Chapter 3

336K 3.2K 50
                                    

"She's nothing to me." Diretsong sagot ni Kris sa mga kaibigan. "I don't really care. I just enjoy using her."

"Dude, you sound so evil, man."Sabi ni Ethan sa kaibigan na kanina pa nagiinom.

Ngisi ang binigay nya rito. Nabuo ang mala-demonyong ngiti nito sa labi.

"Ass." Natatawang saad ni King.

"You're being petty. Kailangan mo talagang manggamit? I don't know, I think you are sick." Seryosong komento ni Stanley.

"Dude," Inakbayan ni King si Stanley. "Pasimula pa lang 'yan." Natatawang saad nito.

Napailing na lamang si Stanley. Hindi naman din nya gustong makialam. Alam nya ang pinagdaanan ni Kris, pero naiisip rin n'ya na sadyang mali ang gumamit ng ibang tao.

"What's your plan?" Tanong ni Ethan kay Kris while starting to flirt with the girl beside him.

"Nothing really. I'll just watch everything crumble down on its own." Ngumisi ulit ito. Alam ng mga kaibigan na kapag nagbigay ito ng isang kakaibang ngiti sa kanila, mangyayari ang gusto nyang mangyari.

..Ano man ang maging kapalit.

Stephanie's

Nagising ako nang walang katabi, nakabalot sa katawan ko ang isang puting kumot.

Malamig.

Masakit pa rin ang ibabang parte ng katawan ko, naramdaman ko 'yun nang gumalaw ako kanina. Tumayo ako at pinulot ang mga damit ko sa ibaba.

Lumabas na ako at dumiretso sa banyo.

Nasaan kaya si Kris? Nasaan kaya ang masamang lalaki na 'yun?

Pwede kaya akong tumakas? Kung may mapupuntahan lang sana ako.. kung pwede ko lang sanang puntahan si Max..

Tumuloy ako sa sala. Pag punta ko ay may matandang sumalubong saakin. I think she's in her 50's.

"Ay, magandang umaga ho, ma'am. Nag almusal na ka'yo?" Tanong nya.

"Ah-- Hindi pa ho, Steph na lang po. Sino ho kayo?" Tanong ko habang nginingitian sya. Tingin ko, isa sa mga kasambahay?

"Manang Lucy nalang ang itawag mo saakin. Ako lang ho ang nagiisang kasambahay ni Sir Kris dito. Oh sya. Tara sa kusina, may niluto na ako para sayo." Masayang sabi nya.

Para saakin?

"Ahm.. Manang Lucy, si Kris ho?" Magalang na tanong ko.

Hindi naman sa hinahanap ko s'ya. Nagtataka lang ako na wala sya sa sariling bahay nya.

"Nako hija, h'wag mong alalahanin yun, pumunta na naman siguro sa mga kaibigan nya." Sabi ni Manang habang hinahanda sa harap ko ang mga niluto nya.

Ngumiti lang ako at tumango.

"Gaano katagal na ba kayo ni Sir Kris?" Tanong ni Manang. Nakangiti sya.

Hindi ko napigilang maubo. Umiinom pa naman ako ng tubig. "Nako Manang, hindi ko ho sya boyfriend." Kunwari natatawa kong sagot pero ang totoo, gusto kong masuka.

"Nako mga magkarelasyon nga naman ngayon oh, mga in denial!" Kasunod nun ay ang malakas na pag tawa ni manang.

"Ay manang hindi po talaga.." Pag kumbinsi ko.

"Nako--"

Hindi naituloy ni Manang ang sasabihin nya dahil nag ring ang phone ko.

Honey Calling...

"Sandali lang po, sagutin ko lang to." Tumango lang si manang at pumunta na ako sa kwarto ni Kris, 'yun lang naman ang pwede na kwarto sakin eh, kahit na marami akong nakikitang kwarto.

Stephanie, The Devil's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon