Chapter 10

267K 2.6K 115
                                    

Kanina pa kami nakaupo sa table. 10 PM na pala.

"Kriiis. Please! Please! Please!!" Kanina pa sya gumaganyan, hindi ko mapigilang bumuntong hininga sa kaingayan nya.

"Ilang ulit ko ba sasabihin na ayoko?" Naiiritang sabi ni Kris.

"I heard you're living with him ah, why?" Natuon naman ang pansin nya saakin. Ang taray pa ng pagkakasabi nya. Parang nangi-intriga. Anong sasabihin ko? Na I'm his sex slave?

"Steph, wag ka ng madaming tanong." Naiinis na sabi ni Kris. "Kailan ka ba babalik sa France?"

"Next week pa! Gusto ko lang dito magcelebrate ng birthday!"

"Krissyyyy naman eh~" Ang arte talaga nya. Para syang tuko kung kumapit kay Kris eh! Wala sana akong pakialam sa kanila kung hindi lang talaga ako nao-OP!

"Stop calling me like that."

Nag pout lang si Steph. Hindi ko tuloy alam ang itatawag sa kanya. Nakakainis, ayoko syang tawaging Steph!

"Ang sweet nyo ah." Biglang sabi ng dad ni Kris pagdating.

So kilala din sya ng dad ni Kris? Siguro magkababata sila. Anyway, wala na akong pakialam dun.

"Dad." Masamang tingin ang binigay ni Kris.

Kinulit nya oa ito ng ilang beses at hnatak ni Steph si Kris sa kung saan.

"Hi Steph." Nagulat ako sa tumawag saakin sa likod ko, wala naman nang ibang tao dito sa table kaya alam kong ako yun.

"H-hi." Nginitian ko lang sya. Sya yung kumaway saamin kanina, Ethan nga ba?

"Ethan here." Nilahad nya yung kamay nya na parang nagsasabing magsayaw daw kami. "You look stunning." He complimented me. Nilagay nya ang dalawang kamay nya sa waist ko at ang dalawang kamay ko naman sa magkabilang balikat nya. Sumayaw na kami kasabay ang mabagal na tugtog.

Magkakaibigan talaga sila, pare-parehong babaero. Kanina lang may kasama syang babae ah.

"Thanks." I just said. Hinanap ng mata ko si Max at nung hindi ko makita ay si Kris naman ang hinanap ko. Nakita ko syang Nakikipagsayaw kay Steph. Mukhang nageenjoy ang Steph na yun. Ishh.

Napatingin si Kris sa gawi namin at sinamaan ako ng tingin, huh? Bakit nanaman? Eto ang unang beses na nagkaroon kami ng eye contact simula nung umupo kami sa table kanina.

Inirapan ko lang sya, Gusto kong malaman nyang naiinis ako sa kanya, SOBRA.

"Steph," Rinig kong tawag ni Ethan sa harap ko.

"Why?" Tanong ko.

"Nasan si Kris?" Tanong nya.

"May kasama syang ibang Steph." Ngumisi ako at nagkibit balikat.

Kumunot ang noo nya at napatingin naman sya sa tinitignan ko at napataas ang kilay?

"Stephanie?" Kumunot ang noo nya nang makita si Steph. Pagkatapos ngumisi na parang may naisip. Teka, iniiisip nya bang nagseselos ako?! "Nakilala mo na ba sya?" Tanong ulit ni Ethan.

"Well... hindi gaano, pero kasama ko sya kanina. Mukhang close na close nga sila ni Kris eh." Bitter na sabi ko. Wait ah, hindi ako nagseselos! Naiinis lang ako sa kanila.

Tumawa sya at sumagot. "Nagseselos ka ba?" Hinampas ko sya sa balikat. "Aw!"

"Hindi ako nagseselos kung girlfriend nya nga yang Stephanie na yan! Dyan ka na nga!" Iiwan ko sana sya kaso bigla nya ako hinawakan sa wrist ko at hinatak, kaya lalong napalapit ang mukha ko sa kanya, at ang katawan ko ay dikit na dikit sa kanya.

Stephanie, The Devil's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon