Chapter 1

405K 4.4K 172
                                    

"You look so hot.." Bulong n'ya habang nakatitig saakin. Nakatitig sya sa katawan ko at kitang-kita ko ang pagnanasa n'ya.

Tumigil ako nang ilang hakbang nalang ang lapit ko sa kanya.

Napatingin ako sa katawan n'ya. Ang laki, kayang-kaya nya akong tirisin kung ikukumpara ang katawan ko sa kan'ya.

May iba pa namang paraan diba? Ang sinabi n'ya kay Tessa ay kukuhanin n'ya ako bilang kasambahay sa bahay pero s'ya na ang bahala sa'kin. Ang buong akala ko ay totoo ang mga sinabi n'ya. How naive of me. I knew Tessa had an issue with him, and all she could do was bribe him and sell me to him.

Naalala ko ang mga pinagusapan namin.

Nandito si mama--- Tessa, hindi ko pala dapat sya tawaging mama. Anong klase syang ina? Kahit hindi nya ako tinuring na tunay na anak, tinuring ko pa rin sya bilang tunay kong ina. Ginalang ko sya at minahal kagaya ng pagmamahal ko kay mama noong nabubuhay pa sya.

"Oh, paano? Ikaw na ang bahala d'yan, masipag naman 'yan, magagamit mo." Sabi ni Tessa kay Kris.

Ramdam ko ang tingin n'ya sakin. Para bang sinusuri n'ya ang buong katawan ko, parang kinikilala ako sa pamamagitan ng mga tingin n'ya. Nahihiya ako sa sarili ko. Nakakahiya na naandito ako ngayon sa ganitong sitwasyon.

Matagal ko nang hinihiling kay Tessa na pagaralin ako, graduate na ako ng High School at College na lang ang hindi ko pa natatapos. Simula noong naging asawa s'ya ni papa, nahirapan ako sa pag-aaral ko, pero ayos lang. Si papa parin kasi ang nagpapaaral saakin kahit na tutol si Tessa. Pero nung nawala na si papa, natigil ang pagaaral ko, kaunti na lang sana, makakatapos na rin ako, hindi lang sinuwerte. Kaya naman nang sabihin ni Kris na pag-aaralin n'ya ako ay nagulat ako. Maybe he just didn't want to let Tessa go without getting anything from her, and he still wanted to somehow comfort me in the process.. maybe, right..?

"You can leave." Narinig kong sabi n'ya. May pagkabastos sya kung magsalita at para bang masyadong komportable kung makipagusap. Ganun na lang 'yun?

I was given to him like a doll.

Iiwan na ba talaga ako ni Tessa? Gusto ko sanang magmakaawa sa kan'ya. Gusto kong umiyak o kahit na lumuhod man lang.. pero hindi ko na ginawa. Ayokong mapahiya sa kan'ya, o kay Kris o sa sarili ko.

Maybe it's better this way? I wasn't doing any good with Tessa either way.. Maybe this isn't even a bad deal at all..

Ahh..

Why am I here?

Why am I here, really?

I wasn't safe with Tessa but something is not right here. I can feel the tension in the air. I feel scared. I feel.. like this isn't just about being a helper..

"A-ah, ha-ha! Sige, maraming salamat dito!" Sabi ni Tessa at tumayo.

Paglabas na paglabas ni Tessa ay nagsalita si Kris.

"Stephanie Mae.. Sanchez." Tawag n'ya sa buong pangalan ko habang nakapatong ang makabilang kamay n'ya sa armrest ng sofa, his legs are crossed. Kung banggitin n'ya ang pangalan ko ay para bang matagal n'ya na akong kilala. Na para bang may alam s'ya sa buhay ko.

Nakatingin s'ya saakin. A pair of evil eyes. I just think it's weird how he called my name. Para bang kung banggitin n'ya ito ay tunay na pag-aari n'ya ako.

"You're mine now.."

Mine? Now?

Napalunok ako sa sinabi n'ya. Naramdaman ko na may gumapang na kaba sa buong katawan ko. Ang lakas ng epekto ng bawat salita n'ya. At kung paano n'ya sinabi ang mga salitang 'yun? Napaka-mapag-angkin. Napaka-makasalanan. At alam kong may kasunod pa ang mga sasabihin n'ya base sa tingin na ibinibigay n'ya.

Stephanie, The Devil's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon