Chapter 31

177K 2K 250
                                    

"W-what?" Hindi parin nagrehistro sa utak ko ang sinabi ni Jhaeron. No! Kahit na iyon ang hinala ko, hindi nya gagawin sakin yun, he would never do that!

Pinigilan ko ang pagpatak ng lintik na luha sa mata ko. Damn! Ayokong magmukhang nakakaawa sa harap ni Jhaeron!

No! Niloloko nya lang ako!

"Tsk. Tsk!" Umiling iling sya na may kasamang mapangasar na ngiti sa labi. "Si Max at Mariel. Sila na. Sila na, Steph." Ngumisi sya habang nakikita ang reaksyon ko.

Umiling ako. "No! You're lying!" Umiling ulit ako kasama nun ang pagpatak ng pesteng luha ko. "Tell me you're lying!"

Tumawa sya. Natawa sya? Anong nakakatawa? Ang makita akong umiiyak?!

"Anong nakakatawa?" Sinamaan ko sya ng tingin habang tulo parin ng tulo ang luha ko.

All this time.. all this time na hirap na hirap ako na itago sa kanya ang lahat, nagloloko na din pala sya? Kelan pa 'to? Nakakainis! Na lagi ko pang sinisisi ang sarili ko! Na lagi na lang akong naaawa sa kanya. Nakakatawa naman, ganun lang yun?

Tumalikod na ako. Hindi ko na din nadala ang mga pinamili ko. Wala naman na akong gana pa. I don't feel hungry. Gusto ko na lang umuwi at magpahinga after kong marinig ang mga pinagsasabi ni Jhaeron.

"Wait, saan ka pupunta?" Hinila nya ang braso ko kaya napaharap na naman ako sa kanya.

"Aalis! Anong gusto mong gawin ko dito?!" Sinamaan ko sya ng tingin at naglakad, pero hindi pa man din ako nakakalayo, nagsalita na naman sya.

"Isn't it painful?" Narinig kong sabi nya. Napahinto ako. Hinarap ko sya.

"Ano ba sa tingin mo, Jhaeron? Sa tingin mo hindi masakit? Alam kong alam mo kung ano ang meron sa amin ni Max, so sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan?!" Singhal ko sa kanya. Nakakairita na sya. Bakit ba kailangan nyang sumali-sali sa problema ng may problema?!

Narinig ko ang mahina nyang pagtawa. "Now you know how it would feel kung gagaguhin mo si Max." Sabi nya at tumayo.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. What is he saying..?

"Don't worry, walang ibang babae si Max. Sila ni Mariel? Magkaibigan lang talaga sila. Alam mo bang.. mahal na mahal ka nya?" Tinignan nya ako na parang sinisisi nya ako at para bang madami akong kasalanan. "And yet here you are, cheating on him."

Sandali akong napatigil. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Halo-halo na. I feel so bad that I'm okay now because what he said was lies. Now I realize how bad I am.. I feel horrible.

"I'm not cheating on him." Depensa ko sa sarili ko.

"Yeah, you're not. You just kissed someone, right? You didn't cheat." Sarkastikong sabi nya.

Jhaeron Salazar's POV

"Wala kang alam." Ang sabi nya lang saakin.

Anong hindi ko alam? Hindi pa ba obvious?

Iniwan ko sya. Iniwan ko ang girlfriend ni Max na nakatayo doon at nakatingin lang sakin. She doesn't know how painful it will be, kung sasaktan nya si Max. Anong klaseng babae sya? Matagal ko nang kaibigan si Max, nakilala ko lang ang girlfriend nya na si Steph sa mga litrato. And I know that he loves her too much, I know, dahil halata ko iyon sa tuwing binabanggit nya saakin si Steph.

Kaya nung makita ko si Steph sa birthday ni Lyn, at nang ipinakilala ni Lyn na girlfriend ni Kris si Steph, nagulat ako. I even asked her about it, but she denied. Bakit naman sasabihin ni Lyn na sila ni Kris kung hindi totoo?

Nainis ako. Tinamaan na din ako dahil marami rami na din akong naiinom. Then Ikissed her, not because I like her, I just want her to feel how cheap she was. She's cheating on Max! Nangyari na saakin 'yan kaya alam ko ang pakiramdam. I don't want my friend to feel the same pain.

Binugbog ako ni Kris nung mga oras na 'yun. That's when I realized, he likes Steph. Na meron ngang namamagitan sa kanilang dalawa. What's with this girl para mahalin ng sobra ng dalawang lalaki? Is she  using her body to manipulate the both of them?

Nauwi ako sa ospital nung gabi na yun. Tangina, tangina talaga. Kung hindi lang ako lasing at kung hindi lang sya kapatid ni Lyn, napatay ko na ang gagong 'yun!

Kahapon, pauwi na ako dahil nawalan ako ng ganang pumasok, pinuntahan ko ang sasakyan ko ang to my surprise, I saw them kissing. Kris and Steph. Talagang hindi na natutunang itago. At talaga dito pa sya nagbalak mag-aral? Kung nasaan si Max? Ang lakas lang ng loob nya.

Wala akong balak na sabihin kay Max. Hindi ko alam ang sasabihin at isa pa, ayokong saakin pa manggaling. Ayokong mangialam sa kanila, but hell! Nung makita kong naghahalikan sila na parang wala na silang iniintindi, naalala ko si Max kung gaano namomroblema dahil sa pag-iwas daw sa kanya ni Steph! Si Kris, may alam kaya sya tungkol kay Max at Steph?

Unang kita ko palang sakanya, hindi ko na sya nagustuhan. Hindi ko nagustuhan kung paano nya loko-lokohin si Max. Huh, she thought I'm not going to do anything about that? Mabubuhay sya sa takot na sabihin ko lahat kay Max hanggat hindi sya nakikipaghiwalay kay Kris. Kay Kris Jimenez, that crazy son of a btch!

Naglakad ako habang naalala ang nangyari kahapon.

"Tol, break na kami." Sabi saakin ni Max at tinabihan ako sa bakal na inuupuan ko, madalas kami dito tumambay ng barkada, pero kami lang ngayon ang naandito.

Nakatingin lang ako ng diretso, tinungga ko ang beer na hawak ko. Hinayaan ko syang magkwento pero hindi nya ginawa. "Si Steph?" Pagbukas ko sa usapan.

Ininom nya ang beer na hawak nya at natawa ng mahina. "Tangina, hindi ko alam nangyayari sa kanya. Sht." Alam kong nasasaktan sya pero hindi nya pinapakita.

"Ang mga babae, ganyan talaga." Sabi ko na lang. Kahit na sa totoo lang, ang gusto kong sabihin ay 'May lalaki yang girlfriend mo.'

"Hindi sya ganon." Sabi nya at tumayo. "May problema sya at ayaw nyang sabihin." Inilapag nya ang beer at inayos ang sarili. "Ang masama doon? I feel so fcking worthless kasi hindi man lang nya magawang sabihin saakin kung ano yun, I waited. Sinubukan kong intindihin sya, pero lalong tumatagal, mas nagiging cold pa sya. Ayokong maipit sya sa relasyon namin kung ayaw nya naman na talaga. Babalikan ko sya.. kung mahal parin nya ako."

"Tss." Yun lang ang sinabi ko. May tama na yata ang gago.

"I'm giving her space para makapag-isip sya." Naglakad sya palayo.

Hinayaan ko syang makalayo nun pagtapos sinudan ko sya. Baka kung saan pumunta, malay ko ba baka magpakamatay na lang bigla. Tss.

Nakita ko syang nakaupo sa park malapit sa school namin at nakatingin sa malayo.. kay Steph.

Lumapit sya sa isang batang.. mukhang kasing tanda lang ng nakababatang kapatid ko. Tapos binigyan nya ng panyo at may sinabi. Nakita kong lumapit yung bata kay Steph at binigay ang panyo. Umalis naman na si Max. Tsk! He is really stupid! Martir, sht. Makikipagbreak sya pagkatapos hindi rin naman pala kaya. Tss!

Sinundan ko sya at nang maabutan ko sya, hinila ko na lang sya at sinakay sa sasakyan ko. Mukhang hindi na kaya magdrive eh. Hindi naman na umimik at hinatid ko na lang.

Napatingin ako sa passenger seat ng sasakyan ko, nakita ko ang cellphone ni Max. Kahahatid ko lang sa kanila, naiwan nya ang phone nya.

Kinuha ko ang phone nya at tinignan, malay ko ba kung importante pala. Kung hindi kasi, bukas ko na lang ibigay dahil medyo malayo na ako sa kanila, sayang sa gasolina ang hayop.

(From Honey)

Napakunot na lang ako ng noo at in-open ang message. Si Steph naman siguro to? Sabagay, wala namang iba.

[Hey..]

Binalik ko ang cellphone. Hindi ko gusto ang naiisip ko. No. Hindi ko dapat yan galawin. Nagpatuloy ako sa pagda-drive pero hininto ulit at kinuha ang phone ni Max, then I hit reply.

[Sino to?]

Dinelete ko ang message nya at sent item. Hindi naman na siguro sya magrereply. Tss.

Tama lang ang ginawa ni Max. Tama lang na layuan nya si Steph, dahil kung mahal sya ni Steph, si Steph pa mismo ang lalapit at iiwan nya si Kris.

Stephanie, The Devil's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon