Chapter 36

184K 2.9K 404
                                    

Tumalikod ako kay Steph. Masakit, lalo na nung hindi nya ako sinundan. It's funny that I stopped her from breaking up with me by avoiding her.. tss..

"Max, stop that.." Pigil saakin ni Mariel.

Hindi ko sya pinansin at uminom ulit ng alak. Hindi ko matanggap na nawawala na. Na unti unti nang nawawala ang pagmamahal nya.

"Max ano ba?! Tumigil ka na.." Utos nya saakin.

Naramdaman kong niyakap nya ako mula sa likod ko. I heard her sobbing. "Ano ba? Dahil na naman ba sa kanya? Dahil na naman ba kay Steph?"

I sighed and removed her hands from me. Bakit sya umiiyak? "Hayaan mo na lang ako. Kahit na ngayon lang." I said in a very low tone. I'm not in the mood to explain things to her.

"Pero Max, hanggang kelan? Lagi na lang! Naman naman kasi eh! Lagi na lang 'yung Steph na yan na wala namang ginawa kundi yang saktan ka! Can't you see? Wala naman syang ginawang maganda--"

Hindi nya naituloy ang sasabihin nya dahil tinapunan ko sya ng masamang tingin. Wala syang karapatang sabihan si Steph nyan. Isa pa, sino ba sya? Kaibigan ko lang sya.

"Wag mo syang sasabihan nyan. Hindi mo sya kilala. Kaibigan lang kita Mariel, wala ka ng pakialam sa mga ginagawa at gagawin ko." Tumingin ulit ako sa iniinom ko at ini-straight yun. Nahihilo na ako.

"Siguro nga kaibigan lang ang tingin mo saakin, pero ako Max hindi.."

Stephanie Mae Sanchez' POV

"A-ano?" Gulat na tanong ko kay Kris. Malinaw na saakin pero hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang itanong muli.

Napahawak sya sa sentido nya. "..Just leave please. Matulog ka na." Sabi nya at pumasok sa CR ng kwarto nya.

Napaupo ako sa kama. I can't believe it.. Nahulog saakin si Kris? Dapat bang maniwala ako? At anong plano ba ang sinasabi nya? Masydado na akong naguguluhan.

Maya maya lang ay lumabas na ako ng kwarto nya at tumuloy sa kwarto ko. Dalawang kwarto ang pagitan ng kwarto ko at ni Kris.

Nang makapasok ako sa kwarto ko, nagpalit na lang ako at humiga. What should I do? Masyado na akong naguguluhan. Masyado nang.. hindi tama ang mga nangyayari. And si Max.. I sighed. How could I do something kung hindi ko na alam ang nararamdaman ko?

Nakatulog ako sandali dahil sa pag-iisip at nang magising ako, quarter to 7 na. Naramdaman ko bigla ang gutom kaya bumaba ako.

Si manang ang naabutan ko sa baba at wala si Kris. "Oh hija, kumain ka na. Naghanda na ako." Masayang sabi saakin ni manang Lucy.

Ngumiti na lang din ako. "Kayo po ba?" Magalang na tanong ko.

"Sige, katatapos ko lang kumain."

Hindi pa ako nangangalahati sa pagkain nang naramdaman kong nagvbrate ang phone ko. Si Kris lang naman ang nakakaalam ng number ko sa ngayon kaya sya lang siguro ang magte-text saakin.

From Kris:

Don't skip dinner. Hindi ako makakauwi ngayong gabi. I have some important matters to do.

Okay.. why is he texting me like this? I hit reply.

To: Kris

You too. :)

Nagkibit balikat ako dahil hindi ko alam ang dapat sabihin sa kanya. Pagkatapos kong kumain ay naligo ako at nanuod lang ng TV hanggang sa matapos ang pinapanuod kong movie. Nasaan kaya si Kris? Bakit kaya hindi sya makakauwi?

Minabuti kong matulog na lang. Tinignan ko muna kung nakalock na ang lahat ng pinto, baka kasi hindi pa, dahil tulog na si manang.

Pag-akyat ko, pinuntahan ko ang kwarto ni Kris. Gusto ko lang punatahan dahil baka may nakalimutan ako.

Stephanie, The Devil's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon