinto, sumimangot naman sya nang makita ako.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko. Hindi naman naiirita ang boses ko, pero halata paring walang gana makipagusap.

"Si Kris, naandito sya?" Tanong nya. Nakakatawa lang na sobrang maliit sya at kailangan nya pa akong tingalain. Hindi naman sya bata dahil matured na ang itsura nya, hindi lang talaga napagkalooban ng height.

"KRIS!!" Sigaw ko. Kasi sya naman ang tinatawag eh. Alangan naman na itago ko sya dito? Possessive lang?

"Tsk! Ano yon?" Tanong nya at nang mapatingin sya kay Gail ay napairap sya. "Kid, how many times do I need to tell you?" Naiiritang nilapitan ni Kris si Gail.

Stephanie, The Devil's SlaveWhere stories live. Discover now