Chapter 21

207K 2.4K 180
                                    

Maaga kaming gumising para maghanda. Maaga kasi ang flight ni Lyn. Naligo lang ako at nagayos na. Hinanda naman nila ang mga gamit na dadalhin ni Lyn sa sasakyan, asawa ni manang ang magda-drive saamin.

"Good morning!" Masiglang sabi ni Lyn pagbaba nya ng hagdan. Tapos na din pala syang mag-ayos, mukhang excited pa nga na umalis.

"Good morning." Ngumiti na lang din ako sa kanya habang si Kris naman ay patuloy lang sa pagkain.

"Kuyaaa! Mamimiss kita!" Sweet na sabi ni Lyn pagkatapos ay tumabi kay Kris na kaharap ko din at sumabay saamin kumain.

Nakita ko lang ang pagikot ng mata ni Kris pataas. Hindi lang sya namansin. As always.

"What are you wearing?" Nakatinging na tanong saakin ni Kris.

Tinignan ko ang suot ko. I see nothing wrong naman. I'm wearing faded blue shorts at loose pink shirt.

"What?" Pabalik na tanong ko sa kanya.

Naiinis na tumayo sya, as in nagdabog pa talaga. "Sasama ang mga kaibigan ko. Change your clothes." Umalis na sya pagkatapos nyang sabihin 'yon.

At dahil sa masunudin ako, hindi ako nagpalit. Anong pakialam nya sa suot at susuotin ko?

Naglakad si Kris papuntang ref at umupo naman ako sa terrace.

"Steph! Kanina 'to?" Narinig kong sigaw ni Kris. Hindi ko sya pinansin, tinatamad akong sumigaw. "STEPH!!" Narinig kong mas malakas nyang sigaw. Tss! Napaka!

"ALIN BA 'YON?!" Sigaw ko na lang din. Nakakairita naman sya.

"Eto! Yung cupcake!? Itatapon ko na ba 'to?" Tanong nya. Napatayo naman ako. Nakalimutan ko 'yung cupcake!

"Teka! Akin 'yan!" Inagaw ko yung cupcake sa kanya, tinignan nya lang ako.

"Saan mo nakuha 'yan?" Tanong nya. "Lumabas ka ba kahapon?" Nagdududang tanong nya.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa tanong nya. OA eh. "Anong pinagsasasabi mo? Nung isang araw ko pa binili 'yan! Kasama ko si Lyn! Kung mapangsisisi ka ah!" Hindi ko alam kung bakit masyado akong defensive. Ganito siguro talaga pag nagsisinungaling.

"Okay." Nagkibit balikat lang sya at tinalikudan ako. Ano ba 'yan? Asar 'yung lalaking 'yun. Ang haba pa ng paliwanag ko ah?

Kinain ko na lang 'yung cupcake habang iniisip na si Kris 'yun.

Sumakay na ako sa loob ng van at umupo ako sa dulo sa likuran. Tinabihan naman ako ni Lyn tapos si Kris ay nasa unahan namin. Maya maya lang ay may dumating na sasakyan at bumababa ang tatlong matatangkad na lalaki-- sila King, Ethan at Stanley.

Tumabi si Ethan kay Kris sa unahan namin ni Lyn. Si King naman tumabi kay Lyn. So gitna si Lyn ni King at ako. Si Stanley ay nasa harapan sa tabi ni manong Ben. Walang nakaupo sa pangalawa, bakante. May darating pa ba?

Nagsimula ng mag-ingay ang mga nakasakay. Ako nga lang ata ang tahimik pati na rin si Stanley na hindi pa nagsisimula ang byahe, tulog na agad sa harapan.

Nagulat ako ng may makita akong familiar sa labas.-- teka? Thats the guy I was talking with noong umalis kami ni Lyn.

"Blue!" Bati ni Ethan kay Blue, sumakay naman si Blue sa harapan nila Kris, wala syang katabi. Nakatagilid lang sya ng upo para makipagkwentuhan kila Kris at Ethan. Yung dalawa ko namang katabi, hindi ko alam kung sweet sila o naghaharutan eh.

"Steph?" Nagulat ako nang mapansin nya ako. Bahagya namang napatingin saakin si Kris nang tawagin ako ni Blue.

Awkward na ngumiti na lang ako sa kanya. Nakita ko syang ngumiti na parang masaya syang nakita nya ako.

Stephanie, The Devil's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon