Chapter 22

207K 2.3K 142
                                    


Halos ilang oras na din kami sa byahe at sobrang nabo-bored na ako. Plus hindi pa ako makakilos na maayos dahil nakapagitna ako sa dalawang lalaki.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong ikilos dahil baka pagalitan ako bigla ni Kris. Gising sya at naka-earphones lamang habang nakatingin sa labas ng bintana. Hindi nya ako pinapansin, hindi ko din naman sya kinakausap.

"Steph, picture tayo." Aya ni Blue saakin. Ngumiti na lang din ako. Gamit nya ang phone nya.

Matapos ang dalawang shots, tinignan namin ang itsura namin.

"Damn, bagay tayo dito! Hahaha!" Tapos tumawa sya. Napatingin naman si Ethan na nasa harapan namin pati narin si King. Tapos tinignan nila si Kris.

Hindi naman 'yon napansin ni Blue dahil tinitignan parin nya ang picture namin. Tinignan ko si Kris at umayos sya ng upo bago matalim na tinignan ang mga kaibigan nya.

"Ano?!" Inis na sigaw ni Kris kila Ethan. Sila Ethan naman ay natawa at dumila pa si Kris. Pati tuloy si Blue napatingin.

Walang katabi si manong Ben sa harap si Stanley kasi lumipat sa tabi ni Ethan na nasa harap namin. Sya lang ang tahimik.

"Sama ka Kris." Tapos hinarap ulit ni Blue ang camera, saaming tatlo naman. Ang vain.

"TSK! 'Wag nyo nga akong isama dyan!" Naiiritang sabi ni Kris. Hala. Sinigawan nya si Blue.

Mukhang sanay naman si Blue kay Kris kaya hindi na sya nagulat, natawa pa nga.

"Pft-- Haha! KJ eh."

"Haha! Bagay na bagay sa kanya pangalan nya." Tapos nagtawanan silang lahat. Nakakatawa si Kris kasi sobrang pikon nya.

Nilagay nya ulit ang earphones sa tenga nya at hindi na ulit namansin. Nagkukulitan kami ni Blue habang kain kami ng kain.

"Steph ang takaw mo naman. Ikaw lang ata umubos." Sabi ni Blue tapos tumawa. "Tignan mo nga 'yang tyan mo." Dagdag pa nya sabay tumawa ulit.

Nagtawanan din sila King. Hinampas ko naman si Blue! "Hindi pa naman ako mataba ah!" Sigaw ko sa kanya.

"Sus. Hindi daw. Parang buntis ka na nga eh."

Nung una nagtawanan pa sila Ethan pero bigla silang natahimik. Si Lyn nga lang 'yung naririnig kong nagsasalita eh. Problema nila?

"May kumakain sa loob ng tyan nya eh." Sabat ni Stanley. Mahina lang ang pagkakasabi nya na parang wala pa sa loob habang nanunuod ng something sa phone nya.

May kumakain sa loob ng tyan ko? Teka? Diba pag buntis 'yun? Grabe naman ata sila. Ganun na ba ako kataba?

"Gago. Bwahaha!" Binatukan ni King si Stanley. Parang may pinag-uusapan sila sa mga tingin nila eh.

"Sht, King!" Bigla namang yumuko si Stanley at may kinuha sa baba. Tapos binato nya si King ng sapatos.

"Tangina 'yan Stanley oh!" Sigaw ni King habang pinapagpagan ang ulo nya. "Fck you ka." Sabay kuha din nya ng sapatos na nasa lapag na at binato si Stanley pabalik.. kaso..

"FCKING SHT." Madilim na sabi ni Kris. Sya kasi ang tinamaan. Lagot sila. Naririnig ko pa ang maliliit na tawa nila na parang nagpipigil. Tapos biglang tumawa si Stanley ng malakas. Hala.

Isa pa si Kris. Akala ko pa naman nagalit sya kanina, 'yun pala, sya pa ang nagsisimula ng shoe war! Tapos 'yung sapatos nya pa, pinaamoy saakin! Arg! Ang inosente ko pero nasali pa 'ko!

Pahinga na kami-- I mean sila ngayon at medyo malapit na daw sa airport. Tahimik lang kami at nagkakainan. Kami naman ni Blue puro picture. Nahawa ata ako sa kanya.

Stephanie, The Devil's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon